Chapter 15

867 40 15
                                    

As I look around, I found the scenery so peaceful and fresh. Malayong malayo kung ano ang makikita mo sa city. I love how therapeutic it is. I deeply cherish the tranquil allure and rustic setting, where the unspoiled beauty of nature blends harmoniously, forming a captivating and enchanting landscape. 


Nagtambay muna kami doon ng ilang minuto bago magpasyahang bumalik na sa sariling ginagawa. Naunang tumayo sila Manang at sumunod naman si Kuya Eros. 


"Saan ka pagkatapos nito Selene?" Tanong ni Anne.


I shrugged. "Actually...I really don't know." Napatingin ako doon sa di kalayuan. "Oh right! I want to try swimming. Is it safe?" Hindi ko napigilang matanong habang nakatingin sa dagat.


"Ay nako! Oo naman! Safe na safe!" 


My eyes shifted to the others and they all agreed except someone. 


Kumunot ang noo ni Kuya Eros. "Malapit na mag alas singko. Bukas ka na maligo."


"Maaraw pa naman eh."


"Busy silang lahat." 


I curiously looked at him. Ano namang meron kung busy silang lahat?


Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Walang magbabantay sayo."


"What? I don't need someone to bantay me. I'm not a kid anymore." Sabi ko.


"Pano pag nalunod ka? Nandito ka naman sa pamamahay namin."


What the hell?! I'm a good swimmer so how am I gonna drown? 


"I have Anne! She's not busy." I pouted at nilingkis ang kamay ko sa braso ni Anne. "Right Anne?"


"Eh...Wal—"


"May pinautos si Mama kay Anne. Wag mo siyang disturbohin."


Napakamot sa batok si Anne. "Ah oo. Nakalimutan ko. May gagawin pa pala ako Selene."


He crossed his arms and looked at with me with such authority. Gusto ko lang naman maligo sa dagat eh! Nagkatinginan silang lahat bago tumikhim si Manang. 


"Sumunod ka nalang kay Kuya Eros mo Selene." I slowly remove my arm and gave him a deadly stare before nodding to Manang. 


Lumapit siya kay Anne at hinawakan ito. "Mauna na kami sa inyo dahil may gagawin pa kami." Nakita ko pa ang pagsiko niya nito. 


Tumango lamang si Kuya Eros at kinaladkad na nga niya si Anne palayo dito. Sumunod naman ang iba pa naming kasama dito. 


"Uwi kana." Kami nalang ang natira dito at sumandal siya kahoy. 


Beneath a Moonless Sky (Wild Love Series #2)Where stories live. Discover now