Chapter 2

17 1 0
                                    

Chapter 2

7pm, 30 minutes before curfew. Dapat kanina pa akong ala saes natutulog, dahil may presentation kaming gagawin ni Win. Sya ang partner ko kay Mr. Castro sa Entrep.

Kasalukuyan kong hinihintay ang sabi ni Mr. Dee na bagong roommate ko, nagkaroon kase ng sunog nung isang araw at halos kalahati ng building ay natupok ng apoy. Ang sabi nila baka after three months pa bago ulit maibalik sa dati yun, kaya pansamantala munang makiki-share ng kwarto ang iilang senior sa mga freshmen, tutal medyo sobra naman yung space ng iilang mga dorm dito. Ewan ko ba parang kinakabahan ako, girl's instinct ika nga. Nakuu naman parang hindi maganda 'tong kutob ko.

Paglipas ng mahigit dalawampung minuto, napagdesisyunan ko nang matulog. Siguro may susi naman sya. Hay naku dapat kanina pa kase ako natulog, ba't di ko agad naisip yun? Ang bobo Acia huh?


Kinabukasan kahit inaantok pa, dumiretso ako sa banyo para magsipilyo at maghanda na rin para pumasok. Napansin kong may maleta sa katapat kong kama, at nakasara ang kurtina nito. Anong oras na kayang dumating 'tong roommate ko kagabi? Nevermind, mag-aasikaso na ko at baka ako'y hinihintay na.

Isinara ko na ang pinto sa banyo, at mag-uumpisa na sanang hubarin ang aking damit, nang biglang tumunog ang doorknob hudyat na may papasok. Dali dali kong inayos ang damit ko't dinampot ang toothbrush sa gilid ng sink. Napapikit ako habang nagtotoothbrush sa sobrang kaba, narinig ko na lang ang muling pagsara nito at naramdamang may pumwesto sa gilid hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. I slowly open my eyes, and our eyes met for the second time we also saw each other. Oh my freaking g! Kung minamalas ka nga naman talaga.

"Are you gay?" he asked directly while his staring at me from the reflection on the mirror in front of us.

I gave him "seriously look" as I look back at him. Napaka arogante talaga nito kahit kelan, ngayon ko na nga lang ulit nakita hindi pa maging friendly, hays.

" Well, this is the second time you're looking me like that." ano ba yan, di ko sya maintindihan. Anong klaseng tingin ba?

"What do you mean? " pagpapanatili kong panlalaki ang boses kong tanong.

" It's like, you're going to eat me alive" sabi nya at dumiretso sa shower room habang hinuhubad ang kanyang shirt. Heck! What am I going to do? He's stripping in front of my precious eyes.

Hindi agad ako nakasagot dahil sa pagpapanic ko, at mas nadagdagan pa yun nang humarap syang muli sakin. Iniwas ko ang tingin at umarte napuwing at diretso naghilamos.

" So tell me, are you gay? Para naman mapaghandaan ko kung sakali" dagdag nya habang nakangisi. What?! Anong sinasabi nyang paghahandaan? Nababaliw na talaga ang isang 'to.

"No, I'm not. Siguro naiinsecure lang ako sayo bro, ang pogi mo kase" w-what?! Did I really say that?! Seriously Acia, maaga kang mabubuking sa katangahang ginagawa mo!

Nakita ko syang ngumisi bago ko sya tinalikuran. Siguro hindi na muna ako maliligo ngayon, hindi pa naman ako mabaho. Hayss ano ba naman kaseng pinaggagagawa mo. Stupid!

Lalabas na sana ako ng pinto, nang marinig ko ang huling katagang sinabi nya.

"You look like a girl." hindi ko na sya nilingon pa at dali daling nagbihis sa loob ng kama ko. Baka mamaya bigla na lang lumabas sa banyo yun.


Sa ten years kong pagpapanggap, ngayon lang ako nahirapan magtago ng ganito.

"You look like a girl"

"You look like a girl"

"You look like a girl"

"You look like a girl"

Ulit ulit na replay sa utak ko, hindi kaya nahalata nya agad? Wala naman akong nagawang nakakapanghinala diba? Shet, sana lang talaga wala. Traydor kase 'tong puso ko. At hindi ko dapat maramdaman 'to, you're Ram okay? Wag mong dumihan ang pangalan ng kambal mo, please lang Acia. Yes, I admit. I'm attracted to him, sa tanang buhay ko na 'to, ngayon ko lang naramdaman ang maattract sa isang lalaki.

"Ram! Tol, nakikinig ka ba?"

"Hoooy, shorty!" pagyugyog ni Pierce sa balikat ko.

"H-huh?Ano ulit sinasabi mo pre?" nandito kami sa usual naming tambayan, sa lumang bench na matatagpuan sa gilid ng SD 2(Senior Dorm)

"Wala na 'to, hayds. Nala-lovesick na ata sa shota nya" muling saad ni Pierce sa tabi ko.

"Ram, ano bang nangyayare? May problema ka ba?" si Hayden

"Hindi ko alam kung magkakasundo ba kami nitong bagong roommate ko mga tol"

"bakit naman? Nakipag-rambulan na ba agad sayo? si pierce na pangisi-ngisi pa.

"Tss. Hindi naman sa ganun, basta parang feeling ko lang" saad ko habang nakatulala parin

"Sus, wag mo nang pansinin yun. Teka nga, sino ba ang roommate mo at ganyan ka na lang kaproblemado?" pagbaling ulit sakin ni Pierce, si hayden naman ay nakikinig lang sa usapan namin habang may kinakalikot sa phone nya.

"Si Grey Tristan, pre." saad ko habang bumubuntong hininga.

"HUH?!" gulat na sabi ni Pierce, na pati si Hayden ay napunta ang buong atensyon sa kanya.

Agad akong napangiwi, nang gawin nya yun.

"Ano ba? Mababasag eardrums ko!"

"What?! You mean, si Mallari? eh classmate ko yun, balita ko hindi sya nakikipagshare ng dorm. Bakit naman kaya sya pumayag this time? pagdaldal ni Pierce.

"What do you mean na hindi nakikipagshare? Eh kung ganun pala, totoong napaka arogante talaga nya." huling hirit ko bago nagpaalam sa kanilang sasaglit muna sa faculty.



Don't forget to vote and leave comments!

Stay tuned for more updates, thankyouu mga ulan!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Am You, You Are Me (O N - G O I N G)Where stories live. Discover now