Chapter 03

0 1 0
                                    

"Teka lamang po, paano po iyon? Paano po nangyari na naging mag-asawa po kayo?", naguguluhang tanong ni Gwendolyn sa ginang.

Lumabas mula sa kusina ang ginang hawak ang bagong tasa ng kape. "Yan din ang hindi ko sigurado. Basta na lamang akong nagising na kasal na kami.", at tumawa.

Pilit na napatawa na lamang si Gwendolyn at naguguluhang nilingon ang katabi nitong si Jessica na kanina pa walang imik. Nagkibit balikat na lamang ang kasama at muling itinuon ang atensyon sa ginang na ngayon ay nakaupo na muli sa kanyang pwesto.

"Sa totoo lamang ay mas matanda siya sa akin ng dalawang taon, kaya't kung inyong iispin na ako noong aking kabataan na una kaming nagkita ay nasa huling taon ng junior high school, mas kilala ngayon bilang grade 10, siya naman ay nasa grade 12 na. At hindi pa kami iisa ng eskwelahan na pinapasukan."

"Kung ganoon po, paano po kayo nagkakilala?", Gwendolyn.

"Noong aking kabataan ay isa akong miyembro ng grupo ng mga manganganta sa loob ng simbahan.", dito ay napalingon si Gwendolyn sa ginang.

"Doon kami unang nagkita. Ang grupo sa kung saan ako miyembro ay naka-atas sa parokya ng aming bayan, at nasasakop ng aming parokya ang ilang mga bisita o chapel kung tawagin ng iba't ibang baranggay. Ang aking asawa ay miyembro naman ng manganganta sa isang baranggay."

"Ang aking grupo na kinabibilangan ay inyong matatawag na core group, kami ang nangunguna o nagtuturo sa mga grupo ng manganganta sa bawat baranggay na nasasakupan ng aming parokya. At hangga't maaari ay humahanap ang aming grupo ng mga bagong miyembro mula sa grupo sa baranggay upang maging sila ay maging tulay na sila ang magtuturo sa kanilang baranggay.", mahabang paliwanag ng ginang.

Saglit na tumigil ang ginang at inilinga ang kanyang tingin sa paligid na animo'y nag-iisip.

"Isang linggo ay dumating sila, ang aking asawa at isa pang lalaki bilang mga bagong miyembro ng aming grupo. Yung kasam ng aking asawa ay aking agad na nakapalagayan ng aking loob ngunit siya mismo, yung aking asawa ngayon, ay hindi, isa dahil ako'y nahihiya at siya naman ay tahimik lamang. Ngunit makalipas ang ilang linggo na kami ay nagkakasama sa simbahan ay nagkapalagayan na rin kami ng loob dahil nga sa aking nalaman na may gusto siya sa aking kaibigan na siya ring kasamahan namin."

Mahinang napatawa ang ginang sa mga memorya ng mga nakaraan.

-----

~Georgiana Elise~

26 years ago...

January 2018

Pabagsak akong naupo sa aking upuan ilang minute matapos tumunog ng huling nota ng kanta.

‘Sa wakas at tapos na rin ang misa.’

Agad kong kinuha ang aking bote sa aking gilid at agad itong tinungga, halos maubos ko lamang nitong tubig sa sobrang uhaw. Pagkatapos ay akin ding binunot ang aking panyo mula sa aking bulsa at ipinunas sa mga namumuong pawis sa aking noo.

"Okay.", napa-angat ang aking tingin kay Miss or Ate Samantha, ang leader ng aming grupo at ang pianista namin. "Pahinga muna kayo ilang sandali pagkatapos practice tayo para sa february, bagong line up. Balik kayo dito after 10 minutes."

Napayuko ako at nagpatuloy sa aking ginagawa, makalipas ang ilang minuto ay napalingon ako sa aking kaliwa ng aking maramdaman na may isang taong naupo sa aking katabing upuan. Agad na bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Christine.

"Tara, kain tayo.", aya niya sakin.

"Saan?", kunot-noong tanong ko dito at hinubad ang vest uniform ng aming grupo.

Goodbye and Thank You, Love.Where stories live. Discover now