Kabanata 29 (Azriel)

3 2 0
                                    


Abbadon locked her in a sealed room. Kaya kahit anong gawin niya ay hindi siya makakaalis doon.

Pumasok ang lalake at may dala itong pagkain. He is very different this time. Wala na ang malahalimaw na mukha nito. He turned into a normal person. And he is a good looking guy. Hindi niya akalain na sa kabila ng kasakiman nito ay nagtatago ang isang mala-anghel na itsura nito.

"Eat."

"Hindi mo ako mapipilit kumain."

"Huwag kang mag-alala walang lason 'yan."

"Why would I believe you?"

"Dahil hindi kita papatayin hanggang hindi nagpapakita sa akin si Rayden."

"I told you he will not come."

"Bakit naman?"

"Rayden is getting married in my world. And I'm the least of his concern. Sa tingin mo mag-aabala pa siyang puntahan ako? Kaya kung papatayin mo lang din ako bakit hindi mo na lang ako paslangin ngayon."

"I said I will not kill you."

Lumabas ito ng kanyang silid. Since gutom siya ay wala siyang choice kundi kumain.

"He even served me a good food tsk..atleast he is giving me one before he kills me" aniya sa sarili.

Mayamaya pa ay pumasok ang isang babae. Sa tingin niya kaedad ito ni Mallows.

"Hi ako si Evie. Pinapunta ako rito ni Abbadon para gamutin ang sugat mo."

"Why would he bother? Papatayin niya rin naman ako."

"Hindi iyon magagawa ni Azriel lalo na at wala ka naman kasalanan sa kanya."

Azriel?

"Nabilog niya na yata pati isip mo, Evie. Help me escape. Matutulungan kita malayo sa lalakeng 'yon."

"I can't. Malaki ang utang na loob ko kay Azriel. He is the only one who help me when I was assaulted by those bandits."

"He save you?"

Wala sa itsura nito ang maging matulungin.

"He maybe bad in your eyes but Azriel never treat me bad. He welcome me in his place along with the other homeless kids."

"Homeless kids?"

"Yes. He rescued us and every kids here kaya hindi kita matutulungan. By the way, he is not Abbadon...he is Azriel."

Matapos siyang gamutin ni Evie ay lumabas na ito. But did Abbadon really do that? Teka Azriel ang totoo nitong pangalan, so he's not Abbadon?
Naguguluhan na siya sa mga nangyari.

Nang puntahan ulit siya ni Evie ay tinanong niya ulit ito.

"So you're telling me that he's not Abbadon but Azriel?"

Tumango ito.

"Abbadon died. Rayden killed him."

"So if he's not Abbadon why is he doing all of this?"

"Because Abbadon is his father. Abbadon manipulated his brain to kill Rayden. Kaya hindi ka niya papatayin Caia tulad ng iniisip ninyo ni Mallows sa kanya."

"Teka, kilala mo si Mallows?"

"I'm his girlfriend. Kaya rin siya nasaktan ay dahil gusto niya akong umalis sa pader ni Azriel. But I will not do that, I owe my life to him. Kaya kahit mahal ko si Mallows mas kakampihan ko si Azriel."

Grabeng revelation's ito. Nawiwindang siya sa lahat ng ipinagtapat ni Evie.

"Kumusta na nga pala si Mallows?"

"He is fine. He is recovering."

"Mabuti naman. I'm the one who hurt him not Azriel. Ginawa ko lang iyon dahil gusto niyang saktan si Azriel and I can't let him do that" she started to cry.

"What did you said?"

"Ako ang may gawa niyon sa kanya. I stab him twice—"

Sinampal niya ito.

"How can you do that to Mallows?"

"I'm sorry, hindi ko sinasadya. Alam kong hindi niya ako mapapatawad sa ginawa ko and I deserve that ang mahalaga eh alam ko na maayos na ang lagay niya ngayon."

"Do you really think Mallows hate you after what you did? Nagkakamali ka Evie sa huli ay prinotektahan ka parin niya. Sinabi niya na si Azriel ang nanakit sa kanya para sa kanya ako magalit at hindi sayo. And he do that because he loves you!"

Tuluyan na itong napahagulhol ng iyak. Niyakap niya ito, ramdam niyang mahal talaga nito si Mallows at hindi nito sinasadya ang mga nangyari. And that is also another eye opener for her to understand Azriel na akala nila ay si Abbadon.

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

(A/N)

Nagsasabi nga ba ng totoo ang lalake, ito ba talaga si Azriel at hindi si Abbadon? Put your own theories guys, kindly comment before going to the next chapter. Kamsahamnida!💚

Kitsune Pledge Of LoveWhere stories live. Discover now