Chapter 8

4 1 0
                                    

Title: Loving The Sun

[Chapter 8]

Nagkatitigan kami saglit ni Ginoong Theo Sevi, sandali s'yang humigop roon sa kaniyang kape. Nasa loob kami ngayon ng Tree house at naiilang ako dahil kaming dalawa lamang. Medyo malayo ako sa kaniya, malakas rin kasi kabog ng dibdib ko at nangangamba ako baka mahalata n'ya.

"How's your study?" He asked. Naging blangko pa ang aking isip dahil napaka lakas ng charms n'ya lalo na sa pag English n'ya. Omy heart!

"M-Mabuti naman" Ngiti ko, napatingin s'ya sa ibaba, naroon parin si Shantelle at Daniel, they're playing hide and seek.

"Nakausap ko si Binibining Abby kahapon. Nasabi n'ya sakin ang kan'yang problema. " Panimula n'ya, sa bawat pagsasalita n'ya ay lumalabas rin ang kaniyang nakakaakit na biloy.

"Meron ba kayong samaan ng loob?" Tanong n'ya. Merong tumusok sa puso ko dahil sa tanong n'ya. Nailing lamang ako sa kaniya. Naalala ko ang mukha ni Abby, kapag tumingin ako sa reflection ko sa salamin ay nakikita ko rin ang pagkakapareho namin. I can't deny na magkamukha kami ni Abby kapag pagmasdang mabuti.

"Kapag meron kayong hindi pag kakaunawaan ay mabuting maayos n'yo na. Ang magkakapatid sa loob ng Iglesia Ni Cristo ay nagmamahalan." He seriously said. Alam ko, kaibigan ko si Abby at napakagaan ng loob ko sa kaniya. Napatango nalang ako.

"Lalo na dahil--" hindi n'ya natuloy ang kaniyang sasabihin sana. Meron ba s'yang alam na ayaw n'yang ipaalam muna?

"I-Ikaw ang unang umalok sakin na maging kaibigan ko. Pinahahalagahan ko ang mga taong gustong pumasok sa buhay ko." Madamdamin kong sabi. Ang mga tao sa baryo namin ay mapanghusga, siguro ay may alam sila tungkol sa buhay ko na ako mismo ay hindi alam. Hanggang ngayon ay nabubuhay parin ako na hindi ko pa natutuklasan ang tungkol sa pangyayari sa nakaraan.

"Dumating rin sila Abby at ipinadama sakin ang tunay na pagkakaibigan. Parang kapatid ko narin s'ya, sila." Ngiti ko kay Ka Theo Sevi. Hindi ko pinahahalata ang tunay kong damdamin. He just smiled and tap my head, namula naman ang pisngi ko. Ang haba pala ng kamay n'ya!

"Natatandaan mo ba ang inyong principal? S'ya ang Ama nila Abby" patuloy n'ya. Pamilyar sakin ang principal namin, Magaan din ang loob ko sa kaniya dahil sa kabutihan ng puso n'ya. i think nakita ko na s'ya dati, but SERIOUSLY? Si Sir Dennis Guerrero ang Ama ni Abby? Magkaibigan kami ni Abby, pero hindi ko pa nakilala ang kaniyang Ama't Ina kaya nabigla rin ako sa aking narinig ngayon.

"I didn't ask you before about your family because I know a lot about you Ayumi Claire. You are independent woman, right?" He seriously said. My heart beats won't calm, siguro ay natatakot ako sa maari kong malaman.

"Pero ngayong kaanib kana sa loob ng Iglesia Ni Cristo ay Oras narin naman para makilala mo ang mga taong bubuo sayo." Seryoso paring sabi n'ya. Ngayon ay parang sasabog na ang utak ko sa kakaisip tungkol sa mga sinasabi ni Ginoong Theo Sevi.

Naguguluhan ako, bakit n'ya sinasabi ito sakin ngayon?

"I already told him about you, maging s'ya ay nabigla dahil ni minsan ay hindi ka n'ya nakilala." Patuloy n'ya. Sino ang tinutukoy n'ya? Bakit ganito? Parang gusto kong umiyak sa harapan n'ya dahil natatakot ako sa mga sasabihin n'ya.

"Si Ka Dennis Guerrero ang iyong Ama. Daniel is your Brother, and Abby is your half sister." Diretsong sabi n'ya dahilan para magulat ako, agad na nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang namumuo. Naramdaman ko ang panghihina ng aking katawan, malaking parte ng pagkatao ko ang makilala ang aking Ama pero bakit may kaugnayan parin kay Abby. She's my step sister? Nanginginig ako dahil sa aking narinig. Tama nga ang hinala ko, si Daniel s'ya ang kapatid ko.

"P-Paano mo nalaman?" I asked, Basag ang tinig ko.  Nag iwas lamang s'ya tingin, wala s'yang balak na sabihin sakin.

"Just talk to your father Ayumi Claire, Soon I will tell you everything, lahat ng mga katanungan mo ay masasagot ko rin" Sabi n'ya bago s'ya tumayo.  But when? Kapag huli na ang lahat? Kapag mabaliw na ako sa kakaisip?

"Pakiusap"Mahinang bulong ko. Nakitaan ko ang awa sa kaniyang mga mata.

"Sandali" Sabi n'ya bago bumaba rito.

Napayakap nalang ako sa aking tuhod at napaiyak. Paano? Nasaan na si Mama? S'ya lamang ang makasagot ng mga katanungan ko. Pero bakit alam ni Ginoong Theo Sevi? Ano ba talaga s'ya sa buhay ko? I really admired him, I love him already. Bakit may alam s'ya tungkol sa buhay ko? Bakit ngayon n'ya lang sinabi? Ahhhhh!

Naisip ko si Abby, hindi ko alam kong paano ko sila haharapin? Marami akong katanungan sa Papa ko, kung bakit n'ya kami inabandona? Kapag nakasama kaya s'ya namin ay hindi na aalis si Mama? Kung nagpakatatay lang sana s'ya ay buo parin siguro ang aming sambahayan.

"Ma, bakit? Bakit Iniwan mo akong mag isa?" Hikbi ko. Ang mga alaala ng nakaraan ay bumabalik. Natatandaan ko parin ang pagmamahal ni Mama pero bakit s'ya umalis at pinangakuan ako na babalik din s'ya? Nakaramdam ako ng labis na pagod, siguro dahil ang daming pumasok sa isipan ko. Ang gusto ko lang gawin sa ngayon ay matulog, nanlalabo ang aking mga mata habang papalapit sa maliit na kama rito sa loob.  Agad akong tumawag sa Ama at humagolhol. Wala na akong maisip na gagawin at kung wala ang tulong n'ya ay hindi ko makakaya ang pagsubok na ito.

Malakas ako, Hindi ako sumusuko ng basta Basta pero sa nalaman ko ngayon ay sobrang gulo ng lahat, I don't know how to start? How about Abby? Si Sir Dennis ay naging mabait sakin, paano ko isigaw sa kaniya ang mga pagkukulang n'ya?

"A-Ate"

Nagising ang diwa ko dahil sa maliit na tinig na aking narinig. Charles Akhiro!

"Kuya Theo told me about you. I-I'm sorry, hinanap mo ako pero wala akong alam tungkol sayo." Hikbi nitong sabi habang yakap ako. Mas lalo akong humikbi dahil sa mahigpit na yakap ng kapatid ko, kay tagal ko s'yang hinanap. Sabi ni Mama sa bahay ampunan n'ya dalhin ang kapatid ko kaya simula noon ay iyon na ang paniniwala ko. Sobrang Gulo ng isipan ko, tanging alam ko lang ay iisa lang kami Ng Ama ni Charles Akhiro, pero ni minsan ay indi sakin pinakilala ni Mama ang aking Ama. Palagi n'yang sinabi sakin noon na masama s'yang babae, but I didn't believe her, I love her so much.

"Andito na ako A-Ate, hindi kana mabubuhay mag isa." He whispered. Nabuhayan ako ng pag asa dahil sa mga salita ni Daniel. Kasama namin ang AMA kaya ang mabigat na pagsubok na ito ay aming malalampasan kapag magtiwala lamang ng lubusan.

Naramdaman ko na meron umupo sa aming tabi. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang pagyakap ni Ginoong Theo Sevi.

"Maging mabuti rin ang lahat, Andito lang ako" he whispered. Hindi madali ang lahat ng ito, Patuloy ko paring kakapitan ang liwanag n'yang dala. Natatakot ako na baka sa huli ay masaktan kaming dalawa, pero kung hindi s'ya ang Laan para sakin sana para kay Abby nalang.

Marami pa akong katanungan, marami pang dapat sabihin si Theo Sevi sakin pero sa ngayon ay pansamantala ko munang kalimutan ang mga katanungan. Kakausapin ko si Sir Dennis, buo na ang desisyon ko.

----

Sorry for typos and grammatical errors^^

Loving The SunWhere stories live. Discover now