Chapter 4

20 10 0
                                    

the 4th
——————————————————————

"Anong nangyare sa baliw na iyan?" bungad ni Jarriet sa kanila Rios at Harrison nang makapasok sa opisina ng alpha.

Her husband shrugged, "He said he was bewitched, that it almost killed him."

Humalagapak ang tawa ni Jarriet ng marinig iyon. "Ba't ka pa raw niya binuhay? Naawa?" komento naman nito habang natatawa pa rin siyang inakbayan.

Nanatiling walang imik si Rios habang pilit pa rin na kinalimutan ang nangyare. This morning, Rios woke up with a bad headache. Hindi niya agad nawari kung bakit, ngunit mas lumala ito noong isa-isa niyang naalala ang mga nangyare sa kaniya mula sa nakaraang araw. He didn't know what to feel the moment he learned that he was played, betrayed, and bewitched by that witch named Claire. Lalong lalo na sa kaisipang wala naman siyang kasalanang nagawa sa babaeng ito, kaya bakit?

Hanggang sa dumating nalang ang beta na kagaya ni Jarriet, ay nagtaka rin kung napaano siya. And there, the ticking bomb inside him blew. It only took him a few minutes to rant and tell them everything that happened. From the vision Claire told him to the part where he was almost killed. At kagaya ng tipikal na mga kaibigan ay hindi nawala ang mga kutya nila.

The meeting proceeded after Rios's rants. Pero sa halip na makinig ay halos mabali na lahat ng lapis ni Harrison sa kakaisip niya sa nangyare. As a prince, never in his life did he ever experience being done such immoral things. He never even let their servants spray insecticide in his room because he knows that it is a sin to kill, especially those innocent little creatures that are only living to survive. Tapos ngayon, basta-basta nalang siya takutin, paikutin, at tratuhin na para bang isa siyang damo na walang kuwenta.

"Did she forget who I was?!" tanong niya sa sarili sa harapan ng puwenteng kanina niya pa tinitigan.

Mabilis namang bumagsak ang magkabilang balikat ni Rios nang maalalang hindi nga siya nito kilala. Because if that witch knew he was a prince, she would have bow down to him and worship him like the witches in his town.

Ngayon tuloy niya napagtanto na mas mabuting nagpakilala nalang siya bilang prinsipe sa pagbabaka-sakaling mas maganda pa ang kinalalabasan ng mga interaksyon nila. He will most likely invite Claire in his town if that happened. Pero hindi, wala. Dahil hindi siya nito kilala kaya hindi rin siya nito binigyan ng respetong nararapat para sa kaniya.

Wala sa sariling napaupo nalang siya sa puwente. He swore that would be his last time interacting her. Na kahit paman utasan siya ng dalawang hayop ay hinding-hindi niya na ito gagawin kung kabilang ang mangkukulam na iyon sa utos.

"I'm never gonna say yes if that witch's name, Claire, is involved." makata niya bago biglang nakaramdam ng pagduduwal.

Napasapo nalang si Rios sa tiyan dahil sa sakit na naramdaman. Narinig niyang kumulo ito kaya akala niya'y gutom lang siya. Mabuti nalang at malapit lang ang taberna sa puwente kaya napagpasyahan niya munang kumain bago manlimos sa sentro.

Pagkarating niya ay agad niya namang nasilayan ang kaibigan niyang may-ari nito. "Greggy, my man!" pakipagkamayan niya, "Tumaba ka ata, ah?" sabay birong tinapik-tapik ang tiyan nitong mala-pakwan sa laki at tigas. Hindi naman halata na siya ang may-ari ng alakan na'to.

"Oh! Ba't ngayon ka lang ulit napadaan?" bati rin nito pabalik.

"Gutom, eh." balak niya pa sana itong biruin kaso hindi na kaya ng tiyan niya ang sakit kaya naman ay mabilis siyang bumili ng makakain.

Kaagad niyang nilantakan ang mga ito at sa awa naman ng kalangitan ay nawala ang sakit na iniinda niya. Malakas siyang napadighay na ikinatawa ng mga tao sa loob.

AdelaideWhere stories live. Discover now