040

10 1 5
                                    

Liline's Point of View



2:26 pm

Medyo nakakapagtaka talaga si Noa ngayon, a.

Nailing na lang ako at sumakay na sa kotse. Pero, agad na nanigas ang buong katawan nang ibang boses ang narinig ko. Putek, hindi si Noa 'to!

"Huli ka." Unti-unti akong napalingon, at nanlaki ang mga mata nang makita ang katabi ko. Damn, it's no other than... his brother Jordan! "Surprise."

"Waaaaaah!" Sigaw ko, malakas kong sigaw. Hindi ko na halos maisip kung anong susunod na gagawin. Sana'y lalabas na ng kotse nang makaramdam ng hawak sa pulsuhan ko!

"Don't you just leave me, you chick." Anito, na nakapagpatigil sa 'kin. Shems namang deep voice 'yan!

"B-ba't ikaw yung nandito? Nasa'n si Noa?" Sigaw kong tanong. Puno ng kaba, natataranta. Ngumisi lang ito, na ikinainis ko, "Sagot ka nga, kuya!"

Nawala ang ngisi niya, pero napalitan ng bahagyang kurba sa labi, "I chatted you. Ginamit ko lang ang account ng kapatid ko."

"W-what?"

Nilabas nito ang dalawang movie ticket, "Watch that movie with me."

Agad akong umiling bilang pagtanggi. I gave these back, "No, thank you po kuya. Hindi ako sasama sayo. Enjoy ka na lang manood n'yan—"

"Please?" Tila ba... bigla na lang tumigil lahat nang marinig ko ang pagple-please niya. Like, agad akong nakapagtanong sa sarili kung ito pa ba yung Jordan na naka-chat ko. Parang biglang nagbago ang pakikitungo, e.

Hindi tuloy ako... makasagot agad.

"Please?" Marahan niyang binitiwan ang palapulsuhan ko, at kumuha ng jacket sa backseat, saka itinakip sa may hita ko, "Cover it. Nang-aatake pa naman ako ng mas bata sa 'kin."

Ngayon, mas lalong hindi ko na naintindihan ang nararamdaman ko.




3:38 pm

Tahimik ako buong biyahe. Hindi ko magawang makipag-usap. Ewan ko. Feeling ko kasi, napakatapang ko sa chat pero ngayong personal na, nawala lahat iyon.

Siya rin naman, hindi nag-open topic. Naa-akward tuloy ako.

Huminto ang kotse sa parking lot, at pareho kaming bumaba ng tahimik sa sasakyan. Lalakad na sana, nang lapitan niya ako ay maglahad ng palad.

Tumingala ako ng bahagya. Mas matangkad kasi siya sa 'kin. Hanggang dibdib lang niya ako. "H-ha?" I reacted. He... just held my hand and intertwined our fingers. Wala siyang sinabi pagkatapos.

Pumasok kami sa mall at nagtunong sinehan. Walang usapang naganap, pero ramdam ko ang pahigpit na pahigpit niyang hawak sa 'king kamay.

Hindi ko alam kung bakit pero... ramdam ko rin inside, yung puso ko, mabilis na mabilis na ang pagtibok.

Siya ang nagbigay nung tix sa counter. Siya ang bumili ng snacks. As in siya lahat. Ako, tingin lang ng tingin sa kanya at kada galaw nito, kada pikit ng mata, kada tingin ay naalala ko yung unang beses naming pagkikita.

Aaminin ko, talagang nakuha niya ang atensyon ko no'ng gabing 'yon. His charm was just so different that it easily made my heart beat do a race with itself for him.






4:20 pm

Nandito na kami sa loob ng sinehan. He just finished placing snacks and drinks to not spill, and then twined our fingers again.

EnchantedWhere stories live. Discover now