17

6 3 0
                                    


After what happened yesterday, hiyang hiya nako makipag usap kay Liam kaya nanahimik na lang ako sa isang tabi nun  I thought maaga kami makakauwi pero tumawag sakin si Ailah yung clubmate ko at may problema raw sa club room namin kaya ending almost 8PM kami nakauwi ni Liam because he waited for me dahil he insisted to take me home naman daw.

I'm glad that Mama is not home kase magagalit na naman yun samin ni Papa kase nagkakampihan na naman kami tungkol sa late ako umuwi. Speaking of Papa, nasa business trip siya kasama mga officemate niya at sa linggo pa ang uwi nila.

I promise to Liam na mag-ffriendly date kami sa Blossom Café ngayon kaya maaga ako gumising dahil 6AM pa lang ay pupunta na kami sa café dahil 24hrs open naman yun.

Nag kita muna kami sa park bago pumunta sa Blossom Café. Pag dating namin sa café ay nag hanap kami nang mauupuan at nung nakahanap na kami ay lumapit ka agad ako sa barista para ibigay ang order ko, nag order lang ako ng mocha latte at matcha frappe naman ang kay Liam.

Bumalik nako sa upuan dahil sabi ni Liam siya na lang daw ang kukuha ng order namin. Kunot noo kong tinignan ang resibo ng nabili namin.

grabe parang mag hihirap ata ako todei

145 pesos kase ang isang mocha latte. Hindi na rin ako mag-rereklamo kase masarap naman talaga pero kalasa lang siya nung coffee jelly ng starbucks, may milky taste nga lang to.

Natatawa akong tinignan ni Liam dahil para bang pinag sisihan ko yung desisyon ko sa buhay matapos kong paulit ulit na tignan yung resibo.

"Hindi naman babalik yung pera mo kapag tinignan mo nang paulit ulit yan" biro ni Liam kaya napamura ako pero mahina lang

"ate nag-mumura oh" turo sakin ni Liam habang nag susumbong sa barista

Kanina pa siya nakikipag asaran sa barista. Di ko alam kung natutuwa pa ba yung barista o hindi na.

Panay iling lang kase ang sagot niya sa tuwing nakikipag biruan si Liam sa kanya. Nakwento sakin ni Liam na lagi raw siyang nandito dati kaya siguro sanay na yung barista sa kanya.

Kami lang ang tao ngayon sa cafe dahil maaga pa naman.

Panay ang kwento sakin ni Liam tungkol sa mga nangyari sa buhay niya. Wala man kwenta yung kinikwento niya ay nakikinig na lang ako kase naiinis siya sa tuwing nasa labas ang paningin ko.

Ang ganda kase ng vibes ng café na to. Para kang nasa japan dahil puro puno ng bulaklak na kulay pink ang makikita mo sa paligid ng café, may mga bulaklak na nahuhulog kaya pang instagram talaga yung dating.

May mga artificial flower din sa loob ng shop at karamihan dun ay sakura. Modern ang design ng shop at medyo light pink ang  kulay nung ibang bahagi ng shop. Di nako magtataka ba't palaging nandito si Liam dati.

Mas gusto niya kase ng chill lang yung vibes at mga kulay na hindi nakakairita sa mata. Parehas kami.

"Hindi ka naman nakikinig eh" reklamo ni Liam kaya natawa ako

"Nakikinig kaya ako" tangi ko

"Sige nga ano yung sinabi ko?" hamon niya sakin kaya natahimik ako. "Di mo nga alam na crush kita eh" bulong niya

Ayan na naman siya sa mixed signals niya, ganyan siya tuwing nag aasaran kami.

Bubulong siya tungkol sa crush niya raw ko, balik nako sa kanya at madami pang iba pero kapag tumingin ako sa kanya ay babawiin niya.

After namin mag usap ay napag desisyon namin na bumalik sa park at dun na lang mag hintay. 8PM pa ang pasok namin at hindi naman kami pwedeng tumambay sa school dahil masungit ang guard namin dun.

"Kamusta ka nung nag stop tayo na mag usap?" biglang tanong ni Liam nung maka upo kami sa swing

"Okay lang, hinihintay ka gabi gabi" natatawa kong sagot at sumeryoso naman siya

"Sorry" he said in a small voice.

"Huy okay lang! friends naman na tayo hayaan mo na yun. Kalimutan na lang siguro natin, valid naman siguro yung reason mo" i sincerely said

kahit hindi valid, okay lang.

Way Back DecemberWhere stories live. Discover now