Chapter 5

1.7K 52 8
                                    


Halos masamid ako sa sinabi ni Kuya Eros. Hindi ko alam kong tatawa ba ako o hindi kasi seryoso siya masyado. Maya-maya ay sumulyap ako sa kanya at nagtaka ako kung bakit na ngayon ay basang-basa na sa ulan ang isang balikat niya.


I pushed the umbrella handle near him, "You're getting wet." 


"Okay lang ako."


Inayos niya ito at nasa aking ulo na ulit nakalagay ang payong. Medyo nabasa narin ang ibabang parte ko dahil sa lakas ng buhos ng ulan pero nag-alala pa rin ako para sa kanya. I bit my lips hard while we're walking under the rain, may iilan ding mga studyante na napapatingin sa gawi namin.


When we reached the gate I immediately saw Kuya Ernesto with an umbrella waiting outside the car. Nag-alalang napatingin siya sa kabuuan ko dahil nga medyo basa ako tas may panyo pang nakapalibot sa tuhod ko.


"Nako! Anong nangyari sayo, Lene!" He held the car door open and guided me inside. Kuya Eros gave my things to Kuya Ernesto. Sinirado niya ang pintuan kaya binaba ko kaagad ang bintana para makita siya ngunit sulyap lang ang binigay niya sa akin.


"Salamat sa paghatid nitong batang 'to, hijo." Dagdag ni Kuya Ernesto. 


"Walang anuman, po." Tumango si Kuya Eros at ngumiti sa kanya. "Mag-ingat po kayo sa byahe at malakas pa man din ang ulan."


"Sakay ka na lang sa amin," I offered.


He shook his head. "May pupuntahan pa ako."


"Girlfriend mo ba, hijo? Sa gwapo mong 'yan..."


"Ah hindi po. Kaibigan ko po na nasa UST nagpapasundo." 


"Sige hijo, mauna na kami sayo. Mag-ingat ka din sa byahe." Tinapik niya ang balikat ni Kuya Eros at pumasok na sa kotse.


Tumingin siya sa akin at lumapit. Nako-konsensya tuloy ako na binigay na nga niya sa kin 'yung jacket niya tapos basang-basa pa 'yung uniform niya dahil mas inuna niya ako kaysa sa sarili niya. Akma kong huhubarin 'yung jacket niya nang pinigilan niya akong hubarin ito at umiling.


"Sabihan mo si Manang na gamotin 'yan sugat mo pag-uwi mo." he patted my head, and gave me a soft smile. 


I nodded and then he stepped back. I thought he would leave already but he knocked on Manongs windshield. Binaba iyon ni Manong at dumungaw si Kuya Eros doon.


"May galos po si Selene sa tuhod. Pakigamot nalang po at baka makalimutan ng isang 'yun."


They had a small talk and after that Kuya Eros stepped back again. Tinignan ko lang siya galing sa loob hanggang mawala na siya sa paningin ko. Napapikit ako ng mariin, paano ako makakamove-on nito kung simpleng ganoon lang niya ay nalulusaw na ang puso ko. He really is a gentleman, I'm sure of that. Hinintay pa nga niya kaming maakalis bago siya umalis eh. 

Beneath a Moonless Sky (Wild Love Series #2)Where stories live. Discover now