15

6 4 2
                                    


"Salvedia, 19/20" nagpalakpakan ang mga kaklase ko dahil ako ang highest sa surprise quiz namin

Panay ang bati nila sakin at nagbibiro na patulong naman. Ngumiti lang ako sa kanila pero ang totoo ay nalulungkot ako at natatakot sa pwedeng maging reaction ni Mama.

isa na nga lang hindi mo pa nakuha ng tama, nag aaral ka ba talaga gavriela?

Palaging yan ang sinasabi sakin ni Mama kapag hindi perfect ang score ko. Sabi ni Mama dati basta hindi bumaba ng 3 mistake eh okay na raw sa kanya pero masyado ko atang nahigitan ang expectations ni Mama dahil panay perfect score ang nakukuha ko dati.

Sinubukan kong babaan lahat ng nakukuha ko para man lang bumaba na rin ang expectations ni Mama sakin pero nag-eend up lang sa away.

Katulad ng nangyari kagabi, hindi ako nakababa dahil pagod ako kaya nagalit siya sakin. Pinapahiya ko raw siya sa mga kaibigan niya.

Panay ang chat sakin ni Liam kaninang umaga kung bakit di ko raw siya minessage kagabi. Hindi ko na rin kase hinawakan ang cellphone ko kagabi dahil matapos kong umiyak ay nakatulog na agad ako.

Nag-sorry ako kay Liam at naintindihan niya naman na pagod ako kaya tumigil na rin siya sa pagtatanong. Kilala ako ni Liam kapag tahimik ako ay may nangyaring hindi ko nagustuhan pero imbis na kulitin niya ko ay hinahayaan niya na lang ako hanggang sa ako yung lumapit sa kanya para alam niya kung okay na ba ako o hindi.

"Congrats" napatingin ako sa gilid upang malaman kung sino yun

"Congrats din sayo, 17/20 ka" nakangiting bati ko

pano ko ba nagagawang tanggapin ang score ng iba samantalang sakin hindi ko magawa

"Mas mataas naman yung sayo" tangi niya kaya napaawang ang labi ko

"Bawal humble dito, section one tayo"

No, nakapasok lang naman ako sa section one kase pilit ang average ko. Saling pusa lang ata ako dito.

"Thank you" nakangiting sabi ko at lumiwanag naman ang muka niya tsaka ngumiti

jusko lord yung puso ko

"Yun oh! ganda talaga ng bebe ko" tuwang sabi niya pero napahawak siya sa bibig niya at nag peace sign sakin

"Wala kang narinig ah, sabi ko kumain kana kase break time na" sarkastikong sabi niya kaya natawa ako at tumayo para kunin ang wallet ko

Nag paalam ako sa kanya na pupunta ako ng Cafeteria kasama si Nadia at Candice kaya si Troy naman ang kinukulit niya ngayon.

"Naks close na sila ulit ah" nadia teased me again for being close na naman with him

There's nothing wrong being friends with your ex naman diba? i think so.

"Naexplain niya na ba sayo yung side niya?" tanong ni Candice kaya tinignan ako ni Nadia

"Not yet" tipid na sagot ko at tumango na lang sila

Pumunta kami sa pila at nag-order na. Yung carbonara na nakalagay sa styro at coke lang ang binili ko dahil nag heavy breakfast naman ako sa bahay.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kabilang table at nagulat ako nung nandun na si Liam at Troy. Ngumiti sakin si Liam at kumaway pero dahil nandito ang mga kapatid ni marites sa tabi ko ay ngumiti lang ako dahil alam kong di naman nila mapapansin yun pero i'm wrong, nakita nila.

Parang baliw na kinilig si Nadia at Candice habang ginagaya kung pano yung muka ko kanina habang ngumiti ako kay Liam.

Aasarin lang naman nila ako hanggang matapos ang break time kaya nag paalam nako sa kanila na mauna nako sa room para mag advance study.

Pag dating ko sa room ay umupo ka agad ako at kinuha ang libro ko.

Habang nagbabasa ay nakaramdam ako ng pananakit ng puson kaya tumayo ako pero saktong pag tayo ko ay naramdaman ko na medyo basa ang palda ko sa likuran.

Nataranta ako at kinapa ang back pack ko pero wala dun ang hinahanap ko. Dali dali kong kinuha ang hoodie ko para sana ipang takip sa tagos ko pero nakita ko na kulay puti yun.

Nag aalangan pa ko kung gagamitin ko ba yun dahil puti yun at bagong laba lang pero napag desisyon ko na gamitin na yun at dali dealing pumunta sa cr dahil nararamdaman kong dumadami na yung tagos sa palda ko. Chineck ko ang bawat cubicle at nung nakita ko na walang tao dun ay nilock ko ang pintuan ng mismong cr.

ang frustrating naman nito

Minessage ko agad ang gc namin nila Nadia para magpa-bili ng sanitary pads and buti na lang nabasa nila ka agad yun at ilang minuto lang ay nakarinig ako ng katok sa cr.

Inunlock ko ang pinto at agad na binuksan yun.

"Nakabili ba kay—LIAM?!" sigaw ko kaya tinakpan niya ang bibig ko at sumenyas na wag maingay dahil nag uumpisa na pala ang klase

"Sorry! ano ba kaseng ginagawa mo dito" tanong ko at inabot niya sakin ang plastic na may tatlong sanitary pads sa loob at extra skirt

ilibing niyo nako. now na.

Halos kainin ako ng hiya nang makita ko kung ano ang laman ng plastic. Mabilis kong kinuha yun at ni-lock ang pinto, narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero huli na at nalock ko na ang pintuan.

Agad agad akong nag lagay ng pad at nag palit ng palda bago lumabas at nakita ko si Liam na naka sandal sa pader, nag-ccellphone.

isa na lang lord. babakuran ko na to.

Bahagya akong umubo para kunin ang atensyon niya at agad naman siyang nag angat ng tingin.

"Done?" tumango ako at sinenyasan siyang pumunta na sa room pero hinawakan niya ang pulsuhan ko at inabot sakin ang black na jacket

"Wala naman nakong tagos" i pouted

"Keep it, baka mamaya tagusan ka na naman" seryosong sabi niya at tumango ako bago nag salita

"Thank you" nahihiyang sabi ko pero hindi siya sumagot at tumingin lang sakin

"Bakit ikaw yung nag abot sakin?" tanong ko at ngumiti siya

"Bigla na lang inabot sakin ni Candice eh. Ibigay ko raw sayo kase natagusan ka" tango na lang ang naging sagot ko pero deep inside hiyang hiya ako sa ginawa ng kaibigan ko

Bumalik na kami sa room at nakita ko walang teacher na nagtuturo kaya nilingon ko ang gawi ni Liam at narinig ko na inaasar siya ni Troy.

"Bad influence ka kay gav, tinuruan mag cutting"

Way Back DecemberWhere stories live. Discover now