"Yung Ate mo itext mo sabihin mo umuwi na sya." Sabi ni Papa saakin habang umiinom ako ng tubig. Tumango ako sa sinabi nya. Pagkayari kong uminom hinugasan ko ang basong ginamit ko.

Naglakad ako pabalik sa sala para maitext si Ate. Nasa center table ang cellphone ko. Lalabas palang ako ng kusina nakasalubong ko na si Akihiro. Gulo gulo ang buhok at mukhang inaantok pa.

"Nauuhaw ako. Painom ng tubig?" Sabi ni Akihiro. Mukha talaga syang inaantok pa. Napipikit pa yung mata nya. Natawa tuloy ako.

"Pasok ka. Nandyan si Papa nagluluto. Inaantok ka pa yata." Sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa center table. Narinig kong nag good evening si Akihiro kay Papa. Napangiti ako sa ginawa nya. Pakiramdam ko tuloy mag asawa kami ni Akihiro. Sobrang open namin sa magulang namin.

Pagkayari kong itext si Ate naupo ako sa sofa. Lumabas na ng kusina si Akihiro at tumabi saakin ng upo. Nagulat ako ng yakapin nya ako at ipinatong nya ang ulo nya sa balikat ko.

"Inaantok ka pa. Puyat ka ba?" Sabi ko sakanya. Tinignan ko sya pero nag iwas rin ako ng tingin. Naiinis kasi ako sa mukha nya ang kinis kinis bakit saaming mga babae tinutubuan ng pimples. Hindi naman tigyawatin pero minsan kapag stress ako sa pag aaral. May tumutubong tigyawat sa mukha ko at nagpapasalamat ako na nawawala rin naman kaagad.

"Oo. Nagpunta sa bahay namin kagabi sila Kharl at Wynona anong oras na sila umuwi." Sabi ni Akihiro habang nakapikit hinigpitan nya ang pagkakayakap saakin. Ang dami talagang gwapo sa mundo at natutuwa ako na nasaakin ang isa sakanila.

"Nandito na ko!" Napatingin ako sa may pinto. Nasa may tapat ng pinto si Ate Akira. Nagtanggal sya ng sapatos at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay.

"Si Mama?" Tanong ni Ate saakin.

"Nasa taas. Si Papa nagluluto sa kusina." Sabi ko. Tumango naman si Ate. Dumapo ang tingin nya kay Akihiro na nakayakap saakin.

"Hoy, Akihiro makayakap ka naman." Sabi ni Ate Akira. Narinig kong nag'tss' si Akihiro.
Naglakad na si Ate papunta sa kusina.

"I love you Yumi." Sabi ni Akihiro. Napangiti ako sa sinabi nya. Naglalambing na naman sya. Ang gulo ng personality nya no? Ang sungit nya pero ang sweet nya.

Kinabukasan maaga akong nagising. Tinignan ko ang paa ko kung okay na medyo wala na yung pamamaga ng paa ko. Sinubukan kong ilakad. Okay naman na sya hindi na masakit tuwing itatapak. Effective ang gamot na binigay saakin. Pagkayari kong maligo bumaba na ako. Tutulong ako sa shop magtinda ngayon. Hindi kami magkikita ni Akihiro ngayon dahil pupuntahan nila ang 30th anniversary ng Tita nila Akihiro baka bukas pa sila makauwi kasama nya sila Kuya Kharl at Ate Wynona.

"Good Morning Mama." Bati ko kay Mama nung makita ko syang papalabas ng bahay. Maglalakad lakad siguro sya.

Umupo ako sa sofa at nireplyan si Akihiro. Ang sabi nya nag aayos na sya para sa pupuntahan nilang kasal. Beach wedding daw ang pupuntahan nila kaya natutuwa sya na hindi formal ang susuotin nya. Ang sabi ko pa sakanya magpicture sya ng whole body at isend saakin sa messenger para makita ko ang suot nya. Hinihintay ko nalang ngayon ang bagal talaga nyang kumilos. Mga lalaki talaga.

"Sasama ka sa shop? Okay na ba yang paa mo?" Tanong ni Ate Akira pagbaba nya ng hagdanan.

"Okay na Ate. Hindi naman na namamaga." Sabi ko. Nakakatamad dito sa bahay kung dito lang ako mas mabuti ng tumulong sa shop mamaya.

When I'm in High School (Completed)Where stories live. Discover now