26

4 3 0
                                    


Our long weekend went well. Buong long weekend ata ay video calls and watching movies with friends lang ginawa ko.

Usap usapan ngayon yung advance final quarter namin. Masyado raw kase kaming late nag start kaya starting 2nd quarter, ayun na ang last chance namin para makabawi dahil 3rd gradings na raw ang finals.

Kaya pala inaadvance na nila yung lessons and sobrang bilis matapos ng 1st quarter. Late rin na distribute yung card namin dahil sa foundation day, my grades are good but not for my mom.

Straight line of 9 pero parang 75 lang yun kay Mama kapag nakita niya na mas mababa ng 1 point or 1 point lang ang tinaas nun sa grades ko last year.

I'm glad na naka pasok ako sa with honors this quarter, 94.3 ang average ko pero disappointed pa rin si Mama kase isa na lang daw hindi ko pa ginawang with high.

Imbis na magalit kay Mama ay mas inintindi ko na lang na mag advance study. Ayun naman kase yung gusto niyang makita. Ang nag-aaral ako at pinapakita ko sa kanya na may mararating ako sa strand at course na kukunin ko.

I can't blame her kase nakakahiya nga naman na biglang may disappoinment na apo si Lola, mother ni Mama. Isipin mo yun lahat ng apo ni Lola puro may narating sa buhay tapos may isang disappoinment?

Mama is my Lola's favorite, that's why takot siyang magkaron ng bad image kay Lola. I understand her pero sometimes too much na.

After a long weekend, normal day na ulit sa lahat yun. Andaming nagalit sa news dahil kami na raw ang pinaka kawawang batch sa lahat, sobrang ikli lang ng school year na to! hindi man lang umabot ng isang taon.

Andaming nag-kalat sa fb puro 'Batch 2023 least favorite ni Principal' at 'Batch 2023 #middlechildniprincipal'. Tinatawanan na lang ng mga staff ng school yung mga memes na yun.

Pag pasok ko sa room namin ay nag-dedesign sila para sa closing party dahil sa 3rd quarter daw ay isang beses na lang kami magkikita. Ayun na raw yung final exam namin.

Wala si Liam dahil busy siya sa club nila dahil sila ang mag-pplay instruments sa graduation. Bihira na lang kami mag kita ni Liam, call pero saglitan lang.

Naging busy na rin ang club namin for our moving up, kami na naman ang naatasan na mag picture sa mga guest. Isipin mo yun moving up tapos may dala kang camera. Graduating with my camera ganun

Sa sobrang busy ay kahit mga kaibigan ko ay hindi ko na nakakausap. Nagtatampo na nga sakin si Candice, bakit daw di ako pumapasok at kung papasok man ako sa room ay ieexcuse agad ako after ilang minutes.

Tambak nako ng gawain. Gawain sa club and gawain sa academics. Feel na feel ko na ang graduating moment ko!

Di naman kase kami na-inform na kapag malapit na ang finals ay tambak na ng school works.

Wala rin naman akong makatulong sa pag-pipicture dahil ako lang daw ang gusto nila mag picture. Ako na rin ang nag design ng stage, inisip ko na lang na aakyat din naman ako dun.

After how many hours, finally natapos na rin namin yung design ng venue. Sa gymnasium kami nag ayos ng venue for graduation.

Nag-crave ako sa mocha latte ng blossom café kaya chinat ko si Liam para ayain mag date. Namimiss ko na rin yung mga corny na banat niya.

After 2 minutes ay nag reply na agad siya. Mauna na raw ako sa café dahil may tinatapos pa siya.

Hindi naman ako nag hintay ng matagal dahil ilang minuto rin ay dumating na siya. Pagod na pagod yung itsura niya, halatang busy sa practice.

Nginitian niya ko at niyakap ako. "Nag order kana?" he asked pero umiling ako

"Hinintay kita" nakangiti kong sabi bago tumayo at niyaya siya mag order

Masyadong dry ang conversation naming dalawa dahil parehas kaming pagod sa inaayos namin sa school. Naiintindihan ko naman dahil nararamdaman ko rin yun.

He asked me if okay lang ba na ihatid niya ko and pumayag naman ako. Sinulit ko na yung free time with him dahil for sure kinabukasan busy na naman kami.

Sa kanto lang niya ko hinatid ulit. "I'm planning to tell mom about us" panimula ko at nagulat naman siya

"Can i come?" masayang sagot niya at umiling naman ako

"No, i can handle it na. Uwi kana"

"Okay, call tayo kapag hindi na busy ah?" masayang sabi niya at tumango naman ako

Nung makaalis na siya ay umuwi na rin ako agad. Nasa pinto pa lang ako ay nararamdaman ko na yung kaba ko kahit hindi naman ako late umuwi.

Pag bukas ko ng pinto ay walang tao sa sala pero bukas ang ilaw sa dining room. Pumunta ako dun at nakita ko sila Mama. Nakaupo sila sa lamesa, bahagyang tumayo si Mama at matalim akong tinignan.

Way Back DecemberWhere stories live. Discover now