“Bakit? Anong ginawa ni Dad sa'yo?”

He looks at me intently. Nag-iwas kaagad ako ng tingin sa mga mata niyang nakakalunod.

“Hanggang ngayon pa rin ba ay naiilang ka pa rin sa tingin ko? Paano na lang kapag naging asawa na kita?”

Nanlaki kaagad ang mata ko sa sinabi niya. Masama ko siyang tiningnan.

“Hindi bagay ang apelyido mo sa pangalan ko noh!” asik ko.

Nawala naman kaagad ang maliit na ngiti sa labi niya. Okay, I offended him. Biglang sumeryoso ang mukha niya at mukha siyang galit.

Bigla akong kinabahan. “Uyy! Joke lang.” Pabiro kong wika.

“As much as you hate my surname, I hate it too. Kung pwede lang sana na pa—” bigla siyang huminto sa pagsasalita at tumingin sa likuran ko.

Napabaling naman ako roon. Nakita ko si Matt na malokong nakangiti kay Zyriex. Problema na naman nito?

“Yow, man! Magkasama na naman kayo?” He asked as if he was mocking.

Nakita ko ang masamang titig ni Zyriex kay Matt. Bigla naman niya akong hinawakan tsaka hinila na papaalis sa clinic ngunit sumunod naman sa'min si Matt.

“Akala ko ba isa lang, Zy? Ba't naging dalawa? Pati ba ako ay niloloko mo?”

Kumunot ang noo ko kasi hindi ko alam ang pinag-uusapan nila.

“Shut up! Don't follow us!” Ma-awtoridad na wika ni Zyriex.

“Gusto ko kayong sundan e. Paki mo!”

Umakbay naman sa'kin si Matt tsaka hinila niya ako papalapit sa kaniya kaya napalayo ako kay Zyriex.

“Hello, Gianna! Wanna come to our house this coming Sunday? Yuhann's been looking at you. 'Yong promise mo raw sa kaniya.” He said.

Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko kaya bahagya akong nainis sa kaniya. Babaero siguro 'to. Pero inaamin ko na gwapo talaga siya kahit sa malapitan pa man o sa malayo. Kahit may eyeglasses pa man siya na suot o wala. Pero hindi tatalab sa'kin ang ganiyan niya.

Nanlaki na lang ang mata ko nang makitang tumilapon na si Matt sa 'di kalayuan.

“You're too close to my wife. Tsk! Let's go.”

Gulat pa rin akong nagpabalik-balik ng tingin sa dalawa. Nang makalayo kami ay nakita ko pa si Matt na tumayo at pinagpagan ang sarili niya na nakangiti pa ng nakakaloko. Nagtaka na naman ako. Siya na nga 'tong nasaktan tapos nakangiti pa? Weirdo talaga.

Hinampas ko naman si Zyriex sa balikat niya. “Ba't mo naman 'yon ginawa sa kaniya? Parang kanina lang hindi mo nilalabanan si Atlas tapos siya pinatilapon mo e hindi ka naman niya inaano—”

Napapitlag ako nang masama niya akong tiningnan. “And you're defending him, ha!” Marahas niyang binitawan ang kamay ko.

“Then go to him!”

Napakurap-kurap pa ako sa ginawa niya. Nag walkout siya. Akala naman niya susuyuin ko siya. Ang arte naman niya, wala naman kaming label, ni hindi nga siya nanliligaw sa'kin e. Bahala ka diyan!

Naglakad na rin ako pero sa ibang direksyon. Babalik na lang ako sa room. Sumunod naman sa'kin si Matt na hindi ko na lang rin pinansin. Putrag*s siya, nagalit sa'kin ang isa nang dahil sa kaniya.

Inakbayan niya pa ako pero mabilis ko iyong tinanggal.

“Nag-away kayo, haha! Wag 'yon. May asawa na 'yon. Dito ka na lang sa'kin.” Nakangisi niya pang wika.

The Rare OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon