064

12 2 2
                                    

Liline's Point of View

9:40 pm

Hindi pa rin ako makatulog. Hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari ngayong araw. Yung tungkol sa heart failure ni Jordan, yung pag-amin ko ng feelings sa kanya, yung sa amin ni Noa.

Naguguluhan na ako.

Kinukuwestiyon ko rin ang sarili. I think I'm like... I'm being unloyal, kay Noa. Kasi hindi ko man lang mai-open up ang tungkol dito. He didn't even know na lumabas kami ni Jordan. Yung sa sine.

Ewan ko ba.

Messenger. Corny's calling...

Pagtingin ko sa phone ay bumungad sa 'kin ang pagtawag ni Noa. Hindi ko alam kung sasagot ba ako o hindi. Pero, sabi ni mama, kailangan naming mag-usap. So, I answered the call.

"Lili?" Salubong sa 'kin ng nobyo ko. "Did I disturbed you?"

"A, hindi naman," tanggi ko. "Kumusta ang conference?"

"It's good. Kaso, kailangan ko pang bumalik bukas. Three days kasi 'yon," sabi niya. "Nasa labas ako ng bahay n'yo."

"H-ha?" Bumangon ako agad at napasilip sa balkonahe. Nasa labas nga si Noa. Kaya, pinuntahan ko siya agad.

"Hey," he ended the call as soon as he saw me. Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap, at halik sa noo, "you okay?" His warm hand cupped my face, "namumugto mga mata mo.."

"Noa..." ipinahinga ko ang ulo sa kanyang didbib, "Bakit hindi mo sinabi sa 'kin yung tungkol kay Jordan?" Dito, hindi ko siya narinig na nagsalita. "Noa.."

Nagsisimula na naman akong maluha.

"I'm so sorry, Lili..." marahan niyang hinalik-halikan ang noo ko.

"Hindi mo sinabi sa 'kin. Masyado akong nabigla," yumakap ako pabalik. "Bakit hindi mo sinabi?"

"Sorry, Lili. Kuya told me, not to tell you,"

"Hindi ko alam ang tungkol do'n..." pag-iyak ko.

Ilang segundo rin kaming natahimik. Hindi siya bumibitaw sa 'kin.

"Lili..." he called me, kissed my forehead once more, "My Lili.. I really love you. I do. But, I think it's time for us to... unlabel us muna?"

"What?" Nag-angat ako ng tingin.

Pinunasan niya ang luhang nasa mga pisngi ko, "Mag-break muna tayo."

Naiyak ako lalo, "Noa naman..."

He smiled, "I know you like me, too. But I can't just see you like that, na nahihirapan kang i-figure out ang nararamdaman mo sa 'kin, at kay kuya."

"A-a... Noa," hindi ako agad nakapag-react.

He kissed my cheek, "I know you liked kuya Jordan."

"H-ha..." dito nag-iwas ako ng tingin. Pero hinuli niya ang tingin ko, making me looked at him again.

Hinalikan niya ulit ang pisngi ko, "The night I brought you home, when you saw kuya... do'n ko napagtanto. Sinabi rin ni kuya sa 'kin na, lumabas siya kasama ka, before naging tayo. Umamin din si kuya sa 'kin na gusto ka niya. Gustong-gusto ka rin niya, Lili."

Hindi ko alam kung ano ang ire-react talaga. Hindi ko rin expect na maririnig ko mismo kay Noa na umamin si Jordan. I thought he wasn't serious.

"Pero, Noa... pa'no tayo?" Tanong ko.

There, I saw tears from his eyes, "I can't just let kuya leave without feeling happiness, Lili. And I think, ikaw lang ang makakapagbigay no'n sa kanya."

"What do you mean?" Ako naman ang nag-angat ng kamay para punasan ang luhang nasa pisngi ni Noa. Natawa ako habang umiiyak nang halikan niya ang likod ng kamay ko. "Noa..."

Ngumiti siya, "Aaminin ko. Kuya's been a stubborn kid since we were young. We're so opposite that the family even compare us two. He's been neglected and grew up in shadows."

I just listened.

"Nalaman namin na, his heart's weak and immediately look for donors. Kaso, si kuya yung may ayaw. It made mom and dad so devastated, maging ako." Yumuko siya, "He wanted to spend his remaining time unchanged."

"So that's why... ayaw niyang maghanap ng donors?" I asked. He nods.

"I know we would all be heartbroken, dahil sa naisip kong 'to, Lili. But I want to make him happy, kahit ngayon lang." He cried, "I know kuya's been feeling alone his whole life, yet he never saw me as threat. Hindi siya nainggit, he did his best to be a better brother. Now, it's the least I can do."

"Pero ikaw... I like you, too. I love you. I don't want you being hurt, Noa." pag-aalala ko.

Marahan niyang hinaplos ang magkabila kong pisngi, at dahan-dahang dinampi ang mga labi niya sa labi ko, "I may be, kahit hindi ko sabihin sayo. But I know you've been hurt, too."

"Noa naman, e..."

"This is also for us, Lili. Para sa feelings mo kay kuya, para sa nararamdaman niya for you, at para sa 'kin." He kissed my forhead, again, "Mahalin mo si kuya. Be the happiest Liline with him. Don't worry about me, Lili. I'll be alright. Handa akong maghintay, hanggang sa maging handa ka na ulit, hanggang sa ako na ulit ang mamahalin mo."

EnchantedWhere stories live. Discover now