I unbuckled my seatbelt. "Let's go," aya ko sa kaniya dahil sa kuryosong nararamdaman kung anong meron sa loob.

Lumabas ang kaniyang mapuputing ngipin nang dahil sa pag-aya ko.

"Arte-arte pa kasi," komento ng kaibigan ko nang makalabas ako.

Tiningnan ko siya nang masama, naputol lamang iyon nang makita ko ang pagtaas ng kilay ni Cairus sa akin.

Aba! Palibhasa may kakampi!

Agaran naman ang pagkawit ng kamay ko sa braso ni Jai para ipagtanggol niya ako sa kuya niya pero ang loko, tinawanan lang ako.

"'Yaan mo sila. Mga pangit naman 'yang mga 'yan," bulong niya sa akin.

Mahina akong natawa. Nawawala na ang kabang kanina'y nasa dibdib. Komportable akong nakakapit sa kaniya habang nagkekwento siya sa akin ng kung ano habang papasok. Diretso ko lang siyang tinitingnan nang makarinig ako ng pag-aayos ng mga kubyertos.

Doon ko lamang napansin ang napakagandang ayos ng kanilang hardin ngayon. Mistulang may isang handaan na talaga namang pinaghandaan nang maayos.

There's a buffet in front. There are five round tables with four chair each. The theme is white and gold. Walang nakalagay kung anong meron kaya naman labis ang naging pagtataka ko.

Kunot-noo akong tumingin kay Jai ngunit nginitian niya lang ako.

I heard laughters approaching us. It was Jai's parents with Mil's. Nilukob muli ako ng mumunting kaba habang pinapanood silang papalapit sa amin.

Pakiramdam ko'y hilaw ang naging ngiti ko nang tumingin sila sa amin.

"Oh, the love birds are all here na pala," Tita Meryll said and laughed.

Tita Eliza let out a soft laugh too.

"Happy birthday, my son . . ." Tita Meryll greeted and kissed her son's cheek, Jairus.

My eyes widened and looked at him. He didn't tell me his birthday! And today is the day! What the fvck?!

Ako lang ang nag-iisang walang alam kung anong meron ngayon. Even Mil didn't tell me and I know she purposely did this!

She betrayed me!

"Thank you, ma," he responded.

He turned to me shyly, scratching his eyebrow again.

I moved closer to whisper at him. "Bakit hindi mo sinabi sa 'kin na birthday mo ngayon?"

"Hindi ka naman kasi nagtanong," pilosopo niyang sagot na lalo kong ikinainis.

Isang malutong na hampas ang natanggap niya mula sa 'kin na siyang dahilan kung bakit nagtawanan silang lahat na para bang alam nila kung ano ang pinag-uusapan namin.

Why am I even invited to a special event I'm completely unaware of?

Nakakakahiya!

Kinurot ko siya sa bewang kaya naman dumaing agad siya.

"Kyky, masakit!" reklamo niya hawak ang kamay ko.

I immediately felt guilty for doing that. Birthday niya nga pala. At nang tingnan ko ang mga kasama ay nasa amin lang ang tingin nila ngayon.

Agad akong nakaramdam nang matinding hiya sa mga ginawa.

They just giggled when I gave them an apologetic look for hurting the birthday boy.

Tumikhim ang nahuli. "Mom, Dad," panimula niya saka tumingin sa akin. "Si Kylei nga po pala, bago nating tagahugas ng plato."

Nagtawanan ang lahat habang ako naman ay nag-uumpisa na talagang mainis. Hinampas ko siyang muli sa braso, naging mas malakas na 'yon ngayon.

"Ay, mali," dugtong niya saka tumawa. "Therene Kylei De Vega, magiging Villaverde. Gagawin kong reyna, maski humawak ng sponge at joy na aabot daw ng seven days pero wala pang dalawang araw ubos na, hindi p'wede. Ang p'wede niya lang hawakan ay ang kamay ko."

Sinimangutan ko siya pero sa loob-loob ko'y natutuwa ang puso ko sa kakornihan ng mga sinasabi niya, sa harap pa mismo ng mga magulang at kapatid niya!

Naririnig ko ang mahihinang pambubuyo ni Mil sa kaniya, pati na rin ang malulutong na mura ni Zairus na para bang hindi makapaniwala sa sinasabi ng kapatid.

"Hindi pa kami," seryosong dagdag niya at tumitig sa mga mata ko. "Pero hindi ako papayag na hindi magiging kami kasi sa kaniya ko nakikita ang kinabukasan ko. Siya ang natatanging malinaw na nakikita kong kasama ko sa hinaharap. Kung hindi siya, hindi p'wede. Ipipilit ko."

***

Sorry sa matagal na update, guys. I know maikli lang din 'tong chapter na 'to and nakakabitin but I promise na babawi sa mga susunod na chapter. Slowly, bumabalik ako sa pagsusulat and please bear with me muna :))

Thank you! Mwa!

***

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓حيث تعيش القصص. اكتشف الآن