CHAPTER 7

57 6 0
                                    

"Mama" sigaw ko nasa labas ng bahay pero si Easton ang bumungad sakin kita sa mata nito ang gulat ang laki niya na ilang buwan lang naman ako nawala.

"Hoy, Easton ano tutunganga ka na lang jan? hindi mo man lang ba kami tutulungan?" inis kong sambit dahil kita ko ang hirap sa mukha ni Sir Jaiden habang buhat ang mga gamit namin ako naman ay buhat si John habang tulog sa balikat ko.

Dali-dali naman itong lumapit kay Sir Jaiden pero tumitig muna ito sakin animo'y hindi makapaniwala na nandito ako sa harap niya or siya'y naka kita ng multo.

"Mama, si Ate andito, Mama minumulto tayo! MAMA!!" tumakbo ito papasok sa bahay napakagat ako ng labi upang pigilan ang tawa si Sir Jaiden naman ay ganun din pinipigilan ang tawa.

"Ano bang pinag sasabi mo? anong multo? anong Ate mo?" sunod sunod na anas ni mama.

"Ma! si Ate andito, Ma! minumulto ba tayo may kasama siyang lalaki pati si John andito buhat niya" sunod sunod na anas nito nasa kusina sila napailing na lang ako at inilapag si John sa sofa.

Halos mabingi ako dahil sa kaingayan niya kakasabing andito ako.

"Sinong John? 'yung alaga ng Ate mo? aba'y teka sisilipin ko kung ano ano pinag sasabi mo jan" rinig kong ani ni Mama rinig ko ang kalabog nito.

Nakita ko itong nag kakandarapas nang takbo pero tumigil din nang makita akong naka-upo sa sofa habang naka ngiti katabi ko naman si Sir Jaiden

"Eliana anak, anak! ikaw bayan?" gulat na ani nito tumango ako ng makitang tumakbo ulit ito ay tumayo ako upang salubungin ang yakap nito nang tuluyang makalapit ay patalon itong yunakap sa akin kaya napa-upo kami sa sofa.

"Mama, naiipit ako ang bigat mo" biro ko habang mahina itong tinutulak agad naman itong tumayo napakagat ako ng labi nang mag punas ito ng luha.

Mapalingon ako kay John ng gumalaw ito uusod sana ako palapit sakaniya nang unahan ako ng kuya nito nilingon ko si Sir Jaiden pero tinanguan ako nito nakuha ko naman ang pinaparating nito kaya nilingon ko si Mama na umiiyak na kaya tumayo ako at lumapit sakaniya.

"Ma naman bakit ka umiiyak?" ani ko at pinunasan ang luha nito napa aray ako ng kurutin ako nito sa singit, busit nandito si Sir Jaiden.

"Bwesit ka! hindi ka nag sasabi na uuwi ka" ani nito at pinalo ako sa braso.

"Ma kapag sinabi ko hindi na surprise kaya, surprise!" ani ko at tinaas ang dalawang braso at ngumiti ng malapad narinig ko ang tawa ni Easton kaya binalingan ko ito.

Senenyasan ko itong lumapit kaya lumapit din agad siya.

Wala paman akong nasasabi ay niyakap na ako nito.

"Nagulat ako sayo bigla-bigla kang lulutang sa gate may kasama kapang lalaki, boyfriend mo ba?" bulong nito na tinawanan ko lang nakisama nadin si mama.

"Grabi naman sa may kasamang lalaki, siya yung boss ko" ani ko ng bumitaw sa yakapan ay lumapit ako kay Sir Jaiden upang ipakilala siya.

Napansin siguro ni Sir Jaiden ang paglapit ko sakaniya kaya tumayo siya.

"Ma, si Sir Jsiden anak ng boss ko" pakilala ko si sir Jaiden namn ay hindi alam ang gagawin inabot sakaniya ni mama ang kamay niya lumingon siya sa akin at hinalikan niya ang kamay ni Mama.

Taka akong tinignan ni Mama napakagat naman ako ng labi, binigyan niya ako ng anong gagawin, kinuha ko ang kamay ni Easton at nag mano mukhang nakuha niya naman kaya ito'y nag mano.

"G-good afternoon po" magalang na bati nito ngumiti naman si Mama.

"Good afternoon din ijo, kay gwapong bata ikaw ba'yung kapatid ni Ced?" tanong ni Mama at pinirit ang pisngi ni Sir Jaiden napalabi ako upang pigilan ang tawa pero pinalo ko si Mama upang tigilan niya pisngi ni Sir Jaiden dahil nakakahiya.

Hiding His DaughterWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu