Epilogue

6 0 0
                                    

Title: Loving The Sun
[Epilogue]

"K-Ka Theo Sevi." Tanging sambit ko

Ano ba dapat ang sasabihin ko? Kay tagal ko siyang hinintay!

"Ayumi Claire." He smiled, nagtama ang aming mga mata kaya't halos lumabas ang aking puso na ngayon ay parang merong malakas na bagyo sa loob.

Nabigla ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. My Sun! Ano ba to, naiiyak ako. Si Theo Sevi ba talaga to? Yung Ginoong limang taon kong hinintay? Wala ako sa panaginip, I can feel his warmth and fast heartbeats.

"Limang taon, akong nangungulila sayo Ayumi. Ngayon nayayakap na kita ng mahigpit. Ngayon nasisilayan ko na ang iyong mukha, mahahawakan ko na ang iyong mukha. Maraming salamat sa Ama, dahil iningatan ka niya, at naging matagumpay ka sa iyong mga pangarap sa buhay. Masaya ako para sayo, Ayumi Claire. Para sa sakin, at para sa iyo ito na ang tamang panahon para sa ating dalawa." Mahaba niyang sabi habang yakap ako. Naiiyak ako pero pinipigilan ko lang.

"Ka T-Theo Sevi, M-Miss na Miss kita." Tugon ko. Hinarap niya ako at pinahid ang luhang pumatak. Namumuo narin ang mga luha sa magaganda niyang mga mata. I miss him so much and his eyes!

"It's okay, tahan na. Andito na ako. Hindi na ako aalis." Ngiti niya sakin at muli akong niyakap. Ngayon ko lang naramdaman na kompleto ako. Andito na si Ka Theo Sevi at niyayakap ako ng mahigpit.

Muling siyang humarap sa mga paintings habang hawak ang kamay ko.

"Nakikita mo ba ang lahat ng ito?" He asked me. Tinutukoy niya ang paintings. Nangulap ang mata ko ng makita ang unang painting. My Mama, meet the little boy under the Acacia Tree, doon malapit sa Sunrise Art? Bakit nandito si Mama? Dahil ba kay Mama kaya nakilala ako ni Ka Theo?

"Hindi ko sinabi sayo noon, dahil alam kung aalis ako. Hindi kita makasama, at wala ako sa tabi mo. Ngayon handa na akong sabihin sayo ang lahat, at iparamdam sayo na hindi ka nag iisa, simula noon hanggang ngayon. Hindi na ako aalis, hindi na kita hahayaan na mag isa." Madamdamin niyang sabi kaya napahikbi ako. Naging emosyonal ako ngayon sa harap ng lalaking Mahal ko.

"I am sorry, pero nakakaiyak ang lahat ng pinaramdam mo. Nakakatunaw ng damdamin." Basag na sabi ko, ngunit tahimik lamang si Ka Theo Sevi.

"Ito, sinadya ng Mama mo na pagmasdan ang lawa, at maupo sa ilalim ng Acacia. Andito ako, nakita ko siyang umiiyak kaya kinausap ko siya. Nag kwento siya sa akin, tungkol sa buhay niya at tungkol sayo Ayumi. Nalaman ko ang lahat. Nagmakaawa siya sa akin na sabihin sayo ang katotohanan kapag tamang panahon na at kapag makaya mo na ang lahat ng sakit." Tumigil saglit si Ka Theo Sevi saka ako binalingan ng tingin. Lahat naman ng sakit ay unti unting naghilom simula ng pinaramdam sakin ni Ka Theo na hindi ako nag iisa.

"Ayumi Claire, hindi ginusto ng Mama mo naiwanan ka, ang sabi niya, mas mabuting kamuhian mo siya kesa makita ka niyang nasasaktan. Bata pa ako noon,at hindi ko pa siya maunawaan, at sa paglipas ng panahon naiintindihan ko narin ang Mama mo. Umalis siya, dahil may sakit ang Mama mo. May HIV siya Ayumi, at ayaw ka niyang mahawa." Sabi ni Ka Theo Sevi na kinatigil ko. Mama! Bakit? Bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat? Mama!

Oo may pagkakataon na nagagalit ako dahil Iniwan niya ako, at umaasa na babalikan pa. Pero sa paglipas ng panahon walang Mama ko ang dumating. Ang tanga ko! Naghintay ako sa taong imposibleng bumalik pa!

Loving The SunWhere stories live. Discover now