102

117 1 2
                                    

Rome's POV

Hindi ko sinasagot ang tawag ni Gia, sigurado akong galit na siya at pupunta dito sa office ko. At ayon nga ang plano.

"Oh my gosh, oh my gosh! Sumakay na ng elevator si Ms. Gia!" Sigaw ng assistant ko.

Ilang minuto ang lumipas ay bumukas ang pinto ng elevator. Galit si Gia pero nabura iyon ng makita niya ang ayos ng office.

Mayroong isang libong sunflower sa loob ng opisina ko.

"Rome, ano 'to?" Tanong niya.

Nilapitan ko siya at hinawakan ang mga kamay niya.

Nasa gitna kami ng nakabilog na bulaklak. Lumuhod ako at inilabas ang maliit na kahon.

"Geianna Zyreen Degamo, will you marry me?" Tanong ko.

Dalawang taon simula ng mag umpisa muli kaming dalawa, noong una ay mahirap pero kinayanan namin.

"Yes! Yes, Rome I'll marry you!" Sagot niya, pumatak ang luha ko ng makita sng babaeng mahal ko na umiiyak sa tuwa.

Napakasaya ng puso ko na sa wakas pakakasalan ko na ang babaeng mahal ko.

Mahal kita, at patuloy na mamahalin, Gia.

The end.

Between AffectionWhere stories live. Discover now