Chapter 3

2 1 0
                                    

Title: Loving The Sun

[Chapter 3]

Tanging ang malamig na hangin ang yumayakap sakin. Madilim na ang gabi, sa gabing ito ay wala akong nakikitang bituin sa kalangitan, maging ang Buwan. Napakadilim ng paligid at tanging ang liwanag lamang na mula sa aking ilawan ang nagsisilbing liwanag.

Mahirap ang mabuhay lalo na't ako lamang mag isa. Napapalibutan rin ako ng mga taong mapanghusga. Kung iisipin ko ang mga problema ay nawawalan ako ng gana.

Pinikit ko ang aking mga mata habang kumakanta. Ito ang tanging paraan ko para mapagtagumpayan ang malungkot kong mga gabi. Sa pamamagitan ng pagkanta at pagkalabit ng Gitara habang inaalala ang mga pininta ng idolo kong pintor ay mapayapa akong nakakatulog at nakakagising ako na may panibagong pag asa.

Hawak ko ngayon ang Painting na ipininta n'ya. Sabay ng pagbalik saking alaala ang pangyayari kanina.

/Flashback/

"B-Bakit ako?" I asked

Ngumiti s'ya sakin. Sa bawat ngiti n'ya ay natutunaw ang aking damdamin. I really admired him!

"Kagaya ng mga bulaklak sa Hardin, sila'y hindi lalago kapag hindi inaalagaan at dinidiligan. Maging ako ay manghihina kapag nararamdaman ko na walang may gusto sa mga Paintings ko." Tumigil s'ya saglit at nag iwas tingin. Nauunawaan ko ang sinabi n'ya pero naguguluhan ako sa sumunod na sinabi n'ya.

"Nakikita ko sayong mga mata ang paghanga. Nakikita ko kung gaano ka kasabik sa mga bago kong ipininta. Dahil sayong paghanga ay ginaganahan ako. Kaya bilang isang pintor ay ipininta ko ang isang binibining binibigyan ng ngiti ng mga obra ko" patuloy n'ya. Akala ko ay walang nakakapansin sakin. Hindi ko alam ang gagawin sa pagkakataon na ito. Naluluha ako dahil sa sinabi ng Ginoong nasa harapan ko. I can't stand in front of him like this.

/End of flashback/

Medyo nakakahiyang isipin na mabilis akong tumakbo kanina matapos kong magpasalamat. Naging emosyonal ako at ayaw kong makita n'ya ang mga luha ko. Sa ginawa n'ya at sinabi kanina ay mas lalo akong naaakit sa kaliwanagan n'ya.

Loving him, habang tumatagal ay mas lalo kong minamahal ang liwanag n'yang dala. Nakukuntento na ako sa inspirasyon na ibinibigay n'ya sa buhay ko. Pero no'ong  nakilala ko na ang nasa likod ng inspirasyon at pag asa ko ay hindi ko maiwasan na hindi s'ya pangarapin.

Sa pagkakataon na ito ay nakapag desisyon na ako. Kung sundan ko ang liwanag, ihahatid ako ni Theo Sevi Del Valle sa relihiyong kinabibilangan n'ya. Sa loob ng Iglesia Ni Cristo, hahanapin ko ang Tunay na bayan ng Panginoong D'yos at batid ko na sa Iglesia Ni Cristo ko mahahanap ang AMA.

KINABUKASAN, maaga akong nagising. Maghahanda pa'ko ng aking mga paninda, kapag naubos na ang lahat ng paninda ko ay doon na ako sa Simbahan ng Iglesia Ni Cristo didiretso.

Lumabas ako ng may matamis na ngiti sa labi. Masigla akong sumisigaw at ngumiti sa mga tao para maganahan silang bumili ng paninda ko. Marami naman ang bumibili at marami din ang tumatanggi. Sa ngayon ay napatigil ako sa Sunrise Restaurant, sandali akong sumilip sakaling makita ko rito ang Ginoong dahilan ng aking inspirasyon at pag asa.

"Good Morning Miss" narinig kong bati mula sa aking likuran. Dahan dahan akong lumingon, agad kong nakita ang mataas na lalaki, he's handsome. Sa kaniyang suot ay nababatid ko na isa s'yang Engineer, nakangiti s'ya sa akin. Bakit kamukha n'ya ang Ginoong iyon?

Loving The SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon