51. The King's Order

56.4K 2.2K 247
                                    

Thank you for reading this story. The story is also available on www.dreame.com. You may download the Dreame App for more awesome stories.

The Keepers is also published by Psicom and the book is already out on all leading bookstores (National Book Store, Book Sale, Expressions, and Pandayan) nationwide. You may also order your copy via Shopee and Lazada.

***

Chapter 51 -The King's Order

"Gosh! Get off me! Ouch! Ano ba! Ibalik mo yang poku bag ko! Hoy!"

"Shhhhh!" Almost everybody shushed me in chorus. It dawned on me that I was the only one blabbering and everybody seemed agitated.

"Ilang oras na tayong nakaupo sa harap ng tronong yan. Ilang oras ko na ring tinitiis ang kirot sa kamay ko. Ano ba talagang hinihintay natin dito?" Angil ko sa nakahilerang sina Mistress Fhaun, Silex, Kaiser, Alvis at Master Uran.

"Ilang oras ka na ring nag-iingay kasama ng pusa mo." Mahinang sabi ni Silex pero dinig parin sa buong bulwagan ang boses nito.

"Excuse me! I'm not a cat!" Matinis na sa sabi ni Jolly na nasa tabi ko lang. "Palibhasa bitter ka. Tseh!"

"Eh ano ka? Butiki?" Sinundan 'yon ng bahagyang pagtawa ni Silex na sumakop sa buong bulwagan.

Nakita kong inirapan siya ni Jolly. That's my Jolly!

"Bakit kayo halos magkakatabing makahilera diyan at nakahiwalay kami ni Jolly dito sa sulok?" Reklamo ko uli sa di mabilang na pagkakataon. May diskrimanasyong nangyayari.

"Kasi maingay ka kasama ng kulay ubeng pusa mo." Tipid na sagot ni Mistress Fhaun na hindi ako nilingon ng sumagot. Nakatali na't lahat wala paring pinagbago sa kasungitan.

Sasagot na sana ako sa bestfriend kong si Fhaun nang bigla naming narinig ang mga paparating na yabag. Pigil hininga kong hinintay ang paparating hanggang sa iniluwa ng malalaking pintuan ng bulwagan ang apat na unipormadong kawal na nakapalibot sa haring Holoma. Hinatid ng apat na kawal sa kanyang trono si King Theotor Holoma at agad ding lumabas ng bulwagan at isinara ang malaking pintuan.

Katahimikan. Walang ibang naririnig kundi ang malalim at sunod-sunod na buntong hininga namin ni Jolly.

Pinagmasdan ko ng maigi ang haring Holoma. Halatang may katangkaran ito. May hawig ito sa prinsipe Kaiser. Napapalibutan ng makakapal na balbas ang mukha niya na sumakto sa mestizo nitong itsura.

Tumikhim ang hari na seryosong nakatingin kay Kaiser. Saka nagsalita. "Master Uran, ipagpaumanhin mo ang naging asal ng mga kapwa mo miyembro ng council of magic. Kinailangan ko kayong dalhin dito dahil alam kong kayo ang mga taong pinagkakatiwalaan ng mga anak ko. Ito lang ang natatanging paraan para sa kaligtasan nila."

Mga anak ko? Akala ko ba'y si prinsipe Kaiser lang ang anak ng hari?

Nagitla kaming lahat maliban kina Master Uran at Mistress Fhaun. Nang lingunin ko ang dalawa pagkatapos akong gulantangin ng makahulugang pahayag ng hari ay tila hindi na bago sa kanila ang balita.

"Amang hari, a-anong ibig mong s-sabihin?" Halos hindi mapagbuklod-buklod ni Kaiser ang kanyang mga salita. Hindi parin ito makapaniwala sa huling narinig. "S-sinong mga anak mo ang sinasabi mo maliban saakin?"

"Prinsipe Kaiser..." bumuntong hininga ito, halatang nag-ipon ng lakas saka nagpatuloy, " kapatid mo ang kambal na Hearthopia." Napayuko ang hari. Tila may pagsisisi sa lihim na itinago sa prinsipe ng napakatagal. Muli itong nilingon ang gulat paring prinsipe. "Ang dating reynang Elmaea ang una kong minahal bago ang kapatid niyang si Amry na siyang ina mo. Ako ang heneral ng Cairos noon. Pinagsilbihan ko at lihim kaming nagmahalan ni reyna Elmaea. Pero dumating ang kapatid nitong si Amry at umibig din ito saakin.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon