50. Untamed Darkness

55.3K 2.1K 224
                                    

Thank you for reading this story. The story is also available on www.dreame.com. You may download the Dreame App for more awesome stories.

The Keepers is also published by Psicom and the book is already out on all leading bookstores (National Book Store, Book Sale, Expressions, and Pandayan) nationwide. You may also order your copy via Shopee and Lazada.

***

Chapter 50 -Untamed Darkness

"Laurent... huwag." Pigil ko sa lalaki nang mapagtanto kong si Laurent nga ang nakapangalumbabaw saakin. Sinibasib uli ako ng halik sa leeg ng lalaki. Nag-aapoy, uhaw at mapangahas. Naramdaman ko ang init ng uhaw nitong labi

Pinilit kong pagalawin ang tila sementado kong katawan pero hindi ko nagawang igalaw ni daliri ko. Nagsimulang mangilid ang aking mga luha habang pinagsasamantalahan ako ng lalaking minahal ko ngunit hindi ko na kilala ngayon. Napasigaw ako nang punitin nito ang aking blusa at lumantad sa kanya ang aking katawan. Mula sa hikbi ay naging hagulgol hanggang sa naging panaghoy ang lumabas sa aking bibig. Nagsimula siyang halikan at dilaan ako sa punong tainga pababa sa leeg hanggang sa bumaba ito.

"Huwag mong gawin 'to. Kung mahal mo ako please huwag mong gawin 'to Laurent." Basag ang tinig kong sumakop sa madilim na silid na 'yon. Hindi napuknat ang aking pag-iyak. Hindi si Laurent ang nasa ibabaw ko ngayon. Hindi siya.

I tried to move again. Nagawa kong pagalawin ang mga daliri ko. Kasunod ng aking kamay at mga braso. Papatamaan ko siya ng energy ball hanggang sa masunog siya.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagpaplano ng pag-atake nang napansin ko ang pagtigil niya.

Natigilan ang lalaki. Tila natauhan sa ginagawa. Sinubsob nito ang mukha sa aking balikat saka ako binalot ng kumot na kanina pala'y natanggal na niya. Humiga ito sa tabi ko habang nananatiling nakasubsob ang mukha nito sa pagitan ng aking leeg at balikat at nakapulupot ang kanang braso nito sa aking beywang. Naging mahinahon ang paghinga nito. Tila nagiging siya na ulit ang lalaking hindi ako kayang saktan at pagsamantalahan.

"L-Lara... I'm sorry. Masyado siyang malakas. Hindi ko na alam kung paano ko siya kokontrolin. Kahit sa oras na 'to na tulog siya at ako nama'y gising, may binubulong parin siyang mga bagay na dapat kong gawin at napapasunod niya ako." Ang tono ng pananalita niya, ang bawat paghinga niya at yakap niya ang nagpanumbalik sa tiwala kong bumalik na siya pansamantala sa katawan niya. Nakabalik siya habang tulog ang demonyong kumukontrol sa katawan niya.

"Lumaban ka... Patawarin mo ako dahil hindi kita pinakinggan at hinayaang magpaliwanag. Nadala ako ng galit ko." Hikbi ang naging kasunod no'n.

"Masyado akong mahina para ipaglaban ka. Masyado akong mahina para protektahan ka... Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatili Lara. Hindi ko na alam kung paano ko siya lalabanan para makabalik sayo." Humalik ito sa leeg ko. Mahinahon, matamis ngunit mainit. Pagkatapos ay bumaling ito sa tainga ko. "Mahal na mahal kita. Hanggang kamatayan... mama lala."

Humigpit ang yakap niya sa beywang ko at isinuksok niya ang braso niya sa leeg ko nang sa gayon ay nakasandal ako sa matipuno niyang braso. Niyakap ko din siya pabalik at sumiksik sa leeg niya. I smelled his masculine scent as my hands brushed his perfectly shaped obliques. He was half-naked and sweating. "I love you too papa lulu..." tipid ngunit sinsero kong sabi.

Nang marinig niya 'yon ay humigpit pa lalo ang kanyang yakap. Humalik ito sa ilong na ginawa niya noong nagtetraining kami. I smelled his minty breath and felt him smiled as he kissed the bridge of my nose again. "I've missed you..."

I kissed his chin. Kung ito na ang huling pagkakataon na makakasama ko siya, hindi na ako magsasayang pa ng oras.

Naramdaman ko ang paglalakbay ng kanyang kanang kamay sa aking likuran. He gasped as if smelling my scent entirely. Humigpit ang yakap nito at naramdaman ko ang bawat guhit sa kanyang katawan. As i felt his breath brushing my face, I closed my eyes and waited for his sweetness. Then slowly, my slightly opened lips met his. His lower lip brushed against mine then sucking the sweetness after. I kissed him back as I brushed his nape gently. He felt my curves at hindi ko napigilang sabihin ang pangalan niya.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon