Chapter 1

11 4 0
                                    

Title: Loving The Sun

IGLESIA NI CRISTO FICTIONAL STORY
SERIES#3

WARNING : The story is purely of fiction. Any names of persons and establishments are purely coincidental and doesnt reflect reality.

Please do not redistribute in any form without the consent of the author.

The characters, places and scenes are only fictional and product of writers imagination. Remember: Plagiarism is a CRIME. Anyone caught of this crime will face the consequences. You can get some ideas but please use it wisely.

[Chapter 1]

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang pinakamataas na burol dito sa probins'ya, simula noong bata ako ay naging paborito kong tanawin ang burol. I don't know why but all my worries suddenly disappeared when I was looking at there. Napakagandang pagmasdan ang pagsikat ng Araw. Ito ay panibagong araw na naman, hinihiling ko na sana mapagtagumpayan ko ang mga pagsubok sa araw na'to.

Nag umpisa na akong ilagay sa chests ang mga paninda kong Ice Candy. Sari saring flavor, merong mangga, avocado, pandan at saka Chocolate. Simula noon ay ito na ang ikinabubuhay ko. Ito ang negosyo na iniwan sakin ni Mama, s'ya ang nag umpisa at pinalad naman kaya hanggang ngayon ay ito parin ang pinagkukuhanan ko ng pangangailangan sa araw araw.

Masakit man isipin na inabandona ako ng aking sariling ina, sabi n'ya ay maghahanap lang s'ya ng trabaho pero hindi na s'ya bumalik. Since I was 9 years old ay mag isa na akong nabubuhay. Meron akong kapatid pero nasa bahay ampunan s'ya. Sanggol pa lamang s'ya ng Iniwan s'ya doon ni Mama kaya hindi ko na s'ya nakilala. Hindi ko din nakilala ang aking Papa, My mother didn't told me about my Father. I hate her, hinihiling ko nalang din minsan na sana mawala nalang ko. Kung hindi lang kasalanan ang pagpapakamat*y ay matagal ko ng ginawa.

Yes, I am alone and my life was definitely  lonely. Sa araw araw ay nagpapanggap ako na masaya para mas maraming tao ang bumili ng aking paninda. Bago ako mag umpisa ay dumadaan muna ako sa Chapel para humingi ng panibagong lakas mula sa Panginoon. Hindi ko alam kong bakit pero parang may kulang, parang malayo parin sakin ang D'yos kahit na halos araw araw ay kinakausap ko s'ya at umiiyak ako sa kan'ya. Naiiyak nalang ako dahil hindi ko alam ang gagawin minsan. Katoliko ang kinagisnan kong relihiyon. Nasa pangangalaga ng mga madre ang kapatid ko pero hindi ko alam kong saan hanapin. Hindi ko alam kong saan na bahay ampunan iniwan ni Mama ang kapatid ko.

I am Ayumi Claire Garcia. 19 years old, sadly pero hanggang High School lang ang natapos ko. Sa ngayon ay nag iipon parin ako para makapag aral na ako ng College. Pangarap ko na maging Nurse kaya kailangan ko talaga ng malaking halaga ng pera dahil ang paaralan na may Nursing na course ay private. Nag aaral din ako ng ako lang para makapasa ako kapag kumuha na ako ng Scholarship.

Nakangiti ako habang papalapit sa isang sikat na Restaurant. Sunrise Restaurant, minsan pinangarap ko din na makakain dito pero mas pinili ko nalang na iponin ang perang kinikita ko. Matagal tagal narin since last akong pumunta rito. I think 5 years na siguro na wala rito ang Ginoong bumibili ng lahat ng Ice Candy ko. Simula noong hindi ko na s'ya nakitang muli ay hindi narin ako bumalik dito dahil alam ko na wala narin namang bibili. Medyo may kalayuan din kasi.

Meron kakaiba sa Ginoo na iyon, he was also weird.  Napapikit ako at sa aking pagpikit ay muling pumasok sa isipan ko ang sinabi n'ya sakin at iyon din ang unang beses na nakipagtitigan s'ya ng matagal sakin. May kakaiba sa bawat tingin n'ya.

"Ayumi Claire Garcia, Hanapin mo ang tunay na Relihiyon. Iyo bang nasisiguro na ang relihiyon na kinabibilangan mo ay tunay at may kaligtasan?"

Loving The Sunحيث تعيش القصص. اكتشف الآن