"I'm already having lunch with my student here so you two can go," Ma'am Vivien stated.

"Oh" Sir Montejo said nang makita niya ang mukha ko, "Ms. Mercedez, right?"

"Yes Sir," sagot ko pero hindi ko na tiningnan ang propesorang ubod ng sungit na nakatayo sa gilid niya pero kahit hindi ko siya tingnan, ramdam ko pa rin ang mga nakakatusok niyang tingin sakin.

"Let's go, Gabriel!" utos ni Ma'am Rhea.

Sumunod naman ang lalaki saka nagpaalam kay Ma'am Vivien, naunang lumabas si Ma'am Rhea without saying a word, sumunod naman ang lalaking nakakatangina sa paningin ko.

Wala na nga akong pag-asa kay Rhea dagdag pa ʼyon sa sakit ng ulo.

"Won't you finish your food?" tanong ni Ma'am Vivien nang mapansin niyang hindi na ako kumakain.

"Busog na po ako Ma'am, thanks po sa lunch." Sagot ko.

Ma'am Vivien smiled at me, hindi niya na rin tinapos ang pagkain niya saka niligpit ang mga natira kasi madami siyang inorder, tinulungan ko naman siyang magligpit at ako na rin ang naghugas ng pinggan na pinagkainan namin. Nagpaalam na ako kay Ma'am Vivien na bumalik sa room kasi malapit na rin mag ala una, binigyan niya ako ng sandwich na nakalagay sa paper bag pang snack ko raw. Nagpasalamat ako kay Ma'am Vivien sa sobrang kabaitan niya sakin...parang may something.

Pabalik na ako sa room nang biglang tinawag ako ng kalikasan kaya dali akong tumakbo sa may pinakamalapit na rest room nang may nabangga na naman ako. Minamalas ba naman at ang babaeng ayaw ko pa tingnan mula kanina ang nabangga ko, she seemed so annoyed at wrong timing pang ako ang nakabangga sa kanya. Hindi ko rin matandaan ang daan patungo sa rest room kaya inalis ko muna ang sama ng loob at hiya ko.

"Can I ask for directions, Ma'am?" I asked hesitantly.

Her eyebrows furrowed, and she looked at me with an intense gaze. However, when she realized I needed an answer, she shifted her expression to a calm but slightly impatient state.

"Where to?" she replied.

"To your heart," I said with a hint of cheekiness when I realized na nasa gilid na pala namin ang rest room tumakbo ako at naiwan siyang nakatayo lang doon. Hindi ko alam kung ano reaksyon niya basta trip dala katotohanan na rin ʼyon. Natatawa akong pumasok sa rest room saka naglabas ng sama ng loob.

Matapos gumamit ng cubicle expecting na umalis na ang professor pero naabutan ko siyang nasa pintuan, naghihintay sakin na matapos. Tiningnan niya ako nang masama kasi deserve ko naman.

"Apologize" she authoritatively said.

Kinabahan ako sa boses niyang parang nananakit.

"I-Im sorryy, Ma'am," I apologized.

Hindi na ako nagdalawang isip pang manghingi ng tawad kasi ako naman talaga ang may sala, nagkasala na nga ako kanina wala pang isang araw dinagdagan ko na naman tapos ang malala dito pa sa propesorang ubod ng sungit.

Nung umulan siguro ng kasungitan at kastriktahan container van siguro ang ginamit niya, salong-salo lahat ih.

"Next time you walk through the hallway, pay more attention to your surroundings. The hallway isn't just for you," she said, rolling her eyes at me.

Tumango nalang ako at tiningnan siya saglit, pansin kong parang she's not feeling well. Her face and the way she moved, halatang hindi okay ang katawan niya. As she attempted to walk away, I was startled when she suddenly lost her balance and collapsed.

"Ma'am!!?" I shouted, buti nalang nasalo ko siya sa balikat ko but she's unconscious. Fortunately, I managed to lift her with my hands. Gazing at her delicate and pale face, which appeared stressed, I couldn't help but feel a twinge of guilt.

Sinking Deep (GL)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ