Chapter 10

5 1 0
                                    

Title: Loving The Sun

[Chapter 10]

Sariwa parin sa aking alaala ang mga pangyayari. Kahit papano ay natatanggap ko narin. Ramdam ko ang pagsaklolo ng Ama sa bawat pag daing ko. Dalawang linggo narin ang nakalipas. Palagi akong binibisita ni Sir Dennis. Pinapayagan n'ya narin na dito matulog si Daniel. Sa dalawang linggo na nakalipas ay hindi pa kami nag kitang muli ni Abby. Hindi narin dito nakabalik si Ginoong Theo Sevi dahil naging abala na s'ya.

Napakarami pa ang gusto kong itanong kay Ginoong Theo Sevi pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon. Siguro dahil hindi pa ito ang oras para malaman ko ang lahat. Nabubuhayan parin ako ng pag asa. Baka bumalik pa si Mama, baka babalikan n'ya pa ako at s'ya mismo ang magkwento sakin ng lahat kahit alam ko na. Mas gusto ko na marinig mismo kay Mama ang lahat.

Nasa punto na ako ng buhay na gusto ko ng sumuko. Pero hindi ako pinapabayaan ng Ama. Meron parin s'yang kasangkapan para palakasin ang loob ko.

Si Sir Dennis, simula no'ng malaman n'ya na Anak n'ya ako ay hindi na n'ya ako pinababayaan. Nahihiya na nga ako pero gusto ko ding maramdaman ang pagmamahalan ng isang Ama. Gusto rin akong makita ni Tita Amanda pero hindi pa ako handa para harapin s'ya. Nahihiya ako sa ginawa ni Mama at nandidiri din ako sa aking sarili. Parang ang rumi rumi kong babae sa t'wing maisip ko ang nakaraan. Nahihiya narin akong magpakita kay Abby. Naging mabuti s'yang kaibigan sakin, kaya pala ang lapit ng loob namin sa isa't isa dahil magkadugo naman talaga kami.

"Ate! Ate!"

Napangiti ako dahil narinig ko ang boses ni Daniel. Agad kong binuksan ang pintuan, tulad ng kadalasan ay kasama n'ya si Sir Dennis.

"Ate!" Masayang sabi ni Daniel at niyakap ako ng mahigpit. Sa pagkakaalam ni Daniel ay totoo s'yang anak ni Sir Dennis. Iyon din naman ang gusto nila Sir Dennis na huwag ng malaman ni Daniel ang totoo, pumayag din ako dahil gusto kong may kinikilalang tatay ang kapatid ko. Hindi ko gusto na naramdaman n'ya rin ang kalungkutan at katanungan na dinanas ko no'ong mga panahon na hindi ko kilala ang aking papa. Pinaliwanag ko din sa kaniya ang mga katanungan na gusto n'yang malaman.

"Good Morning Ayumi." Ngiti sakin ni Sir Dennis. Dapat ko na ba s'yang tawaging Papa?

"Tuloy po kayo" Ngiti ko. Agad akong niyakap ni Sir Dennis, maging si Daniel ay napayakap sa binti ko. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito, Ang makayakap ang aking Papa.

"I have something for you." Ngiti ni Sir Dennis. Binigyan n'ya sakin ang dala n'yang paper bag.

"Ano po ito?" Nahihiya kong tanong.

"Buksan mo." he smiled. Napatango nalang ako bago ko binuksan. Ang laki kasi ng paper bag, na excite tuloy akong buksan.

Napaawang ang labi ko ng makita ko ang laman. Painting! Kinuha ko agad ito at tiningnan. Bakit sobrang pamilyar nito? Anino ng babae't lalaki sa taas ng tree house. Napakaganda ng pagkapinta! mas lalo itong gumanda dahil sa nakaakit akit na lawa, maningning na gabi at bilog na buwan. Sa Hindi ko alam na dahilan ay parang dinadala ako ng painting sa scenario na iyon.

"Bagong pininta ni Brad Theo. Nagustuhan mo ba?" Nakangiting tanong ni Sir Dennis/Papa. Hindi na ako nagulat, unang tingin ko palang ay alam kong s'ya ang pintor.

Loving The SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon