CHAPTER 3

92 8 3
                                    

Sa isang linggo kong pag-alaga kay John ay mas naging makulit na siya hindi na siya yung parang una na ang tahimik lang.

"Ate, I want to pway po" bulol nitong sabi nginitian ko naman siya at tumango.

"Sige baby, anong laro po?" tanong ko.

"Hide and seek po" excited na sabi nito at nag tatalon pa na nag patawa sa akin.

"Sure who is the monster?" tanong ko kahit alam kong ako ang taya

"Ate Ena will be the mownster, John will hide" sambit nito at nag tatalon dahil sa tuwa at excite, natatawa akong lumapit dito at ginulo ang buhok nito.

"Sige mag cocount si ate ng one to ten dapat naka hide ka na" tumango ito at dali daling tumakbo napa iling na lang ako.

"One...Two...Three...Four" bilang ko ng matapos mag bilang ay nag hanap na ako.

"Andrie, where are you?" ani ko naglilibot sa sala pero wala ito kaya nag tungo ako ng taas.

"Andrie, baby asan ka na" napangiti na lang ako ng may nakita akong anino malapit sa terrace kaya nag tungo ako doon.

"Wahh- Tangina!" gulat ko pero ako ang nagulat dahil hindi si Andrie ang nakita ko kundi si Sir Jaiden mabilis ko ring tinakpan ang bunganga gawa ng pagmumura.

"The hell?! What the hell are you doing?" inis na wika nito kaya napakamot ako ng batok.

"Sorry po, Sir. Akala ko po kasi kayo si Andrie nag lalaro po kasi kami, pasensya ho" kamot ulo kong saad tumango siya nahihiya na tuloy ako, nag peace sign lang ako.

"Kung hinahanap mo si John nasa kwarto ko siya hindi ko alam bakit doon niya naisipang mag tago" sabi niya tumango na lang ako at nag peace sign ulit.

"Sige sir salamat babye hihi" wika ko at nag tungo sa kwarto ni Sir Jaiden.

Nang mapagod kami sa paglalaro ay pinakain ko na siya at pinatulog sakto namang tumawag si Mama ganito routine ko, tuwing tulog or may tutor si John ay tumatawag ako kay Mama or 'di kaya tumutulong ako sa mga gawaing bahay kahit hindi dapat.

"Hindi ka ba napapagod, Eli?" tanong sa akin ni Maella.

"Saan?" sagot ko.

"Sa pag tatrabaho" sambit niya at alanganin akong nginitian.

"Hindi kailangan ko kumayod para sa pamilya ko, mayroong sakit kasi si Mama" ani ko napa bilog ang bibig nito at tumango-tango.

"Kahit ako kailangan ko mag trabaho wala na kasi ang magulang ko ako na lang kumakayod para sa mga kapatid ko" sambit nito napa labi ako, mukha siyang bata.

"Ilang taon ka na ba? at ilang taon ka na rin nag tatrabaho rito?" curious kong tanong at tinigil ang pag pupunas ng lamesa siya naman ay tumigil din.

"Fifthteen ako nun nung nag simula ako mag trabaho rito, nung una hindi ako payagan kasi menor de edad pa ako pero nagmaka awa ako sa awa ng diyos tinanggap ako, masasabi ko ring sobrang bait ni Ma'am Andrea" sambit niya may ngiti sa labi.

"Ikaw bakit ka napadpad dito sa Maynila ano sakit ng nanay mo at ilan kayo mag kakapatid?" siya naman ang nag tanong.

"May cancer si Mama kaya kahit ayaw ko siyang iwan ay kailangan para sa pagpapagaling niya dalawa lang kaming mag kapatid pero kadalasan sinasabihan akong ampon ng kapit bahay dahil ako lang daw naiiba kesyo morena daw sila Mama ako hindi" mahabang paliwanag ko.

"Wag ka ma offend ha? pero kasi ang puti mo nung unang punta mo dito akala ko bisita ka dahil kadalasan na bisita nila Ma'am Andrea dito ganyan din kaputi at kakinis kagaya sa 'yo medjo may hawig din kayo ni Ma'am Andrea, Hindi ko alam kung ako lang naka pansin." saad nito sa totoo lang hindi ako na offend sa ganyan dahil sanay na ako, atyaka si Ma'am Andrea, kamukha ko? Malabo.

Hiding His DaughterWhere stories live. Discover now