49. Preempt

54.1K 2.1K 151
                                    

Thank you for reading this story. The story is also available on www.dreame.com. You may download the Dreame App for more awesome stories.

The Keepers is also published by Psicom and the book is already out on all leading bookstores (National Book Store, Book Sale, Expressions, and Pandayan) nationwide. You may also order your copy via Shopee and Lazada.

***

Chapter 49- Preempt

ALVIS

The last thing I can remember was my battle with Laurent's kerberus. The monster with the wolf head bit my left shoulder. Hindi ko alam na nakakalason pala 'yon. Nanghina ako at nawalan ng malay. I thought I'm dead.

But I was not.

I opened my eyes and I was expecting Lara before me. Nabigo ako. Gaya ng takot sa aking dibdib, wala ito sa tabi ko. I failed. I failed to protect her... again.

"He's awake. He's awake!" I felt the excitement on that tone above my head. Hindi ko agad napagsino ang nagmamay-ari ng boses na 'yon.

Sumunod na bumungad sa harap ko ang mukha ni Amber kasunod ni Silex at ni Mistress Fhaun. Lahat, bakas sa mukha ang sobrang galak na ako'y gising na. Napansin ko rin ang pagtayo ng prinsipe mula sa di kalayuan para dumungaw at marahil ay alamin ang kalagayan ko. Tumango ito bilang pagbati saakin saka bumalik sa kinauupuang bangko. Anong ginagawa ng prinsipe dito? Nasaan ako?

"Mister Runes, I'm glad you're okay. Mabuti na lang at nakita ni Jolly ang mangyayari sayo kaya agad ka naming hinanap. Mabilis na kumalat ang lason ng kerberus sa katawan mo. Laking pasasalamat ko at naagapan." Ngumiti si Mistress Fhaun at nagpatuloy. "Magtitimpla lang ako ng inumin para bumilis ang paggaling mo. Mataas ang hinulugan mo kaya siguro hindi gaanong mabilis ang paggaling ng mga bali mo."

Yun lang at tumalikod na si Mistress Fhaun na marahil at tutungo sa kusina para sa sinabi nitong titimplahing inumin.

Naalala ko ngang pagkatapos kong kalabanin ang kerberus ay naubusan ako ng lakas at nanghina dahil sa lason. Nawalan ng kontrol at namanhid ang katawan ko. Pagkatapos no'n ay wala na akong maalala.

"Alvis, w-what happened?" May halong pag-aalalang tanong ni Amber saakin.

Bumawi ako ng tingin. I felt a sudden guilt knowing that they were expecting Lara to be safe. Magsasalita na sana ako nang biglang tumalon ng nakatayo ang isang kulay ubeng pusa sa harapan ko. Mistulan itong isang maliit na batang nakatayo sa dibdib ko at malalim ang pagkakatitig sa mga mata ko. Nagulat ako at halos lumundag sa kinahihigaan nang magsalita ito.

"Ohhh...my...gosh!" Maarteng pagkakasabi ng pusa sa matinis na boses. Pamilyar ang kaartehan nito na parang may pinagmanahan.

Narinig kong tumawa mula sa likuran nito si Amber pero agad din iyong natapos nang ipakilala nito ang kulay ubeng nilalang na 'yon ma may makahulugang titig. "Alvis, siya yung kinukwento kong si Jolly, my Wiccan familiar."

Naalala ko ngang bilang isang witch at may familiar si Amber. Isang Wiccan cat na pinagkakaloob sa mga witch keepers sa oras na mahanap ng mga ito ang kanilang witch identity.

Doon ko napagtantong totoo pala ang mga kwento ni Amber noon tungkol sa nagsasalita niyang pusa na bihira sa mga familiar. Tinaas ko ang kaliwa kong kamay para haplusin ang noo ng pusa pero pinigilan ako ng mga maliliit nitong paa.

"Don't you treat me like a pet. I am not a pet cat!" Maarte paring sabi nito sabay titig uli sa mga mata ko. I even saw its pupil dilating. "Hmmm... gwapo ka, mabait, matapang, may paninindigan kaso torpe at nasa loob ang kulo. You have the tenth gift of Gemini at magiging isa kang magiting ma heneral ng hukbo."

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon