“Thank you, Dad. Now I'm not mad at you anymore.”

But I think he didn't like what I did. Sumama ang timpla ng mukha niya at pinitik niya ako sa noo.

“I heard na nakasama mo raw sa iisang kama ang nobyo mo! Sinasabi ko sa'yo Abigail wag kayong gumawa ng kababalaghan hanggat hindi pa kayo kasal.” My eyes widen.

Mabilis kong tiningnan si Miles na ngayo'y nakangiti na sa'kin ng nakakaloko. Kakahiya naman 'to si Dad. Sa harap pa talaga ni Miles.

“Wala akong narinig! Let's go Miles.” Ako na ang humila kay Miles at nagmadali na kaming bumaba.

Hindi ko naman narinig si Dad na nagreklamo kaya nakahinga na ako ng maluwag.

“Ikaw ha! May boyfriend ka na pala.”

I glared at him nang makapasok na kami sa elevator.

“Shut up! It's none of your business!”

“Okay, I'll close my mouth then.” He said and act as if he was closing his mouth with a zipper.

Nang makarating kami sa ground floor ay laking gulat ko nang makitang nasa sala sina Olivia, Ellesse, at Elleanor. Buti na nga lang at naka disguise na uli ako.

Bago pa ako makapagtanong ay naunahan na ako ni Miles.

“Sasama sila. Mamimili rin ng isusuot.”

My eyes furrowed, “Hindi ba dapat sekreto ang damit kasi nga masquerade. It's supposed to be mysterious.” Reklamo ko.

“Kanina ka pa namin hinihintay tapos hindi mo pala kami isasama?” Maktol ni Olivia.

“Gianna! Dito na rin kayo nakatira?” Manghang tanong sa'kin ni Elleanor.

Napatingin naman ako kay Miles, “Nagtatrabaho rin siya dito. Katulad ko, kapag walang pasok.” Pagsisinungaling ni Miles.

“Tara na't baka bawiin pa ni Mr. Quinn ang pinahiram niyang sasakyan sa'min.” Ani Miles.

“Really? Ang bait naman pala talaga ng mga Quinn. Gusto ko tuloy makilala mga anak nila to make friends with them.” Masayang wika ni Elleanor.

But Ellesse piqued my attention. Kanina pa siya tahimik at mukhang wala sa mood.

“Nakalimutan mo na ba Lea? Quinn's been one of our allies for a long time. Hindi nga lang natin nakilala mga anak nila kasi hindi naman tayo nag request to know them.” Mahabang litanya ni Ellesse.

Nagsalita na siya. Nakita niya siguro ang pagtingin ko sa kaniya.

“Let's go, guys! I am your driver for today!” Tawag ni Miles sa'min.

Pormahan niya ay parang hindi naman driver. Inilabas pa nga niya ang isa niyang kamay sa  bintana ng kotse.

Pumasok na kami sa kotse ni Olivia. 'Yung kambal kasi ay may sariling sasakyan na dala. Nando'n rin pala sa sasakyan nila sina Mirra, Shamil at 'yong isa na kasali sa council. I forget her name.

Aandar na sana kami nang may humabol papasok. It's Shamil.

“Hindi kasya doon! Dito na lang kasi maluwag.” Aniya tsaka nag seatbelt kaagad. “Hi, Miles!” Malapad ang ngiti niyang bati kay Miles na halatang nagulat naman.

Binalingan naman niya kaming dalawa ni Olivia sa likod. Nasa driver's seat kasi siya naka-upo.

“Hi, Gianna! Hi, Olivia!”

Hindi ko siya sinagot.

“H-Hello!” Masiglang  tugon naman ni Olivia.

At bumyahe na nga kami.

The Rare OnesWhere stories live. Discover now