062

10 2 8
                                    

Liline's Point of View

4:00 pm

Walang imikang naganap sa 'min. Nagmamaneho lang si Jordan. At, wala naman akong balak makipag-usap sa kanya.

"You seem uncomfy," rinig ko. "You sure you're okay to bw with me?"saka ko napansin ang paglingon niya. Tumango lang ako. "Okay. Umm,"

Hmm?

"You can play music, or... you sleep. Medyo malayo pupuntahan natin," pagpapaalam niya. Instead, tumagilid ako at sumandal sa upuan. Facing the car window, I slowly closed my eyes and forced myself to be asleep.

Narinig ko ang isang mabigat na buntong-hininga.



4:27 pm

"Araminta?" Nagising na lang ako dahil may kumakalabit sa braso ko. Paglingon, nagtagpo agad ang mga mata namin ni Jordan. Ang... lapit ng mukha niya sa 'kin! "Nandito na tayo."

Mula sa mga mata, bumaba ang paningin ko sa labi nito. Ganoon pa rin. Still pale, hindi gaya ng kay Noa na pinkish red. Hindi ko alam kung bakit maputla ang mga 'to pero wala akong balak magtanong.

Saka ako, nakarinig ng mahinang pagtawa, "Hindi na 'yan pwede sayo. May boyfriend ka na, 'di ba?"

Bahagya ko itong tinulak at nag-iwas ng tingin, "S-sinong may sabing gusto ko ng halik mo?"

Lumakas ang halakhak nito, "Wala akong sinabing halik ang tinutukoy ko. Pero, gusto mo ba?"

"H-hindi!" Inis ko siyang tinulak ulit at naunang lumabas ng kotse.

Sa'n ba kasi ako dinala ng lalaking 'to—ospital?

"We're here." Sabi niya lang. At, naunang maglakad paalis.

Sa ospital ang lakad niya. Bakit kami nandito? May na-admit ba na kapamilya nila na kailangan niyang dalawin? O alagaan? Hindi ako nakapagtanong kay Noa kasi kung anong lakad 'yon, e. Nakakapagtaka naman.


5:13 pm

"Kapag tinawag na ang pangalan ko, just stay here. Mabilis lang din tayo rito," sabi niya. Nagtataka ako kung bakit kami nandito. Sumama ako nang walang alam kaya umiling ako. "Why?"

"Sasama ako ro'n sa loob." Walang pag-aalinlangan kong sabi. "Gusto kong malaman kung ba't tayo nandito. Kaya hindi lang ikaw ang papasok do'n kapag tinawag ka na."

"Araminta—"

Pinigilan ko siya, "Shh."

He then chuckled, and nodded, "Okay."

Lalo tuloy akong na-curious.


5:25 pm

Tinawag ang pangalan ni Jordan. Kaya tumayo kaming pareho. Kasabay ng pagtataka ay namumuong kaba, at kyuryosidad sa rason kung bakit narito kami.

"Mr. Devi, and..." salubong ng isang lalaking doktor, saka ako tiningnan nito, "Who's she?"

"A special someone," w-what?

EnchantedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ