CHAPTER 6

73 6 1
                                    

Medjo mainit-init pa ang issue ng matapos yung pangyayari at hiyang-hiya ako naiinis ako kay Jaiden hindi dahil sa nagpakilala siya bilang boyfriend ko kung 'di bumilis tibok ng puso ko non.

Paano na lang kung may sakit na pala ako na hindi ko alam? ang bilis nang tibok ng puso ko simula kahapon kailangan ko na talagang ipa check-up sarili ko.

Pero maayos naman ang naganap hanggang friday pero hindi pa rin maiwasan yung pag irap sakin ng ibang babae hindi ko naman alam na campus crush siya sa university na pinapasokan ko ngayon.

Sabado ngayon kakatapos lang namin mag usap nila Mama.

"Ija ayos ka lang ba?" alas-5 pa lang alas-8 ang pasok namin pagkatapos ko mag luto ay dumeretso ako rito sa kwarto at nahiga, hindi ko alam kung ilang oras akong nakatunganga sa kisame, nang marinig ko ang katok ni Ma'am Andrea tyaka lang ako na balik sa ulirat.

Tumayo ako upang tignan si Ma'am Andrea.

"Bakit po Ma'am? may iuutos ho ba kayo?" magalang na tanong ko at binuksan ang pinto para makapasok si Ma'am Andrea.

Ngumiti siya at pumasok dumeretso siya sa kama ko.

"Nothing, gusto lang kita makausap" saad niya tumango ako at umupo sa tabi niya.

"About saan po?" takang tanong ko inabot nito ang kamay ko at ngumiti.

"Sorry kung nakinig ako sa usapan niyo ng pamilya mo without permission but, I want to ask you something, do you want to visit your family?" nagulat ako sa sinabi nito.

"Po?" gulantang tanong ko.

"I know nagulat ka pero kasi miss mo na pamilya mo hindi ba? papayagan naman kitang bumisita sa kanila" mahinhin na wika nito.

Gusto ko sana kaso paano ang alaga ko mamaya hindi ako paalisin nun.

"Ma'am, opo miss kona po pamilya ko at gusto ko po sila bisitahin pero paano po si John? at may pasok po kami kakastart lang po nung nakaraan" nahihiya kong ani ngunit hindi maiwasang matuwa.

Ngumiti ito sa akin at may inabot na sobre.

Sinilip ko kung ano ang laman at halos lumuwa ang mata ko dahil sa laman na pera.

"Nako Ma'am ang laki po nito, hindi ko ho ito matatanggap" pilit kong binabalik pero umiling lang siya.

"Take that para na rin 'yan sa pagtatrabaho mo dito and about sa school nakipag usap ako sa dean niyo at adviser niyo ni Jaiden" saad niya at nginitian ako, Jaiden?

"Sir Jaiden? Bakit po nasama si Sir Jaiden sa pag paalam kay dean at adviser po?" takang sabi ko.

"I will let John come with you, lagi niyang kinukwento sakin pamilya mo at gusto niya sila ma-kilala para makasama si John sasama rin ang Kuya niya" napanganga ako sa sinabi nito, alam kong nakaka-usap ni John sina Mama pero hindi ko aakalaing magagawa niyang makwento yon kina Ma'am Andrea.

Alam kong nakakausap ni John sina Mama pero hindi ko expected na ganito pala nakukwento nani John sa Mommy niya sina Mama, ang hirap paniwalaan.

"Thank you po Ma'am, miss ko na po talaga sila Mama" naiiyak kong ani at niyakap siya tinapik-tapik naman nito ang likod ko narinig ko ang tawa niya.

"Ayusin mo na gamit mo ako bahala sa sasakyan niyo" hirit pa nito at nginitian ako.

"Ngayon na po as in now na?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Actually ready na sila John look at your back" turo nito sa pintuan at na kita ko roon sila John at Sir Jaiden na may hawak na maleta si John ay naka ngiti at ang Kuya naman nito ay mukhang inaantok pa.

Hiding His Daughterजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें