May punto siya.

"I hope mananalo ako against everyone tomorrow," I sighed.

"But before that, don't lost against me." Sabi ni Charlotte sabay wink.

"Ikaw? kahit isama mo pa si Raya!" I replied, chuckling.

As our laughter filled the room, we concealed our underlying nerves and unwavering determination for the upcoming competition. Both of us shared a strong eagerness to seize the title and triumph.

I will win this.

...

It's Thursday at ngayon gaganapin ang competition sa university. I didn't sleep kagabi kasi inubos ko ang oras ko kakapuyat para maghanap ng reference. Maraming historical art ang tiningnan ko, inaral ko ang mga colors at kung paano ipinta.

I am a huge fan of Van Gogh, at isa ang mga art niya ang nakahuli sa mga mata ko.

A Van Gogh art.

Hindi ko alam kung ano ang ilalabas ng mga kalaban ko mamaya, marami kami, mahirap pumili. Lahat ng art student ay may kanya-kanyang skills, mahihirapan ako panigurado.

Nasa kalagitnaan na ako ng byahe papunta sa University. Dala ko lahat ng mga gamit ko, of course.
Tumingin ako sa relo ko at 8 o'clock na tapos 9:30 mag-start ang competition

Malayo pa ako sa school nang huminto ang kotse ko. Ni-start ko ang engine ngunit nao-off lang, tiningnan ko ang metros ko at ayon nalang ang pagsampal ko sa sarili ko.

Wala na akong gas.

"Shit!" sigaw ko sa loob ng sasakyan.

Malayo pa ang gasoline station at paniguradong walang makakatulong sakin sa daan. Lumabas ako ng kotse hababg sapo-sapo ang ulo.

Hindi ko pala pina-full tank ang kotse ko kasi nakalimutan ko dahil nga sa lasing nung Sunday tapos hindi ko naisip.

Sinubukan kong tawagan si Charlotte sa messenger kaso hindi yata online si gaga. Malapit na mag 9am at kung walang tutulong sakin dito baka hindi ako makasali sa competition, mapupunta sa wala ang lahat.

Tumingin-tingin ako sa daan, nagbabakasakaling may maawa sa akin at makapansin, pero dumaan nalang ang mga minuto wala pa rin.

Nawawalan na ako ng pag-asa.

Umupo ako sa gilid ng kotse, naiiyak, nang biglang may bumusinang sasakyan sa likod ko. Tiningnan ko ito, it was a Bugatti Chevron.

Sasakyan ʼto ni Sav ah?

Lumabas si Cat sa sasakyan saka pinuntahan ako,

"Frey?a-anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong nito.

"Naubusan ako ng fuel," sagot ko, nakaupo pa rin, face-palming.

"Diba may competition ngayon sa mga art student? bilisan mo na, let's go!" she offered.

Tumingin ako sa Bugatti pero wala akong nakikitang Sav, imposibleng si Cat ang nagda-drive e sa kabilang pinto siya lumabas.

"Where's Sav?" tanong ko.

"She's in the Car," sagot ni Cat, "We're okay, nag-ayos na kami." She added.

Nakaramdam ako ng saya para sa kanilang dalawa, okay na pala sila.

Tumayo ako saka sinundan si Cat. Pang two person lang ang Bugatti, nag-iisip ako kung paano ako sasakay dito, alangan naman sa gulong lang ako sumabit.

"Sumakay ka na," utos ni Cat sakin, "Sav will take you there."

"What about you? paano ka?" I asked.

Inilabas ni Savannah ang ulo niya sa bintana, "Bitch, get inside!" naiiritang sigaw nito.

Sinking Deep (GL)Where stories live. Discover now