Chapter 04

0 1 0
                                    

"Sige, may gusto lang kaming subukan ni Jhoanna.", si Ate Samantha/Sam.

Kakatapos lang naming mag-practice ng mga kanta para sa next month at ngayon nga ay nagpapahinga lang kami saglit tapos mamaya ay itutuloy namin ulit ang practice, pollishing nalang.

"Nag-usap kami ni Jhoan kanina at ni Mark na subukan ang S.A.T.B. positioning sa atin para matuto kayo na maging independent mula sa ka-grupo nyo.", paliwanag ni Ate Sam.

Katulad ni Ate Samantha, sina Ate Jhoanna o Jhoan at si Kuya Mark ay isa sa mga head namin.

"Isa itong magandang way para mas mapabuti ang blending ng boses ng buong grupo at para matuto kayo sa sarili n'yo."

Pagkatapos magpaliwanag ni Ate Sam ay nag-umpisa na silang ayusin ang bagong positioning namin.

Agad akong kinabahan, hindi dahil sa hindi ko alam ang mga part namin kundi dahil alam ko sa sarili ko na kapag may ibang boses akong katabi ay 'di malayong magaya ko ang part nila. Lalo na sa voicings.

I'm a soprano, ganoon din sina Jenny at Christine kaya malamang ay malabong mangyari na makatabi ko kahit isa man sa kanila.

Walang magawang naiyuko ko na lamang ang aking ulo.

"Georgiana.", dinig kong tawag sa aking panglan at aking iniangat ang aking ulo. Aking itinuon ang aking tingin kay Ate Sam.

"Sa gitna ka nina Roxanne at...Alex."

-----

Ramdam ko ang tindi ng sakit ng aking ulo. Sinapo ko ito at minasahe sa pag-asang mabawasan manlang kahit kaunti ang sakit nito. Muli kong tiningnan at binasa ang chat mula kay Jenny at pakiramdam ko ay parang mas lalo lang tumindi ang sakit ng ulo ko.

"Sinasabi ko sa'yo, may gusto nga siya sa'yo. Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin? Kung ayaw mong maniwala, ako mismo ang magtatanong sa kanya para sa'yo."

Iyan ang chat sa akin ni Jenny kaninang umaga.

Simula nung araw ng linggo nung inayos ang aming mga pwesto ay walang tigil si Jenny sa kanyang mga pang-aasar sa akin. Araw ngayon ng huwebes at sa lumipas na apat na araw ay walang patawad ang babaita.

Kesyo RAW na itinadha RAW na maging magkatabi kami ni Alex, kesyo na sobrang bagay DAW kaming tingnan at ang mas lalo pang nakapagpa-tibay sa kanyang mga ideya ay ang tagpo ng paglagay ng pagkain sa aking plato ni Alex nung kami'y kumakain.

Bigla ko tuloy naalala ang pangyayari na iyon. Naihilamos ko ang aking kamay sa aking mukha at pakiramdam ko tuloy parang gusto kong iuntog si Jenny sa pader para naman magising ang loka at sugurin naman si Alex sa kung nasaang lupalop man siya para kurutin ng pinong-pino.

"Uy, ayos ka lang?", napatingin ako sa aking harapan at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Rhea.

Rhea Dela Cruz, siya ang maituturing kong best friend dito sa school. Magmula grade 7 palang ay naging magkaklase na kami at sa kasamaang palad hanggang ngayon na grade 10 na kami ay magkaklase pa rin kami.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano kami naging magkaibigan, dahil magkaibang magkaiba kami. Kung siya ang gusto niya ay laging maingay, makulit at laging tawa ng tawa ako naman mas gusto ko lang na nasa isang sulok lang ako, tahimik at kasama ang mga libro ko. At alam ko rin sa sarili ko na abot-abot hanggang langit ang kasungitan ko kaya hindi ko talaga alam kung paano kami naging magkaibigan.

"Oo, may masama lang akong nabasa dito sa cellphone ko.", at agad na ipinamulsa na lamang ito sa aking palda.

Nagkibit-balikat na lamang siya at nagpatuloy sa kanyang pagkain na siya namang aking ginawa.

Goodbye and Thank You, Love.Where stories live. Discover now