Nagulat ako sa huling sinabi nito. Heneral ng Cairos? Pinagarap ko 'yon noong bata pa ako pero nang maglaon ay nagbago ang mga pangarap ko simula noong nakaraang annual abduction.

Kumunot ang noo ko. Dahilan para mainis ang pusang si Jolly na agad nakapameywang dahil sa pag-aalinlangan sa aking mukha. "You don't believe me, do you? 99.9% ng predictions ko ay nagkakatotoo. Magiging isa kang magiting na bayani ng Cairos." Pahayag pa nito.

"Eh diba pag bayani maagang namamatay?" Pabirong tanong no Silex sabay tapik sa balikat ko. Halatang inaasar nito ang pusa.

"Huwag kang bitter saakin ungas ka! Hindi mo na mababago ang nakaukit sa hinaharap, lalo na sa lovelife mo!" Singhal nito kay Silex. Halatang manang-mana ito sa amo na si Amber.

"Jolly! Stop reading people's lives! Hindi 'yan maganda." Amber reminded her cat.

"Sus, 'yang kaartehan mo Amber ang magpapahamak sa'yo. Sige na, mag-uusap pa kami ng poging anghel na 'to" Maarteng parang kinikilig na sabi nito sabay talikod kina Amber at Silex. Naglakad pa ito sa dibdib ko saka umupo sa may ulunan ko malapit sa aking tainga.

"Jolly, don't tell him his future wife or his future heartbreaks okay? Ayokong nakikialam ka sa lovelife ng iba!" Amber warned Jolly as she turned her back as well.

"Eh kung sabihin ko sa'yo kung sinong makakatuluyan mo? Baka humagulgol ka at lumuwa mata mo sa kakaiyak." Banat ni Jolly sabay lingon sa nakayukong si Kaiser.

Muli itong bumaling saakin. Naramdaman kong mukhang may mahalagang sasabihin ang pusang nakakabasa ng future.

"Now poging anghel na bumagsak sa lupa, what happened to Laurent?" Bulong nito sa tainga ko. Daig pa nito si Mistress Fhaun kung mang-usisa. "I can't see Lara in you. She's a total keeper. Kaya let's look into Laurent's. Habang maaga pa Alvis, bago mahuli ang lahat."

"Laurent's dark side awakened. Hindi ko alam kung tinangay niya si Lara o nakatakas ang huli." I confessed.

"Dinakip niya si Lara at nasa Typraz tower na sila ngayon. Nakikita ko si Laurent na may dalang isang anino na marahil ay si Lara. Hinihintay nila ang blood moon sa susunod na linggo para isagawa ang ritwal. Isasakatuparan na nila ang black prophecy. Magiging madugo ang blood moon. Maraming mamamatay at magbubuwis ng buhay. Hindi ko maaninag si Lara dahil isa siyang total keeper. Hindi ko alam kung mamamatay siya o mabubuhay. Hindi ko makita kung magaganap ang itim na propesiya dahil nasa kambal na Hearthopia ang kasagutan at hindi ko sila makita sa hinaharap. K-kailangang mabawi natin si Lara bago ang blood moon." Mabilis at sunod-sunod na sabi ni Jolly. Nang lingunin ko ito'y puti na ang kanyang mga mata na parang sinasapian.

"Kailangan ko siyang iligtas!" Tinangka kong bumangon pero nanakit ang kaliwa kong binti.

"Mister Runes, masyado pang maaga para bumangon ka. Narinig ko ang sinabi ng familiar ni Amber. Nagpadala na ako ng mensahe kay Master Uran at ang council." Mistress Fhaun entered my head. Marahil ay nasa kusina pa ito at matiim na nakikinig saamin ni Jolly.

Wala akong nagawa kundi magpigil at humiga na lang. Ilang minuto pa'y bumalik na sa kakulitan ang familiar o Wiccan cat na si Jolly. Hinarap ako nitong muli at umupong parang bata sa tiyan ko. "You will be a great general though."

Ngumiti ako. Alam kong masayang malaman na magiging heneral ako sa hinaharap pero mas inaalala ko ang kalagayan ni Lara. Aanhin ko ang magandang kapalaran sa hinaharap kung hindi ko magawang ipaglaban ang ngayon? "May posibilidad ba na mabago ang mga nababasa mo?"

The cat got serious. Kunwari'y napaisip pa ito ng isasagot at makatingala sa kisame. "The best way to predict the future is by creating it today. What do you think?" Pahayag nito saka nagpa-cute na parang isang bata.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon