"I'm Elie," tipid kong sagot pagkahawak sa kamay niya.

"Hmmm," she hums, still holding my hand. Parang wala yata siyang balak bitawan ang kamay ko. "Such a handsome name," she added, smirking at me.

Pilit kong nilayo ang kamay ko at binitawan naman niya nang mapansin niyang hindi ako comfortable.

"Oh, my apologies. It's just that your hand feels incredibly smooth. It's been quite a while since I've held a hand as soft as yours," she said, releasing my hand but maintaining her intrigued gaze on me.

"T-thanks," utal kong sagot.

Expert na expert manlandi ah, nakakailang babae kaya ʼto sa isang gabi.

"I waited for you to come back here," she stated. "Ikaw ʼyong sumundo sa dalawang ʼyan last week, right?" sabay turo niya sa dalawang malanding bruha.

I mentally slapped my face.

Kaya pala familiar siya. Siya pala ʼyong lumapit samin nung una tapos inignore ko lang.

"Ako nga," tipid kong sagot ulit.

"I don't have any bad intentions to you, gusto lang kita makilala."

Sinuklian ko lang siya ng ngiti tapos umusog ng konti kasi dumidikit na siya sakin.

"Are you single?" sagot niya.

Gusto ko sanang sabihing may asawa na ako kaso hindi naman yata appropriate, ʼyong asawa ko may leading man e.

"I'm single," tipid kong sagot, napapikit nalang ako.

"That means I have a chance?" she asked.

"W-what do you mean?"

"I'm interested in you, I want to know you better." She seriously answered, still locking her gaze at me.

"O-okay," pilit na ngiti ang iginawad ko sa kanya.

"You sure you're not interested to drink? kahit konti lang, try it." She offered.

Ayaw ko talaga uminom kasi wala naman akong experience sa ganito but na curious ako sa lasa at kung bakit gustong-gusto nila.

"I'm just a beginner and this will be my first time," I answered.

Biglang lumiwanag ang mata ni Thalia na kanina lang ay madilim. She giggled.

"Ako bahala," sabi niya sabay tayo, "Just wait here, I'll get you some and it's on me." Dagdag niya sabay alis at pumunta sa counter.

Nakaupo ako habang nag-aantay kay Thalia, tumingin ako kina Raya and Charlotte at nagulat nalang akong nakita kong naglalampungan na si Raya at yong katabi niyang babae habang si Charlotte naman nawala kasama rin yata nung babae. Inilipat ko nalang ang tingin ko sa counter ulit at nakita kong pabalik na si Thalia dala ang inorder niyang drinks.

"Here you go," nakangiting binigay niya sakin ang highball glass na may laman yatang liquor.

"W-whatʼs this?" tanong ko.

"That's screwdriver" she responded.

Naguguluhang tiningnan ko ang binigay niya sakin, it has ice, lemon, at parang orange juice lang.

Screwdriver? diba tools ʼyon?

"Don't worry that drink is for beginners who can't handle alcohol well. It's a classic cocktail made with vodka and orange juice." She stated.

"Ahhh," utal ko habang hawak ang highball glass.

Is this safe to drink?

"That's safe," Thalia responded. "I won't do anything to you, I promise." She added.

Sinking Deep (GL)Where stories live. Discover now