Kabanata 24 (Pagtakas)

4 1 0
                                    


Mallows comforted her nang hindi niya na mapigilan ang umiyak dito.

"G*go pala iyang si Rayden, you should not look for him. Kung pwede ko lang puntahan siya sa mundo ninyo ginawa ko na dahil gustong-gusto kong basagin ang pagmumukha niya" nanggigigil na wika ni Mallows.

"I don't want to see him again Mallows. Pwede bang dito na lang muna ako sa inyo?"

"Hindi naman pupwede iyon Caia. Paano ang pamilya mo? Hahanapin ka nila" turan ni Aling Merissa.

"If she wants to stay here pabayaan na lang natin siya Aling Merissa. Kapag nandoon siya sa mundo nila baka makita niya pa ang Rayden na 'yon. Nais niyo ba na lagi na lang umiiyak itong si Caia?" ani Mallows.

"Syempre hindi pero Mallows nandoon ang pamilya niya."

"At pamilya niya rin naman tayo."

"Huwag na kayo magtalo. Sa ngayon siguro dito muna ako Aling Merissa. Sasabihin ko na lang sa kanila na nagbakasyon ako."

Hindi niya alam kung ilang buwan siya nanatili sa Wirmandin. Ni ayaw niya na ngang bumalik sa kanila pero ayaw naman niyang mag-alala pa sa kanya ang pamilya, lalo na ang ina. She broke her promise to her many times.

"Caia, nakapagluto na ako kumain na tayo" ani Mallows.

"Aba Mallows, hindi ko alam na nagluluto ka pala ah."

"Kapag ulila ka na matututo ka talagang magluto" bakas parin ang mukha nito ang lungkot sa pagkawala ng magulang nito.

"Huwag ka ng malungkot nandito naman kami ni Aling Merissa para ipagluto ka. Hayaan mo dadalhan ulit kita ng paborito mong chocolate."

"Talaga?"

"Oo naman. Ilan ang gusto mo sampu? Sige, dadalhan kita ng sampu."

"So you're here?" saad ni Raheel.

Nagulat siya sa pagdating nito.

"Paano ka napunta rito? I mean the ring is still with me."

"Nagpatulong ako kay Merissa dahil gusto kitang makita."

"Bakit mo naman ako gustong makita?"

"Dahil ayaw kong nagmumukmok ka rito at patuloy na iiwasan ang kapatid ko."

"Tama na Raheel! We both heard it clearly ayaw na akong makita ng kapatid mo."

"So sumusuko ka na?"

"Yes."

"But you're hurting."

"Ganoon naman talaga basta nagmamahal ka. Mawawala rin ito."

"Okay, kung ayaw mong bumalik sasamahan na lang kita rito."

"Hindi niya kailangan ng kasama" komento ni Mallows.

"Pwede ba Mallows, kung galit ka kay Rayden huwag mo akong idamay dahil iba ako sa kanya."

"Paanong iba? Magkapatid kayo iisang dugo lang ang nanalaytay sa inyo. Between him and Caia alam ko na mas pipiliin mo ang kapatid mo kaya umalis ka na."

"If I choose my brother I wouldn't be here."

Sinamahan nga siya doon ni Raheel. Paminsan-minsan nagrereklamo parin ito na namimiss nito ang night life.

"Bumalik ka na, hindi naman kita pinipilit na samahan ako rito. Nandyan naman sina Aling Merissa at Mallows."

"Paano kung may dumating na kalaban?"

"I have my trident Raheel at isa pa hindi mo ba narinig kay Rayden na bago pa siya matapon sa mundo namin eh napaslang niya na si Abbadon."

"Ah basta, dito lang ako."

Bumalik siya ng Wirmandin upang takasan ang sakit na nararamdaman niya.

The city of Wirmandin become so lively over the years. Lalo na nang maging sentro iyon ng kaharian ni Prince Hector.

"Caia, nagugutom na ako hindi pa ba tayo kakain?" ani Mallows.

"Sige, let's eat."

Naghanap sila ng makakainan. Habang kumakain ay dumating ang isang grupo ng mga lalake at biglang dinampot ng mga ito si Mallows.

"What do you want with us?"

"Wala kaming kailangan sayo kundi sa binatilyong ito" saad ng leader.

"Ano pa bang kailangan ninyo sa akin?"

"Baka nakakalimutan mo na ang ginawa mo sa akin ha bata? Lintek lang ang walang ganti."

She fight back pero dahil hindi naman siya train in any martial arts ay wala rin silang nagawa nang isama sila ng mga lalake. Dinala sila ng mga ito sa hideout. Napag-alaman niya na minsan na palang napuruhan ni Mallows ang leader ng isang bandidong grupo kaya ganoon na lang ang pagnanais ng mga ito na makapaghiganti.

"Hindi mo na dapat ginawa 'yon Caia. Sinaktan ka pa nila tuloy" ani Mallows.

"I can't leave you. At isa pa hindi ko naman hahayaan na saktan ka nila. Ang mabuti pa gamitin mo ang pana mo para makalabas tayo rito."

"Ang totoo niyan may bali na ang pana ko nang makaharap ko si Abbadon. Huling gamit ko na nito when we went to Koushi after that tuluyan na itong nabali."

"What? Baka naman pwede pa natin ayusin?"

"I tried it already Caia pero wala rin nangyari."

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalake, sa tingin niya ito na ang sinasabi ng mga ito na boss.

"Mallows! Hahahaha sabi ko naman sayo kahit magtago ka pa saang lupalop mahahanap at mahahanap parin kita. You owe me big time brat and the only way for you to pay it is your life."

Naikuyom niya ang kamao, she needs to do something.

Kitsune Pledge Of LoveWhere stories live. Discover now