Epilogue

12 3 4
                                    


Natutulog pa lang sila Papa ay umalis nako para pumasok. Maaga pa lang ay nasa school nako, andaming nag tanong kumg bakit ako umabsent ng ilang araw pero hindi ko sinagot.

Kasama ko ngayon sila Nadia. Panay ang tanong nila kung okay lang ba ako dahil kanina pa ko kinakabahan, halos halata pa nga sa mata ko na ilang araw ako umiyak.

Panay naman ang comfort nila sakin at di nila ako iniwan dahil ayaw daw nila na mag isa lang ako. gosh i really love them

Gusto kong umiyak dahil na-touch ako sa inaarte nila ngayon pero pinipigilan ako ni Nadia dahil pang bata lang daw yun. Hindi pa man taon ang pagkakaibigan namin eh super close na kami sa isa't isa.

they're my family already.

Ilang oras din kaming nag usap, natigil lang yun nung makita ko si Liam. Nag paalam ako sa kanila na kakausapin ko na si Liam and they gave me a worried look pero inassure ko sila na magiging okay ako. sana nga

"Liam, can we talk?" tanong ko sa kanya nang makarating ako sa pwesto nila

Lumiwanag naman ang muka niya ng makita ako. Dinala ko siya sa gymnasium dahil wala namang tao dun ngayon.

Nang makapasok kami ay bigla niya akong niyakap.

"I missed you. Ilang araw kang di pumasok, naka deactivate pa yung social media mo. Namiss kita anong nangyari sayo?" sunod sunod na sabi niya

"I think we should stop na" mahinang sabi ko at dun na namuo ang luha sa mata ko

"Ang straight forward mo naman mag biro" natatawang sabi niya pero nandun ang pag tataka sa muka niya kaya bahagya akong umalis sa yakap niya

"Alam na ng parents ko, nauna pa nilang nalaman bago ko sabihin. Pinapili nila ako, ikaw ba o ang pangarap ko" tumulo ang luha ko sa huli kong binanggit

"Gav.." umawang ang labi ni Liam

"I'm breaking up with you. Tinatapos ko na kung ano mang meron tayo" seryoso kong sabi pero patuloy na tumutulo yung luha ko

"Gav naman.."

"Nag uumpisa pa nga lang tayo tinatapos mo na agad"

"Wag naman ganito gav oh"

Sunod sunod na sabi niya pero tinapunan ko lang siya ng tingin. Naluluha na siya. Ayokong siyang tignan dahil naaawa ako.

hindi niya deserve to.

"Bakit gav? anong meron" pilit niyang kinuha yung kamay ko pero bahagya ko siyang tinulak

"Because i'm choosing my dreams over you" lakas loob kong nilabanan ang nagtataka niyang tingin

Napasinghap siya sa hangin at tumingin sa lapag. Napansin ko na tumutulo na ang luha niya, mas marami kesa kanina.

"Gav, last na please? kahit secret na lang. Gusto mo wag na natin ipaalam kahit kanino" hiling niya pero umiling ako at humawak sa ulo ko

Panay ang hikbi ko dahil hindi ko na kinakaya yung reaction niya.

"Hindi, hindi pwede liam. Please intindihin mo naman"

"Please i'll be better, hindi na tayo magpapahulinulit. I promise, matutupad mo yung pangarap mo" pakiusap niya

"My dreams are more important than you" lakas loob na sabi ko

"Bakit ba ganun na lang kadali sayo yun gav"

"Hindi ganun kadali sakin yun. Sadyang mas importante lang ang pangarap ko" pinunasan ko ang luha ko at tumingin ako sa kanya

"Gav please" hinawakan niya ang kamay ko pero binawi ko rin yun

"Mag hihintay ako gav please?"

"Don't wait for me, i already told you na i'm choosing my dreams over you. May pangarap ka rin, Liam. Don't be selfish" umiling siya

"Kaya kong abutin yun ng kasama ka"

"At hindi ko kayang abutin yung akin ng kasama ka!" sigaw ko

Napayuko siya at napa singhap na lang. Umayos siya ng tayo at tumingin sakin.

"Tumigil kana, Liam" sabi ko at tumango tango lang siya

Lumapit siya sa akin at bahagyang yumuko. Nagulat ako nang halikan niya ang labi ko.

our first and last kiss.

"Gusto ko lang na magawa yan dahil hindi ko alam kung magiging ako pa rin ba yung taong mahal mo habang nag hihintay ako sayo. Please take care of yourself, ayokong makita na nasasaktan ka. Hihintayin kita Gav" mahabang sabi ni Liam bago tuluyang umalis sa gymnasium

Napa upo ako at dun umiyak ng sobrang sobra. Ayokong makita ni Liam na umiiyak ako, hindi niya ko iiwan kung makikita niya na mahina ako.

Masaya na kaya si Mama sa nagawa kong desisyon? Sana nga.

Ayokong umiyak nang umiyak sa school kaya nag paalam na kong umuuwi sa mga kaibigan ko. Tinanong nila ako at sinabi ko na wala na.

Pag uwi ko sa bahay ay agad kong binuksan ang laptop ko at inopen ang Midnight Talks.

Unang lumabas ang message ni Liam. Kanina lang niya sinend matapos namin mag usap sa gymnasium.
___________________________________________

MidnightTalks.com

@liam

@liam:

hi gavriela haven. my safe place. siguro pag uwi mo na to mababasa dahil sa laptop mo lang naka on yung account mo. i want to thank you for everything, as in everything. to be honest, para kang rainbow sa buhay ko. ang corny pakinggan pero totoo, i can't imagine my life without a rainbow like you. Please kahit ngayon lang take care of yourself like what you're doing to others. di ko lang sinasabi to sayo pero i always see na may cuts yung wrist mo. i don't want to pressure you to tell it naman pero please kahit ngayon lang, alagaan mo ang sarili mo. thank you for being always with me, gav. i will wait for you at sana kapag abogada kana, ako pa rin.
seen by @lovehaven

Way Back DecemberWhere stories live. Discover now