Chaper 12

0 0 0
                                    

Title: Loving The Sun
[Chapter 12]


Isang taon narin ang nakalipas simula ng umalis si Theo Sevi. Wala kaming komunikasyon, nasasabik narin akong makita at makasama Siya. Pahirap ng pahirap narin ang pagsubok na naranasan ko sa aking pag aaral at sa aming sambahayan. Mag hihintay pa ako ng Apat na taon, sa tulong at pag gabay ng Ama ay tiyak na makakaya ko ang lahat.

"Abby bakit mo kasi yun sinabi Kay Theo Sevi?" Seryosong Tanong ko. Paulit ulit ko siyang tinatanong pero hindi Niya ako mabigyan ng maayos na sagot. Ngayon umaasa ako na sasabihin niya sa akin ang dahilan. Nakahiga lang si Abby sa kaniyang Kama, nanghihina narin Siya at sobrang putla ng kaniyang labi. May tinatago Siya sa amin, nararamdaman ko.

Isang Linggo narin ang sakit Niya, hindi nawawala ang kaniyang lagnat, madalas rin siyang magsuka at nagkakaroon ng nosebleed. Ang sabi Niya ay stress lang siya sa pag aaral, Tunay naman talagang mahirap ang kursong Doktor. Hindi alam ni Papa at Mommy ang kalagayan Niya.

"Sa tingin mo ba Ayumi magugustuhan ako ni Theo Sevi? Magkakagusto ba Siya sa babaeng sakitin? Ayumi Isa siyang manggagawa ng Iglesia, hindi kami bagay, hindi ko Siya maaalagaan dahil sa sakit ko." Naiiyak na sabi sa akin ni Abby.  Sakit?

"Ano bang pinagsasabi mo Abby?" Naguguluhan kong tanong.

"A-Ayumi, kahit h-hindi ako magpatingin sa Doktor ay alam ko ang sakit ko. Ang malas ko lang, may Asthma na nga may L-----" natigil siya at napahawak sa kaniyang dibdib. Kinabahan ako bigla ng makita kong nahihirapan siyang huminga. She's really sick!

Nagmadali akong tumakbo palabas sa kwarto hanggang sa nakababa ako papuntang dining. Hindi pa sapat ang pinag aralan ko para gamutin si Abby, malala na ang kaniyang sakit.

"P-pa! Si Abby!" Sigaw ko agad.

"What's happen to her?" He asked.

"I don't know Pa, pero kailangan na natin siyang dalhin sa hospital." Agad kong sabi.

"What? Almost one week rin Siyang nagkukulong sa kaniyang kwarto? Ayaw Niya na papasukin kami ng Mom mo kasi she was busy sa pag aaral. Ano bang nangyayari sa kapatid mo Ayumi?" Nag aalalang  tanong ni Papa.

"She's s-sick." Naluluha kong Tugon. Naging abala rin ako sa pag aaral kaya hindi ko nakakamusta palagi ang lagay ni Abby.

"What?!"

Nagmadali si Papa na puntahan si Abby, nagtungo naman ako sa garahe para kunin ang kotse, sa isang taon na lumipas ay natuto na akong magmaneho. Nasa trabaho si Mommy, nasa paaralan naman si Daniel kaya si Papa lang ang kasama namin.

"Ayumi tulungan mo akong pahigain si Abby. Ako na ang magmaneho, bantayan mo nalang Siya." Sabi ni Papa.

"Opo, Pa."

Nakapikit ang mga mata ni Abby, basa narin Siya ng malagkit na pawis. No! Wala naman sigurong---- no way! Walang ganoong sakit si Abby. Sakitin lang talaga siya simula ng makilala ko siya bilang kaibigan pero hindi mapanganib ang sakit niya!

Aking Ama pakiusap huwag mong pabayaan si Abby. Ako ang dapat na magdusa hindi si Abby!  Please

Kinabukasan, Andito parin kami sa Hospital. Tulala lang ako sa kama na hinihigaan ni Abby. Nasa tabi Niya si Papa, hawak ni Papa ang kamay ni Abby. Andito narin ni Mommy at Daniel, umiiyak lamang ni Mommy habang pinapatahan siya ni Daniel. 

Loving The SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon