Luna's Point of View

Matapos kong tanungin si Sally ay sumabak na ako sa labanan. I quickly stop those bullets na papunta sa direksyon ko. Gamit ang kapangyarihan ko na medyo nasanay na ako ay mabilis ko lang na napatumba ang isang lalaki. Nawalan kaagad siya ng malay sa ginawa kong pagsuntok sa panga niya.

"Huwag ka ng manlaban Madame. Sumama ka na lang ng matiwasay sa amin para hindi namin mapatay ang kanang kamay—"

Hindi na niya natapos ang sinasabi niya kasi gamit din ang baril ng lalaki na pinatumba ko ay ipinutok ko ito sa ulo niya. Napasinghap ang mga kasamahan niya sa ginawa ko.

Napangisi ako, "Bakit? Natatakot na kayo?" Pang-aasar ko sa kanila.

Galit naman akong tiningnan no'ng isa. Bigla siyang nagpalabas ng espada na gawa sa kapangyarihan niya na apoy. Mabilis ko naman siyang pinagbabaril habang iniiwasan ko ang mga atake niya. Sinasangga lang din niya ang mga bala ng walang kahirap-hirap. Nang maubos ang bala ko ay ipinalo ko sa kaniya ang baril kaya napaatras naman siya.

Lumusob naman ang isa sa'kin. Ginawa nitong bato ang kanang kamay niya at iyon ang pinangsuntok niya sa'kin. 

"F*ck you! Who cares about the order? I'm gonna kill y—"

Muli ay hindi ko na siya pinatapos pa sa sinasabi niya at hiniwa ang leeg niya gamit ang bagong kakayahan na natutunan ko. Ginawa kong patalim ang hangin na naipon ko kaya nong inihagis ko sa kanya iyon ay nagmistula iyong dagger ngunit gawa nga lang sa hangin kaya hindi niya nakita iyon.

"Two down!" Masaya kong sambit.

Lumusob na sila lahat sa'kin na puno ng galit. But then walang hirap ko lang silang pinatumba hanggang sa maubos ko na nga sila. Hinihingal pa ako no'ng tinanggal ko ang maliit na kutsilyo na itinarak ko sa isang lalaki.

Sa pagtayo ko ay may ibinulong naman sa'kin ang hangin.

"Hindi gumana sa kaniya ang gamot Boss. Kamangha-mangha. Tunay nga na malalakas ang mga Quinn— Argh!"

Napalingon ako sa direksyon kung saan narinig ko ang isang putok ng baril. Binaril no'ng boss nila ang lalaking nagsalita kanina.

Doon na nanlaki ang mata ko nang makita kong hawak nila si Sally ngunit nakatayo lamang ito at walang ginagawa. Para bang nanonood lang din siya sa laban ko.

Muli na namang may ibinulong sa'kin ang hangin. Malayo si Sally sa'kin kaya kung titingnan ko siya rito ay para siyang kakampi ng mga lumusob sa'min. Ngunit nagkamali ako nang marinig ko ang mensahe niya.

"They captured me, Miss Abi. Now, run. Don't mind me, they won't kill—Argh!" Napasinghap ako ng isang tunog ng baril na naman ang narinig ko.

"Sally!" Tumakbo na ako sa direksyon nila na puno ng pag-aalala.

Lumusob naman sa'kin ang iba nitong kasamahan na dahil sa galit ko ay pinapatilapon ko na lang ito. Ang iba naman ay tinanggalan ko ng hangin sa katawan nila. Tatlo pa lang ang kaya kong tanggalan ng hangin sa katawan kaya may apat pang natitira.  Kasama na doon ang bumaril kay Sally.

Hindi ko alam kung anong nangyari kay Sally basta ay nakatayo lamang siya doon na para bang na estatwa siya. Siguro ay ginamitan siya ng kung anong mahika kaya hindi siya nakagalaw.

Sa pagtakbo ko ay may nakita akong kutsilyo kaya dumaosdos ako sa lupa at kinuha ito. Umikot ako sa ere at sinalubong ang isang pang lalaki na papunta sa'kin na nakaamba na ang kapangyarihan niyang apoy sa direksyon ko.

With this dress ay medyo nahirapan akong umaksyon kasi nga fitted dress 'yung suot ko at hindi man lang ako nakapag bihis ng dahil na rin sa mga nangyari sa bahay nila Olivia kanina.

The Rare OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon