Kabanata 4 (Glosso)

6 5 4
                                    


Tinatahak nila ngayon ang daan patungong palasyo.

"Anais, sa tingin mo kaya ba talaga natin talunin ang halimaw na 'yon?"

"Hindi ko rin alam, malalaman natin mamaya."

"Ano? Hindi ka pala sigurado?"

"Pwede ba Mallows tinutulungan ka na nga nagrereklamo ka pa kapag nainis ako sayo una kitang hahatiin nitong espadang hiniram ko kaysa sa halimaw na 'yon."

"Sorry na pero Anais."

"Ano na naman?"

"Marunong ka bang gumamit ng espada?"

"Hindi pero iwawasiwas ko lang naman 'di ba? Huwag kang mag-alala ako ng bahala" she confidently said.

Pagdating nila sa kaharian nito napansin niya ang wasak na mga bahay.

"Si Glosso ba ang may gawa nito?" lingon niya kay Mallows.

"Oo. Kapag nagugutom kasi siya mas lalo siyang nagwawala."

"Saan na ang mga tao rito?"

"Marami ang hindi nakaligtas mula kay Glosso. Ang mga nakaligtas naman ay nagsipagtago sa likod ng bundok. Ngunit ilang sandali na lang din ay mahahanap na sila ni Glosso. At hindi ko hahayaan na mangyari iyon kaya kailangan maunahan na natin siya."

Dumaan sila sa likod ng kastilyo. May lihim na lagusan doon na si Mallows lang ang nakakaalam.

"Rawrrrrrrrrrr" dagundong ng isang boses.

Kinalabutan siya.

"Iyon na ba si Glosso?"

"Oo mukhang naaamoy na niya tayo. Pero huwag kang mag-alala hindi naman niya tayo makikita. Kaya kailangan natin magmadali."

"Fine."

Kailangan niya lang makuha sa katawan nito ang crystal pero mukhang hindi iyon magiging madali. Ilang sandali pa ay nakaharap na nila si Glosso. He was a huge monster.

"Habang dinidistruct ko siya hanapin mo ang crystal" utos niya kay Mallows.

"Ha? Paano ko hahanapin 'yon?"

"Gawan mo ng paraan alangan naman ikaw ang lumaban sa halimaw na ito. Pero kung gusto mo naman heto ang espada at ikaw ang lumaban."

Mabilis na umalis doon si Mallows. Napailing na lang siya. She really don't intend to fight the monster and just send herself as a decoy. Tumakbo siya palayo dito.

"Rawjdjfkshxgsjdv!" it angrily growled.

"Hoy Caia Anais bilisan mo ang pagtakbo kung ayaw mo pa maging pagkain" kausap niya sa sarili.

But she was trap in a hall. Wala na siyang nakikitang labasan. Napadasal na siya ng wala sa oras. Mukhang matatapos ang buhay niya bago pa siya makabalik sa mundo niya.
What the hell!

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Dumating si Rayden.

"Is this your great plan, Anais?" he taunts her.

"Pwede ba mamaya mo na lang ako tuksuhin, do something."

"Ayaw ko nga. Hindi ba ikaw naman ang nagmalaki kanina na ikaw na ang bahala?"

"Kanina 'yon. Woah-waaa!" sigaw niya nang tumilapon siya sa hampas ng halimaw. Pero bago pa man tumama ang katawan niya sa pader ay naramdaman niya ang lalake sa kanyang likuran. Napalingon siya rito.

"If you say please I'll save you" saad nito.

"P-please."

He smirked. Rayden let his claws grow and started fighting the monster. Mahirap itong talunin lalo na dalawa ang crystal na taglay nito.

"Rayden, talunin mo na 'yan bago niya pa sirain ng husto itong palasyo" ani Anais.

"Huwag mo akong utusan."

Bumaon ang matalim nitong mga kuko sa likod ng halimaw. Habang nasasaktan ito ay iyon ang kinuhang pagkakataon ni Rayden para paslangin ito gamit ang espada nito, the long falcata sword.

Ang alam niya minana pa iyon ng lalake sa master na nagturo rito paano humawak ng espada.

It can reflect thunders and any powerful power. It can also control the wind and fire. It can kill 300 people in one slash but he still can't able to master it. Hindi pa kaya ng katawan ni Rayden ngayon lalo na ilang taon din itong hindi nakapagsanay. Baka kapag nagtangka ito ay iyon pa ang ikamatay nito.

Nagawa nitong hatiin ang halimaw gamit ang espada.

"Easy!" he exclaimed. Pero natigilan sila nang magsimulang gumuho ang lugar.

"Anais! Si Mallows!" saad ni Rayden sa kanya.

"Oo nga pala teka hahanapin ko muna."

Biglang sumulpot si Mallows.

"Did you already find it?" she was talking about the crystals.

"Yes."

"Good."

"Halina kayo kailangan na natin makaalis sa lugar na ito bago pa gumuho ang palasyo" ani Rayden.

He let them ride on his back and hurriedly went out. Tuluyan ng gumuho ang palasyo nang makalabas sila.

"Maraming salamat sa tulong mo sa amin Anais" ani Mallows.

"Hoy rabbit, hindi ba dapat sa akin ka nagpapasalamat since I'm the one who slay that monster?" saad ni Rayden.

"Oo pero si Anais ang unang tumulong sa akin. Bakit nagbago ang isip mo at sumunod ka?"

"Hoy kutong lupa kung hindi ko kayo sinundan malamang nilapa na kayo ng halimaw. Bakit 'di kaya kita isunod sa halimaw na 'yon" wika nito sabay hila ng espada.

"Rayden, tama na 'yan pati bata pinapatulan mo. Mallows, natutuwa kami na nakatulong sa inyo. Ngayon payapa na ang lupain ninyo" saad niya.

"Before I forgot, heto na ang crystal. Hindi ko na ito kailangan."

Paalis na sila nang binigyan sila ng mga naninirahan doon ng mga pagkain. Blessed them more.

"Bakit mo pa ba 'to tinanggap? Ang dami nito, mabigat sa likod" Rayden complains.

"Para 'yan lang nagrereklamo ka na. At isa pa parang training mo na rin 'yan para lumakas ang katawan mo."

Tsk. Kailangan nila ng mga pagkain lalo pa hindi niya tiyak kung kailan nila mabubuo ang paghahanap sa mga crystal.

Kitsune Pledge Of LoveWhere stories live. Discover now