Lumuhod siya at ibinaba si Luna sa lupa. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat while it's still pouting at her. Napangiti siya. Her beautiful daughter.

“Okay, baby. Mommy will gonna accompany you. Wag ka mag alala, ako ng bahala sa Daddy mo. Uupakan ko iyon kapag hindi siya papayag.” Pabiro niyang sagot sa kaniyang anak.

Nagtatalon naman kaagad si Luna ng dahil sa saya. Makikita na naman niya ang pumpkin niya at maibibigay rin niya ang regalo na hindi naman kamahalan ngunit pinaghirapan naman niyang iguhit. Niyakap niya muli ang kaniyang ina nang dahil sa saya.

“Thank you, Mommy! The best ka talaga!”

Napangiti naman ang kaniyang ina at yumakap pabalik sa kaniyang anak.

Sumapit ang hapon. Nakabihis na ngayon si Luna na masayang hinahawakan ang papel na kaniyang ginuhitan. Excited na excited na siyang makitang muli ang pumpkin niya at sigurado siya na magugustuhan nito ang kaniyang ireregalo.

Naglalakad siya sa sala nila at hinahanap niya si Sally nang magulat siya dahil bigla na lang may pumasok na mga armadong lalaki. Mabilis niyang naitago sa kaniyang bulsa ang papel. Kahit sa murang edad niya ay namulat na siya sa kanilang mundo na puno ng kapangyarihan.

Ngunit kahit bata pa man siya ay kailanma'y hindi siya natatakot sa masasamang tao because her family trained her well kahit na hindi pa lumalabas ang kaniyang kapangyarihan. She's 8 years old now and that's also one of the reasons kung bakit sabik na sabik siya sa bawat paggising niya dahil anytime ay lalabas na ang kaniyang kapangyarihan.

“Who are you?” she bravely said.

Meanwhile…

Abilianna, Luna's mom, was busy talking to the visitor.

“Mrs. Quinn, your house is gorgeous. Hindi niyo naman sinabi na villa pala ang bahay ninyo. Kwento pa sa akin ni Damonn ay malaking mansion daw, pero villa naman pala.” natatawang wika nito sa kaniya.

“Ay! Alam mo na, bata. Marami pang hindi alam, haha!” ganti naman niya.

“Oh! Speaking of Damonn, tinakasan na naman ako. Siguro ay pumunta na naman iyon sa anak mong maganda, haha! Crush daw niya.”

Tumawa naman si Abilianna ng pabiro, “Alin ba do'n? 'Yung bunso ba o 'yong ate no'ng bunso?” tanong pa niya sa ina ni Damonn.

“Ay, sino pa nga ba! Edi, 'yong una niyong prinsesa. Pero alam mo na, bata pa kaya hayaan na lang, haha!” sabi pa nito sa kaniya.

Pareho naman silang nagtawanan nang bigla na lang silang makarinig ng sigaw. Ang batang Sally ang sumigaw na umalingawngaw sa buong bahay.

“TITA ABILIANNA! T-TITO BLAKE! SI ABIGAIL PO!”

Kumaripas ng takbo si Abilianna at sumunod naman sa kaniya ang ina ni Damonn na si Diran.

Nang makarating sila sa sala ay ganun na lamang ang pagkagulat nila nang makita na duguan si Luna na nakahandusay na sa sahig. Kasama ang isa pang batang lalaki na sa tingin nila ay si Damonn.

Nagkagulo sila no'ng araw na iyon. Patay lahat ng mga armadong lalaki ngunit nasa critical na kalagayan naman si Luna habang si Damonn ay nasa mabuting kalagayan na.

Simula noon ay hindi na kailanman bumisita ang pamilya ni Damonn sa mga Quinn dahil sa takot na baka mangyari na naman uli ang insidente.

Ang sana'y plano ni Luna na pagkikita sa tinatawag niyang pumpkin ay naudlot ng dahil sa insidenteng iyon. Hindi na rin sila muling nagkita pa dahil sa paggising ni Luna mula sa pagkaka-coma ay tila nag-iba na ito.

The Rare OnesWhere stories live. Discover now