14

7 4 2
                                    


Nakangiti kong sinagot ang tawag ni Liam.
Naka-on cam siya, kitang kita pa sa background niya yung mga book collection ng papa niya na madalas niya rin na pinapakita sakin dati.

"Hello?" i said in a small voice. nakakahiya

"Hello gav! na-open mo na ba yung file?" he asked me while smiling, ang energetic niya.

"Hindi pa! wait i'll check" natataranta kong sabi pero tumango lang siya bilang sagot

"Anong klaseng reflection ba yung gagawin" tanong ko

"About daw sa mga natutunan natin sa science last school year pero hindi raw basta pa-essay parang book na raw pero sa file ipapasa" mahabang sagot niya bago ngumiti

jusko ang pogi talaga. joke

Tumango-tango na lang ako sa bawat explanation niya, may idea naman na kase ako about sa laman ng reflection paper namin. Idea na lang sa kung panong reflection paper ang gagawin.

Panay ang joke niya at natatawa naman ako, kung minsan ay focus kami sa ginagawa namin minsan naman tumatawa kami kase panay ang biro niya.

Hindi rin nag-tagal natapos na rin agad namin, nag-presinta siya na siya na raw mag-ccompile ng mga nagawa namin pero sabi ko huwag na.

Nag-bigay na kase siya ng idea kung panong reflection paper ang gagawin at ng laman ng reflection paper. Nakakahiya naman kung yung laman lang ng reflection paper ang ambag ko.

Hindi na rin siya naki-pag talo sakin kase alam niyang magtatampo ako kapag hindi nasunod yung gusto ko. Sabi ko sa kanya bukas ko na lang gagawin sa school kase curfew ko na at kailangan ko na i-end yung call.

"Ikaw na mag end ng call" nahihiyang sabi ko

"Okay lang, ikaw na mag end" nakangiting sabi niya kaya nag paalam nako bago ko ito i-end

Saktong pag-end ng call ay pumasok na si mama sa kwarto para sabihan ako na papatayin niya na yung wifi. Hindi naman nako nag reklamo dahil wala naman nakong gagawin.

Bago ako matulog ay sinigurado kong maayos na lahat ng dadalhin ko. Maging ang laptop ko ay nilagay ko na rin sa backpack ko para bukas ay di ko na makalimutan.

Hindi ko na mabilang ilang scenario pa ang nagawa ko sa utak kasama ang mga celebrity crushes ko bago ako nakatulog.

Kinabukasan ay ganun pa rin ang nangyari. Pumasok ako ng maaga para silipin kung anong nangyari sa club. Hindi ko na rin kase natapos yung ginagawa ko kahapon, pumunta kase ako sa clinic dahil super sakit ng paa ko na nabagsakan ng stapler.

Naging busy na naman ako sa club namin dahil hindi rin pala natapos ng mga kasama ko yung kinakabit namin. After ko kase mahulugan ng stapler sa paa ay pumunta ako ng clinic kase super sakit talaga.

Nalaman ko na lang na di pala nila tinapos kahapon kase wala raw ako di raw nila alam yung gagawin.

I sighed. Wala akong choice kundi tapusin to or else lahat kami mapapagalitan. Kahit masakit pa rin ang paa ko ay pinilit ko pa rin na tapusin, binilisan ko na lang dahil ayokong di na naman makapasok lalo na't wala ako nung first discussion.

Matapos kong isabit yung mga kailangan ay nag-paalam na rin ako sa mga kasama ko dahil 6 minutes na akong late.

Kahit pa sinabi ni Candice sakin na wala naman daw ginagawa eh binilisan ko pa rin matapos dahil baka mamaya biglang pumasok si ma'am.

Napaawang ang labi ko nang makita ko ang chat ni Candice sakin.

"may quiz daw sabi ni liam" kunot noo ko siyang nireplyan ng okay bago tuluyang unalis sa tapat ng club namin.

Pag-dating ko ay wala pa si Ma'am. Mas okay na rin yun para may time pa ko para mag review.

Nang makarating si Ma'am ay dun niya na sinabi na may surprise quiz daw kami para malaman kung nag-advance study ba kami nung wala pang pasok. Andaming negative reaction pero isina-walang bahala lang yun ni Ma'am at nagpakuha ng yellow pad.

Pag tapos ng quiz ay umalis na rin agad si Ma'am at siya na lang daw ang mag-ccheck nun dahil may susunod na klase pa siya.

Wala kaming teacher sa next subject namin dahil nag-hahanda sila para sa foundating day. Nasakto kase ang class opening sa foundation week kaya sobrang busy ng mga teacher ngayon.

Panay nga ang hingi nila ng tawad sa mga magulang namin dahil late na raw nag start ang class opening.

Matapos ang ilang oras ay uwian na. Wala naman nag bago, nag paalam lang ulit kami sa isa't isa at umuwi na. Pagod din kase kami sa kanya kanya naming clubs kaya bihira na lang kami mag kita kita.

Pumunta ako sa terminal ng jeep para dun na sana mag hintay ng sasakyan dahil bihira lang ang dumadaan na jeep sa tapat ng school, matatagalan lang ako.

Habang nag-lalakad ako ay nakita ko si Liam kasama niya yung kaibigan niyang lalake, si Troy.

"Uuwi kana?" nakangiting tanong ni Liam sakin at tumango naman ako

"Sabay tayo?" tanong niya sakin pero tumingin ako kay Troy bago sagutin ang tanong niya

"Hindi na, okay lang" nahihiyang sabi ko at tumawa naman ang kasama niya

May binulong pa siya kay Liam bago mag salita. "Okay lang kahit solohin mo siya dyan lang naman yung subdivision ko, sama na lang ako sa inyo" natatawang sabi niya kaya napatango na lang ako

Wala nakong nagawa nung medyo tinulak ako ni Liam para mag lakad papunta sa terminal.

Nung medyo malapit na kami sa terminal ay nag paalam na si Troy dahil dito na raw yung subdivision nila kaya tahimik kaming nag lakad ni Liam papunta sa terminal.

Nang may jeep na ay dali dali akong sumakay dun at nagulat ako nang sumakay din si Liam. Natawa pa siya sa reaction ko kaya napa-simangot na lang ako.

"Madadaanan ng jeep na to yung subdivision ko" natatawang sabi niya habang naka turo sa mukha ko kaya umirap ako

hindi ko naman alam na magkalapit lang yung subdivision namin no!

Ilang minuto lang ay nag paalam na si Liam sakin dahil dyan na raw yung subdivision nila, nakailang sabi pa siya na ichat ko raw siya pag uwi ko para naman daw di siya makonsensya na di niya ko hinatid pa-uwi.

Andami niya pang bilin sakin. Don't forget to message him daw when i got home and mag eat na raw ako pag uwi ko.

para ko tuloy siyang tatay!

Nahiya nako sa mga pinagsasabi niya kaya bahagya ko siyang tinulak para lumabas na siya ng jeep dahil pinag-titinginan na kami ng mga pasahero. Nagrereklamo na sila.

After a minutes, nakarating na rin ako sa subdivision namin. Sumakay na lang ako ng tricycle para di nako mag lakad, ang sakit pa rin kase ng paa ko.

Pag dating ko sa bahay ay si Mama ang bumungad sakin, kasama ang mga kaibigan niya na naglalaro ng baraha.

"si gavriela na ba yan, elaine?" tanong ng isa sa mga kaibigan ni Mama

Bahagya akong tinulak ni Mama para ipakilala sa mga kaibigan niya. Uh no, para sapilitang ipakilala sa mga kaibigan niya.

"Oo, last year niya na sa senior high. Mag-ccollage na siya, ilang taon na lang eh may abogada nako! proud na proud talaga ako dito sa anak ko lalo na't hindi natatanggal sa honor list!" proud na sabi ni Mama at bahagya pa kong tinignan

Tumango lang ako at ngumiti sa mga kaibigan ni Mama na kasalukuyang nakangiti sakin. Nag paalam ako na mag bibihis muna ako kaya wala nang nagawa si Mama kundi hayaan ako.

She's always like that. Proud siya sakin.

infront of her amigas nga lang kase nawala nako sa honor ever since i entered my senior year.

Way Back DecemberWhere stories live. Discover now