Chapter 6

1.7K 62 12
                                    



"What's with your sunken face, B?"



"You dare to ask! You know why!" Sumubsob ako sa table.


Today is the second day of our Intramurals and I don't even have one bit of energy to enjoy it. I mean who would? I was just blocked by my long-time crush! Do I even look like a scammer?


She chuckled, "Scammer ka na pala ngayon."


Pinatong ko ang baba ko sa kamay ko at tumingin sa kanya. "I'm too pretty to be a scammer kaya. Tsaka, he was the one who gave me his number." I pouted.


Lumapit siya sa akin at hinimas ang buhok ko. Sinamaan ko siya ng tingin, wala siyang nagawa kundi tumawa lang at pinagpatuloy ang pag-inom ng shake niya. Kanina pa kami dito dahil nabo-bored kaming dalawa. The moment na natapos iyong play ng Red Team which is team namin ay dumeretso na kami dito.


She looked at her phone when it beeped. Sipsip ng sipsip parin siya doon sa straw habang dala ng kabilang kamay ang phone. I chuckled when she suddenly choked. Hinampas hampas niya iyong dibdib niyang blackboard at pinaharap sa akin iyong phone niya.


"Look!"


I raised a brow, "What?"


"Gosh!" She faced her phone and read something. "At two o'clock. Red Team volleyball game."


"Oh then? You want to cheer for them? I'm kinda tired, just leave me here nalang. Plus, I bet hindi naman sina Kuya Eros 'yung kalaban."


"Girl, did you really not know?" Takang tanong niya.


"Know what?" Tanong ko din.


"Kuya Eros! He's on our team!"


My eyes immediately went wide when she said that. Napatingin ako agad sa relo ko and it's already past two! Malapit ng mag three! Agad kaming tumayo dalawa, napahiyaw siya ng malakas ko siyang hinila para makapunta na kami doon.


I didn't really know that he's on our team! Of course, I wont. Dahil sa pesteng pagblock niya ay buong weekend ay 'yun lang ang tumatakbo sa isipan ko. When we arrived at the gym, the game has already started.


"What the hell! Ang daming people!" Shen shrieked.


I bit my lips, "Now, how do we get inside?" I roamed my eyes to see if there are still empty seats but fuck! Naghanap pa talaga ako, e nang dahil sa dami ng tao ay nakatayo na mostly sila. Tapos yung iba sikip na sikip na doon sa bleachers!


I took a deep breathe before finding our way inside the gym. I even pushed some people, tapos nagalit sila sa amin. Si Shen naman na nasa likod ko iyong panay ng sorry sa kanila. Bahala sila! I'm too desperate to watch the game!


"Merde!" I said.


Humiyaw 'yung mga tao at pumalakpak. Sinubukan kong iangat 'yung ulo ko para makita 'yung laro. I'm tall for my age pero hindi ko parin kita! Pano ba 'to?


"Selene?" Nalingon ako sa kung sino ang tumawag sa akin. I found out na si Kuya Mark iyon, I looked at his shirt and he's also wearing a red shirt. Oh wow! We have the same team! I waved at him and smiled.


Kumunot ang noo niya nang makitang nasisikipan kami sa posisyon namin. Lumapit pa siya sa akin, nagpaumanhin siya sa mga taong nakikinuod at 'yung iba kilig na kilig naman nang mapag-alamang si Kuya Mark iyon kaya madali siyang makalapit sa amin ni Shen.


"Kuya Mark," tawag ni Shen.


Hinila ko si Shen para magkatabi kaming dalawa, ngumiti lang si Kuya Mark sa kanya. Ang naging posisyon namin ay nasa gitna ako nilang dalawa. Titig na titig naman si Shen sa kanya, mukhang katulad ng iba ay hangang-hanga siya sa angking kagwapohan nito.


Beneath a Moonless Sky (Wild Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon