023

15 1 0
                                    

Facebook

Liline Sarmiento
2 mins                  Only Me

Dinner Date!


Comments

Liline Sarmiento
Literal na dinner date nga! Kasi, dito pala sa bahay nila yung dinner. Nandito yung mga magulang niya! Putakte, kakahiyaaaaaaaaaaaaaa! 😭

Liline Sarmiento
Mga ante... anlaki ng bahay nila. Maganda.

Liline Sarmiento
Putek... Pinakilala niya akong soon to be mine, gagi!

Liline Sarmiento
Shems, ang pretty ng mama niya 😭

Liline Sarmiento
May lahi sila, kasi foreigner ang papa niya. Kaya rin pala pang-foreigner ang apelyido niya, Devi.

Liline Sarmiento
Ambait ng parents niya, todo assist sa 'kin, gagsti 😭

Liline Sarmiento
Saka, ang cute din ng mga pinag-usapan namin while having dinner. Kung gaano kakulit si Noa nung bata pa, at iyong tungkol sa quiz.

Liline Sarmiento
Okay naman... masaya sobra...

Liline Sarmiento
Teka, may dumating.

Liline Sarmiento
Nagtanong ako kay Noa kung sino itong dumating.

Liline Sarmiento

Ano siya... umm, lalaki na matangos ang ilong. Nakaka-jaw drop ang kanyang jaw. Yung kamay, veiny, at mala-fictional character ang datingan! Matangkad, may pagka-maputla nga lang ang lips pero jaw-dropping talaga siya.

Liline Sarmiento
Ang gwapooooooooooooooooooo!

Liline Sarmiento
Tiningan ako ng dad ni Noa. Medyo nagtaka ako kasi kanina, smiling siya. Ngayon, lalong tumingkad ang ngiti ni Mr. Devi. Ang mom naman niya, marahang tinapik ang kamay ko sabay sabi, "that's Noa's older brother. His name's Jordan."

Liline Sarmiento
Ooooh, kuya niya daw.

Liline Sarmiento
Pakshet wait. Hindi ko maalis ang tingin sa Jordan. Putek. Ang gwapo kasi.

Liline Sarmiento
Grabe. Gwapo talaga.

Liline Sarmiento
Tangek, tinitigan ako nung kuya niya! Teka! Tingin ko nawala ako saglit sa huwisyo at may kung anong keme na lang ang napagpawala ng focus ko. Para akong nalutang saglit. Feel ko bumilis na lang heart beat ko 😭 wait wait wait!

Liline Sarmiento
Play Enchanted by Inang Taylor.

Liline Sarmiento
Napa- 'I was enchanted to meet you' si ante. Kasi naman, gwapo talaga! 😭

EnchantedWhere stories live. Discover now