055

7 2 0
                                    

Liline's Point of View

2:03 pm

"Hi, Lili," isang ngiti ang sinalubong sa 'kin ni Noa.

Bumaba ang tingin ko sa mga kamay niya at bahagyang naisalubong ang kilay, "Andami mo namang dala. Ano'ng mga 'yan?"

"A, these?" Iniangat niya ang mga eco bags, "kasi, nagtanong ako sa mga kaibigan mo, kina Aries at Via. If what are your faves. So ito, binili ko."

"Hala siya," I pouted.

"So cute," aniya habang titig na titig siya sa 'kin. Ang gwapo niya. Kumalma ang mga kilay ko't hindi na lang napigilang ngumiti pabalik.



3:15 pm

Nasa kusina kami. Tinutulungan ko siyang ihanda at lutuin ang mga pinamili niya. Si Noa, niluluto niya yung fries. Ako naman, hinahanda yung pizza. . . nang marinig na lang naming magsalita si mama.

"Nasa trabaho pa papa niya. Dito ka na maghapunan para ma-meet mo siya," ani mama, at sumandal sa may pintuan. 

"Okay po, auntie," sagot niya habang hinahango ang kakaluto lang na fries.

"Nga pala hijo, kailan mo ba balak pakasalan ang anak ko?" Pagtatanong niya na lang.

"Ma!" Saway ko, "Naman e,"

Natawa si mama, "Bakit? Do'n din naman kayo papunta. So, kailan nga, hijo?"

Si Noa naman, ngumiti nang ibaling ko ang tingin sa kanya, "Kapag handa na po siya."

Sandali akong napatigil sa ginagawa ko at tiningnan lang si Noa. Nakaramdam na naman ng bahagyang pagkalito, at hindi ko na naman ma-gets kung bakit ganito na lang ang nafe-feel ko.

"Pasaway 'yan. Makulit, pero mabait," napatingin ako kay mama, "saka, hindi ka n'yan pababayaan."

"I know po, auntie." Si Noa.

Napasimangot ako, "Mama naman.."

Tumawa lang si mama.

4:29 pm

Pagkatapos naming hatiran ng pagkain sa sala si mama, dumiretso kami sa kwarto at ako na ang nag-set up ng DIY projector. Manonood kami ng palabas.

"Your room looks cute," rinig ko sa kanya. Nilibot nito ng tingin ang kwarto ko, "mahilig ka pala sa lights."

"Mm," sagot ko at tumango.

Nagtanggal ito ng sapatos, at umupo sa nilatag kong blanket. Tumabi ako sa kanya nang matapos. Nagsimula na rin kaming kumain habang nagpa-play ang palabas.

"Your mom is nice," ani Noa.

"Oo, medyo mapagbiro rin. Pasensya na sa sinabi niya kanina, a," paghingi ko ng dispensa.

"It's fine," napalingon na lang ako nang... isinandal nito ang ulo sa... sa balikat ko.

Parang pumitik na lang ng malakas ang puso ko sa ginawa niya. Bumilis na naman ang tibok. Naalala ko 'yong nangyari sa... sa sinehan.

"Lili?" Tawag niya sa 'kin. He... gently intertwined our fingers, na nakapagpalala sa nararamdaman. His brother, did these to me, too.

"M-mm?" Iyon na nga lang ang tugon ko, nautal pa 'ko.

"I'll love you, no matter what." Sabi niya.

"Noa..."

Mula sa pagsandal ay umupo ito ng maayos. Cupping my cheeks, marahan niyang pinagdikit ang mga noo namin, saka ngumiti, "I'll be here, for you. Always."

"B-ba't mo ba sinasabi 'yan?" Pagtataka ko. Hindi ko makuha kung anong gusto niyang sabihin.

Mahina itong natawa, "Just being corny," he pressed his lips on my forehead, "I'm just saying 'I love you' Lili."

Gano'n niya talaga 'ko kagusto.

Nakaramdam ako ng pangongonsensya. Hindi pa niya alam yung paglabas ko kasama ng kuya niya. Kaya, nagi-guilty ako. Pero hindi ko rin kayang sabihin kasi baka masaktan siya, lalo na't boyfriend ko na siya ngayon.

Hindi pa ako nakakapagsalita, ay idinampi na nito ang labi niya... sa labi ko.

Noa...

EnchantedWhere stories live. Discover now