27

6 3 3
                                    


Malakas akong sinampal ni Mama at inawat naman siya agad ni Papa. Gulat akong tumingin kay Mama bago namuo ang luha sa mata ko.

Parang hindi na siya si Mama na nakilala ko. Para siyang dragon na lumiliyab ngayon sa harap ko.

"BUONG AKALA KO AY NAPAPA-BARKADA KANA SA MGA WALANG PAKIELAM SA BUHAY NILA AYUN PALA NAGLALANDI KA LANG?!" isang sampal ulit ang natanggap ko kay Mama bago tumulo ang luha ko at umiiyak ko siyang tinignan

"GINAWA NAMIN LAHAT PARA MAKAPAG ARAL KA PERO ANONG GINAWA MO?! NAKIPAG LANDIAN KA PA! HINDI MO NA NGA MABIGAY YUNG GUSTO NAMIN NG PAPA MO NAGAWA MO PANG MAKIPAG LANDIAN!" nagtataka ko siyang tinignan habang umiiyak

Paano niya nagawang sabihin yan sa sarili niyang anak

"Tama na yan, Gaby. Sinasaktan mo ang anak mo" awat ni Papa kay Mama

"May nagsabi samin ng Mama mo, nakita ka raw niyang nakikipag date sa isang lalake. Akala ko ayun ang unang beses na di ka nag paalam samin ng Mama mo pero nasabi sakin ng kapit bahay natin na may lalaking nag hahatid sayo palagi pauwi. Kelan ba kami nag kulang ng Mama mo para mag sinungaling ka samin ng ganito, kelan ba kami nagkamali Gavriela!"

Maraming beses na, Pa. Maraming beses na  kayong nagkamali.

Andami niyong pag-kukulang sakin pero hinayaan ko lahat ng yun.

"Pa, sasabihin ko naman dapa—"

"KELAN MO PA BALAK SABIHIN?! KULANG KELAN NAHULI KA NA NAMAN GANUN BA GAVRIELA?!" malakas na sigaw ni Mama

"Mama, hindi po" panay ang hikbi ko at sinubukan kong hawak ang kamay niya pero tinulak niya lang ako

"DAHIL BA SA LALAKENG YUN, GAVRIELA?! BINALEWALA MO LAHAT NG PINAG HIRAPAN NAMIN PARA LANG SA LALAKENG YUN?!"

"KAYA BA BUMABABA ANG GRADES MO DAHIL SA LALAKENG YUN HA?! GANUN GANUN NA LANG BA SAYO LAHAT NG PINAG HIRAPAN NAMIN!" paulit ulit akong tinulak ni Mama dahilan para matumba ako

"Hindi po, Ma. Hindi po dahil sa kanya" halos hindi nako makahinga dahil panay na ang hikbi ko.

"NGAYON GAVRIELA! MAMILI KA, ANG PANGARAP MO O YANG LALAKENG SUMIRA SA PAG AARAL MO!" halos mabingi ako sa sinabi ni Mama kaya mas lalong lumakas ang mga hikbi ko

"Ma, h-hindi niyo ko naiintindihan. Hindi siya y-yung sumira sa pag-aaral ko Mama—sadyang hindi ko lang kayang abutin yung h-hinihingi niyo kaya sorry Mama kung na-disapoint na naman k-kita" halos hindi ko na masabi ng maayos lahat ng yan dahil panay ang hikbi ko

"HINDI AYAN ANG SAGOT NA HINIHINGI KO GAVRIELA, MAMILI KA!"

"Ma, please w-wag naman tayong umabot sa g-ganito" mas lalong lumakas ang iyak ko at halos lumuhod nako habang nagmamakaawa sa kanya

"HIWALAYAN MO ANG LALAKENG YUN AT KUNG DI MO GAGAWIN YAN, WALA KA NG PAMILYA SIMULA BUKAS AT GAGAWIN KO ANG LAHAT PARA HINDI KA MAGING ABOGADA!" malakas na sigaw niya na parang nagpa-ulit ulit pa sa pandinig ko bago ma-realize na ako na lang ang mag isa sa dining room namin

Isang malakas na iyak ang pinakawalan ko kasabay ng pag gulo ko sa buhok ko. hindi ko na alam yung gagawin ko

Hindi ko alam kung anong nagawa ko kay Mama para magalit siya sa anak niya ng ganito.

Halos hindi ko na makilala si Mama sa sobrang galit niya kanina. Hindi ko inakala na aabot sa ganto.

Mahal na mahal ko sila Mama at Papa pero minsan sobra na. Sobrang sakit na sa kanila ko pa mismo maririnig yun.

Sobrang sakit na makitang kay Mama nang-galing lahat ng masasakit na salita at si Papa naman ay pinapanood lang ako.

Ayokong mawala yung pangarap ko pero ayoko rin na mawala si Liam sakin.

Si Liam na lang ang meron ako, Ma. Wag namang pati si Liam ay mawala sakin.

Way Back DecemberWhere stories live. Discover now