CHAPTER 11

69 1 2
                                    

"Behave lang po sa school baby, bantayan ka ni ate sa labas" malambing na wika ko kay John.

First day of school niya sa day care kasama ang Mommy, Daddy at Kuya niya para ma witness ang first day of school niya.

"Listen to teacher, okay?" paalala ni Ma'am kay John.

"Yes, Mommy. I will listen to tetcer to make you all of you proud" masayang wika niya pumalakpak naman ako.

"Hindi pa nag start ang school proud na kami sayo" walang imosyon ngunit nasa boses ang saya na sabi ni Jaiden sa kapatid.

"Go na baby pasok kana" lintaya ko nasa mukha nito ang saya ngunit hindi maiwasan ang kaba

"I cawn do this" rinig kong bulong nito na ikina-ngiti ko.

"We will wait you here, fighting" masaganang sabi ng Mommy niya may hand gesture pa.

Kumaway ito samin at pumasok na ng room niya.

Dumeretso kami ng waiting area dahil bawal mag hintay sa harap ng room nang mga estudyante.

"Kamusta si Nanay?" tukoy ni Jaiden kay Mama.

"Naka usap ko si Mama kahapon kahit papaano maayos na lagay- Can i talk to you, Eli?" tawag saakin ni Ma'am Andrea habang nag uusap kami ni Jaiden.

"But Mom, we're still talking" ungot ni Jaiden sa Mommy niya umiling na lang ako.

"Mamaya na kakausapin ko lang ho si Ma'am" magalang kong sambit at yumuko upang mag bigay galang inirapan naman ako nito sa ginawa ko.

"Ano po pag-uusapan natin?" panimula ko ng mapadpad kami sa silong ng puno.

Huminga muna ito ng malalim at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Can I ask you a favor?" malumanay na anas nito.

"Oo naman po" ngiting saad ko ngumiti ito ng maliit.

"I and my husband will go to spain my Nonna is sick, and i don't trust my relatives to look after my sons" ani nito.

"Ah, tapos po?" takang tanong ko.

"I want you to look after them, I don't know when we'll be home" saad nito hindi makapaniwalang tinuro ko ang sarili.

"Ako ho? Bakit ho?" biglang sabi ko hindi makapaniwala.

"Ayaw mo ba?" malungkot na tanong nito paulit-ulit naman akong umiling.

Hindi naman sa ayaw ko gusto ko lang malaman kung bakit ako.

Huminga ito ng malalim.

"You earned my trust and you are the one I trust to look after my child, I know merong Pechay at Maella tyaka si Manang sa bahay pero ikaw ang gusto kong mag bantay sakanila hindi ka mahirap paki samahan at may tiwala nadin ang mga anak ko sayo" mahabang lintaya niya hindi ko alam ang dapat ereaksyon dahil sa sinabi nito.

"S-sige po" kanda utal kong wika ngumiti ito at niyakap ako.

"Thank you" nanggilid luha nitong sambit napatawa na lang ako.

"Ano pinag usapan niyo, Why is my mom crying?" bungad sakin ni Jaiden takang naka tingin sa Mommy nito na nag pupunas ng luha.

"Chismoso" giit ko at umirap mahina naman nitong tinapik tapik ang braso ko.

"What is it nga tell me the chika" anas nito at ngumuso mukha siyang pato balak kopa siyang pag tripan pero baka hindi na ako pansinin nitong lalaking 'to.

"Aalis sila pupunta sila ng spain may sakit daw Lola niyo" lintaya umayos naman ito ng upo nag taka ako ng nakangiti itong humarap sa akin.

"That's good" masiglang anas niya mas lalong kumot ang ulo ko.

"Huh, hindi ka man lang malungkot?" tanong ko nag bago naman ang expression nito.

"O-of course, I am sad because aalis na sila at they're going to leave us" mabilis na napalitan ng lungkot ang expresyon nito nginiwian ko lang ito.

"Ma, kamusta kayo jan malakas pa ba ang bagyo?" nag aalalang tanong ko dahil balita ko may bagyo sa Zambales.

"Hindi naman na anak pero high tide lagi sina Aling Beth nag evacuate na sa Upang na abot na kasi ng baha bahay nila" tugon nito na mas ikina alala ko.

"E ang bahay hindi ba naloob- Ate Eli" hindi ko natapos ang sasabihin dahil sa narinig ko ang iyak na sigaw ni John.

Taranta kong ibinaba ang cellphone at pa takbong lumapit dito ramdam ko ang pagsunod ng pamilya nito sakin.

Lumuhod ako upang magpantay kami nito tyaka hinawakan ang mag kabilang pisnge nito.

"Anong nangyari? bakit umiiyak ang baby ko?" pag alo ko tumabi naman ako ng lumuhod ang Mommy niya.

"Why my baby is crying?" nag aalalang wika nito at sinuri ang bata ako naman ay nilapitan ang teacher na kararating lang.

"Ahm, Ma'am magandang araw po bakit po umiyak ang alaga ko may umaway ho ba sakaniya?" sambit ko.

Bumuntong hininga naman ito.

"I'm sorry if this happen po, his classmate called him ampon because of his color then ayun po sinuntok po niya ang kaklase niya ayun nag simula na po sila mag away, pero pinapapunta ko na ho magulang nung kaklase niya don't worry po, I'm sorry again this happen po" lintaya nito kita ko ang maalat na mukha ni Jaiden.

"Don't worry? My Son is being bullied in this goddamn school by his classmates who's in his age, that's Racist! I want to talk to his parents" galit na sabi ng Daddy ni John agaran naman ang pag tango ng teacher ni John.

"O-opo, I will call my students parents immediately, excuse me po" ani nito pagkatapos magpaalam ay umalis na sinundan lang namin ito ng tingin.

Binabaan ko-namin ng tingin nang marinig ang hikbi ng alaga ko.

"Am I bad, Mommy? because I punched my classmate?" hikbi nito hindi paman din nakakasagot ay sumagot na ang Kuya nito.

"You did the right job, Kuya is proud of you I will teach you how to fight when we get home- Ouch! Mom. that hurts." hindi nito natapos ang sasabihin ng bigla siyang paluhin nang Mommy niya.

"Hey, Hon. your son is right we will teach John how to fight- ouch!" gatong ng Daddy niya pero pinalo lang siya, ako naman ay pilit pinigil ang sarili na matawa.

Tinakpan ko ang bibig nang hindi ko na mapigilan ang tumawa.

"Why are you laughing?" natigil ako sa pagtawa nang mapansing naka-tingin sa akin si Sir Jaiden.

Pasimple akong tumingin kila Ma'am Andrea, gusto ko na lang magpalamon sa lupa ng makitang sa akin sila nakatingin.

"Ako po? nako hindi po ako tumatawa" tanggi ko kahit nakita naman at ngumiti ng pilit.

"Halikana, baby. stop crying na you are not bad sila ang bad aawayin sila ni ate for you." parang tangang kinakausap ko ang bata yumuko naman ako kila Ma'am Andrea bilang pag respeto at dali daling umalis dahil sa kahihiyan.

Around 6 pm kami naka-uwi dahil kina-usap pa ang bata at magulang.

Hiding His DaughterWhere stories live. Discover now