–––

*At Olivia's House*

"Good evening Mr. & Mrs. Quinn. I am very glad that you came to my daughter's birthday party." Pagbati ng ama ni Olivia sa'min.

Sumama kasi sina Mom at Dad kasi matagal-tagal na raw kasi nilang hindi nakakausap ang ama ni Olivia na kaibigan slash business partner nila magpahanggang ngayon. That explains why Olivia and I are close friends.

Binalingan naman niya ako. "Hello, Luna. How are you?" nakangiting tanong niya.

Ngumiti naman ako. "O-Okay lang naman po, Tito…" I prolonged my words kasi hindi ko matandaan ang pangalan niya.

Natawa naman siya ng mahina sa sinabi ko. "Tito Enrique. I see hindi mo pa ako naaalala. That's okay, Luna. Nando'n sa kusina si Olivia, kanina ka pa nila hinihintay." Sabi niya sa'kin.

Tiningnan ko naman si Mom at Dad. Napansin ko naman si Arabella na nandoon na at nakikipag halubilo sa mga ka-edad niya na imbitado rin sa pa-birthday party ni Olivia.

"You can go. Wag kang magpakalasing, a!" Bilin sa'kin ni Mom.

Tumango naman ako sa sinabi niya at bahagyang ngumiti. Nagtungo na nga ako sa kusina. Hindi ko alam pero mukhang kabisado ng katawan ko ang daan papunta sa kusina nila Olivia. Masasabi ko na malapit talaga siguro ang pamilya ko at ang pamilya ni Olivia. Siguro ay maraming beses na akong nakapunta rito sa bahay nila. Pamilyar kasi sa'kin e.

Nang makarating ako doon ay nagulat ako sa sumalubong sa akin na tao.

"Gianna! Hali ka na! Kanina ka pa namin hinihintay." Hinila niya ako papunta sa mesa.

"Shamil? Hindi ko alam na nandito rin pala kayo."

"Oh! Gianna!" -Miles

"Gianna! You look gorgeous." Napalunok ako sa sinabi ni Elleanor sa'kin.

Oo nga pala, party ang pinuntahan namin so medyo nag-ayos ako ng kaunti pero hindi ko pa rin naman tinanggal ang salamin ko sa mata and I also wear a contact lenses para doble ingat na rin. Tinatanggal ko lang kasi ang lenses ko kapag sumasabak ako sa sariling misyon ko.

Sumalubong naman sa'kin si Olivia na naka-dress din. She's wearing a color red fitted dress na may slit sa kanan na nagpalitaw sa napakakinis niyang hita. Nagningning naman ang mga mata niya nang makita rin niya ang suot ko.

Pareho kami ng suot. 'Yung sa'kin nga lang ay kulay itim. Kaagad siyang lumapit sa'kin at niyakap ako. Tumugon naman ako sa yakap niya. Kaagad kong binigay sa kanya ang bitbit kong regalo na para sa kaniya.

Habang inaabot ko ang regalo sa kanya ay binati ko naman siya. "Happy Birthday! Goodbye to teenage life." Masaya kong bati.

"Thank you. Halika upo ka rito." Nang tuluyan akong makapasok sa dining hall nila ay doon tumambad sa paningin ko ang iba pa naming kaklase na hindi ko napansin na nandito rin pala.

"Gianna! Buti nakarating ka. Akala ko hindi ka na tutuloy e." Sambit ni Ellesse.

Dumako naman ang mata ko sa iba pa naming kaklase. Nandito si Mirra na nagsasandok ng kanin, si Matt at Zyriex na may niluluto at si Damonn at 'yong isang lalaki na hindi ko kilala ay namimili ng wine sa wine area.

Binigyan naman ako ng makakain ni Elleanor habang may nginunguya siya sa bibig niya. "Kain ka na. Inom tayo mamaya. Hihi!" Sabi niya sa'kin na bakas ang pagkasabik sa mukha.

Nginitian ko naman siya at inagaw ang serving spoon sa kaniya para ako na ang magsandok ng ulam.

"Ako na niyan," nakangiti kong wika.

The Rare OnesWhere stories live. Discover now