Deretso niya itong sinabi sa'kin. Without even blinking his eyes.

"A-Ano? Lasing ka—"

"I'm not drunk," mariin niyang sambit.

"But your face says otherwi—" natulala ako ng lumapat ang labi niya sa labi ko.

It's just a peck kiss pero nagulat talaga ako.

"I'll take that as a yes." His voice is so deep yet it sounds so husky to me. Dala siguro iyon ng tama ng alak.

Bigla naman siyang ngumiti sa harap ko habang malapit pa rin ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ko alam pero para akong naestatwa sa pagngiti niya. Lumabas ang tinatago niyang kagwapuhan no'ng ngumiti siya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko.

Basta ang alam ko, nakatingin lang ako sa kaniya habang nakangiti siya sa'kin. His smile. It's so beautiful. Para bang hindi ko pagsasawaan ang ngiti niyang 'to.

Snap it, Luna!

Mabilis kong iniling ang ulo ko sa mga naiisip. No, not with this jerk.

"I found out that you're my fiancee. At first, I just wanted a girlfriend para hindi matuloy ang kasal. But then when I heard it's you," ngumiti siya, "I've changed my mind. I want to marry you." Dugtong niya.

Itinulak ko siya at pinilit na pinahiga sa kama. Lasing lang siya Luna. Huwag kang magpapadala sa matatamis niyang ngiti.

Hindi naman siya nagreklamo sa ginawa ko ngunit… hinila rin niya ako kaya napasama ako sa kaniya sa paghiga. Nasa ilalim ko siya at ako naman ay nasa itaas niya.

Ngumisi siya sa'kin ng nakakaloko dahil sa posisyon naming dalawa ngayon. Nagulat man ako sa ginawa niya ay mabilis akong lumayo. But it just became worst. Pinagpalit niya ang pwesto naming dalawa at ngayon ay siya na naman ang nasa itaas ko.

Pag ako nainis sa kaniya. Basag talaga 'yang gitnang bahagi niya. But damned! Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya na inaamin kung bumagay sa itsura niya.

Umawang ang labi ko nang makita kong hinubad niya ng mabilisan ang pang-itaas niyang damit. Jusko! Mukhang ibang pangangagat ata ang tinutukoy ni Matt e.

Ano akala niya, sinuswerte siya?

"W-What are you doing, j-jerk?"

Inaamin kong medyo kinabahan ako sa ginagawa niya ngayon. I mean, I'm a party girl but I never do this kind of thing. Hanggang kiss lang sila gano'n. Pero ganito, never pa nangyari sa'kin.

Ngumisi naman siya, "Marking you," matapos niyang sabihin iyon ay hindi na ako nakapagreklamo pa.

Bigla ba naman akong halikan sa labi. Sheyt! Halimaw sa kama ba 'tong lalake na 'to? Ba't nadadala ako? Jusko po mahabaging langit!

I resist his kiss as much as I can at nang pinutol niya ang halikan naming dalawa ay doon ko na siya pinatamaan sa vital area niya sa leeg. Isang tama ko lang ay bumagsak na kaagad siya at nawalan ng malay.

Napabuntong hininga ako. "Muntik na 'yun a."

Bumagsak siya sa itaas ko habang ang mukha niya ay nasa leeg ko.

"Ang bigat mo naman, putrag*s ka!"

Ginamit ko ang buong lakas ko para ilagay siya sa gilid. Naknamputcha! Kung kami magkakatuluyan nito, ewan ko na lang. Hindi ko naman siya gusto. Gwapo lang siya hanggang do'n lang ang paghanga ko sa kanya.

Tumayo ako at naupo sa kama. Tang*na dalawang lalaki ang humalik sa'kin ngayon. Nagmukha naman akong malandi, nakakainis! Ni isa naman sa kanila hindi ko boyfriend. Ang isa naman mapapangasawa ko raw. Dagdag lang sila sa gulo.

The Rare OnesWhere stories live. Discover now