CHAPTER 10

58 4 0
                                    

"Eliana" tawag sakin ng kaklase ko ano nga ba ulit pangalan nito.

"Ah, bakit?" kunot noong tanong ko nang tumigil ito sa harap ko.

"Tara sabay na tayo bumili libre ko" anas nito at pinulupot ang braso sa braso ko.

"Bakit mo naman ako elilibre?" takang tanong ko, hindi naman kami close.

"Wala gusto lang kita maging kaibigan, bakit bawal ba?" tatawang saad nito.

"Hindi naman" wika ko at ngumiti ng tipid pababa pa lang kami ng hagdan nang may tumawag ulit ng pangalan ko.

"Eli, sandali." rinig kong pamilyar na boses nitong sigaw si Maella, nang tuluyan makalapit ay pinulupot naman nito ang braso nito sa kabilang braso ko bali napagitnaan nila ako.

"Oh may kasama ka pala, Hi ako pala si Maella" pakilala nito at ngumiti ng malaki tyaka inilahad ang kamay bumitaw naman sakin ang isa upang tanggapin ang kamay ni Maella.

"Ako si Jamela, Nice to meet you pero pwede mamaya na tayo mag pakilalahan sa isa't isa? gutom na ako hahaha" tatawang pakilala nito ah Jamela pala pangalan niya.

"Tama tara gutom na rin naman ako" ani naman ni Maella, sabay nilang pinulupot ang braso sa braso ko at sabay sabay kaming naglakad patungong cafeteria.

"Hanap na lang kayong mauupuan ako na oorder" ani ni Jamela pero umiling ako.

"Samahan na kita" sambit ko pero umiling lang ito.

"Ako na hanap na lang kayo ni Maella ng mauupuan, sige" ani nito tumango na lang ako.

"Anyari sainyo ni Sir Jaiden, bakit kayo nag iiwasan or ikaw ang umiiwas?" tanong ni Maella ng makanap kami nang mauupuan, sabihin ko ba dapat 'yung nangyari?

"Wala naman maayos naman kami" turan ko kahit ang totoo ay umiiwas naman talaga ako kay Sir Jaiden dahil sa ginawang pag halik nito hanggang ngayon ay nahihiya ako kahit hindi naman dapat.

Dalawang linggo na ang nakalipas nung mangyari yun pero hindi ko maalis sa isip ang halik nayun.

"We? ayaw mo nga siyang hatidan ng kape niya tuwing gabi, e." mapanuksong wika nito.

"Hindi ko kaya duty yun" ani ko at umirap.

"Hindi raw duty pero parang nung kailan lang siya nag hahatid nung kape" bulong nito halatang parinig dahil naka tingin pa ito sakin.

"People change" agaran kong ani.

"Umamin ka nga sa akin gusto moba si Sir Jaiden?" excited na tanong nito tinaas baba pa ang kilay ng aasar.

"Anong klaseng tanong yan" inis na anas ko.

"Oo o hindi lang sagot bakit ka naiinis?" nakangising sambit niya, halatang nang aasar.

"Hindi nga" nakasimangot kong sabi tinawanan lang ako ng bruha.

"Umamin ka sakin anong nangyari nung nakalabas ng kwarto mo si Sir nung nakaraan" pinaningkitan ako nito ng mata namula ako ng maalala ang nangyari.

"W-wala" utal kong wika at nag iwas tingin tumawa ito ng malakas at pumalakpak pa.

"Wala raw pero namumula at nauutal" pang aasar pa nito, taka ko itong nilingon ng bigla itong tumigil sa pag tawa nang lingonin ko ito ay nakatitig ito sa likod ko kaya walang pag alinlangan akong lumingon sa likod ko ng lingonin ko ang likod ko ay dibdib ng kung sino ang bumungad sakin kaya kailangan kong tumingala dahil sa tangkad ng nasa harap ko.

Bumungad sa akin si Sir Jaiden na may ngiti sa labi naka gel ang buhok napakagat ako ng labi, gwapo.

Nagkatitigan kami nito naiwas lang ako nang tingin namin ng dumating si Jamela.

Hiding His DaughterWhere stories live. Discover now