CHAPTER 1

133 11 1
                                    

"Eli, anak gising kana jaan anong oras na sasamahan pa kita sa pag tatrabahohan mo" rinig kong sigaw sa akin ni tiya sa labas, unti unti ko namang minulat ang mata ko.

"Gising na, Tiya!" balik kong sigaw at inayos ang pinag-higaan.

Naghilamos na ako at bumaba, ngayon ako maghahanap ng trabaho kasama si Tiya Salome.

"Morning, Tiya" bati ko dito ng makitang nagaahin na ito ng pagkain siya ang Tiya ko kapatid ni mama si tiya Salome walang anak pero may asawa ewan kodin kung bakit wala pasilang anak pero wala na akong dapat paki-alaman pa.

"Morning, Eli. halikana dito at kumain kana" tumango ako dito at umupo na para mag agahan.

"Si Tiyo po, hindi pa po ba siya kakain?" nagtataka kong tanong dahil hindi ko mahagilap si tiyo sa buong bahay

"Maagang nag punta sa trabaho" tumango nalang ako at nag patuloy sa pagkain.

"Eli, sigurado ka gusto mo mag trabaho? pag aaralin panaman din sana kita." na pangiti ako sa sabi nito, gusto ko sana mag-aral kaso kailangan ng pang-gastos sa bahay.

"Oho, Tiya kailangan, e. para hindi na mag trabaho si Mama, tyaka kung kaya din po ng schedule okay lang po." nailing ito sa sinabi ko, tumutulong naman si Tiya saamin sadyang matigas lang si Mama.

"Ang Mama mo kase ayaw magpatulong sakin wala naman saakin 'yon, e. mag kapatid kami hindi ko alam kung bakit ayaw niyang tulungan namin siya e, tinulungan niya rin naman kami nung nangangailangan kami." mahabang lintaya niya, ngumiti na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Nakapag bihis na ako dahil pupunta na kami sa pag tatrabahohan ko hindi ko alam kung anong klaseng trabaho pero okay lang naman basta meron.

"Anong trabaho ko, Tiya?" tanong ko dahil kating kati na akong malaman kung anong trabaho ang offer ni tiya sakin.

"Yaya, anak. pero kung hindi ka sanay sa gawaing bahay pwedeng mag alaga ng bata" sabi nito, umiling ako wala namang kaso saakin ang pag-lilinis ng bahay marangal naman na trabaho 'yon.

"Nako, Tiya. kahit ano payan kayang kaya ko pero mas gusto ko mag alaga ng bata namimiss kona si Easton hihi" natawa ito sa sinabi ko.

"Osya kakausapin ko dati kong boss na mag alaga na lang ng bata kaya naman siguro iyon nang pagaaral mo ang schedule ng pagbabantay, ano?" napatango ako at nag tanong ulit.

"Saang school po pala ako papasok" wika ko ng makasakay sa jeep

"Sa Casa De University maganda don" nagulantang ako sa sinabi nito

"E, tiya mahal ang tuition fee d'on diba? sa ibang school na lang." nahihiya kong turan.

"Ano kaba, anak. nadin kita at don kadin gusto pag aralin ng Tiyo mo" napanganga ako sa sinabi nito si tiyo

"Si Tiyo?" tumango siya bilang sagot.

"Oo siya nag sabi na doon ka paaralin dahil maganda duon at makaka aral ka ng mabuti" sabi nito kaya napatango ako

Naka baba na kami at kailangan lang mag lakad ng ilang kilometro para makalabas sa sakayan.

"Dito po kayo nagtatrabaho dati, Tiya?" tanong ko medjo may kalakihan itong bahay.

"Oo, anak. pero pinatigil din ako ng Tiyo mo kase siya na lang daw mag tatrabaho" tumango ako at pinag-masdan ang paligid.

Habang nag kukwentuhan ay may narinig kaming nag salita sa likod namin.

"Salome" parehas kaming napatayo dahil sa mahinhin na boses.

"Good afternoon, Ma'am Andrea" bati ni Tiya kaya bumati nadin ako.

Hiding His DaughterWhere stories live. Discover now