"Hihiwalayan mo siya o hindi mo na siya makikita kahit kailan." Mariin na wika ng ama niya.

"That's still my answer to—"

"Love! Oh, my ghad!"

Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko namalayan na bumagsak na pala ako sa sahig na nakahiga pa sa paanan ni Zyriex. Masakit ang dibdib ko. Parang… parang may nakatarak doon na masakit. Parehong pakiramdam no'ng nabaril ako noon.

Wait… mukhang…nabaril… ata…ako.

Hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil siguro sa pagkakabigla ko. A sudden flashback. The memory of that day came into my head. 'Yong araw na nabaril ako. Noong araw na hindi ko man lang kayang iligtas ang ina at ama na nag-alaga sa'kin noon. Ayoko pang mamatay. Kailangan ko pang tuparin ang kahilingan ni Gianna.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang nakatingin kay Zyriex. Karga-karga niya ako at nakita ko na lang ang paligid na puro puti. Wari ko ay nasa hospital na kami.

"Please don't die! Please don't die!" Paulit-ulit ko iyong naririnig sa kanya.

Bumibigat na rin ang talukap ng mata ko habang ramdam na ramdam ko ang sakit sa dibdib ko. Ayoko pa sanang ipikit ang mga mata ko ngunit hindi ko na talaga kaya.

–––

Blake's Point of View

"Kumusta siya?" Tanong ko kay Nurse Gee.

"She's doing good, Doc. Pero wala pa rin pong sign or any responses kapag kinakausap ko siya." Sagot niya.

Tumango naman ako. Bigla namang bumukas ang pintuan at doon pumasok ang humahangos pa na si Roydein.

"Bro, bakit? Anong balita natin?"

"Doc Jin! May pasyente tayo! Emergency! Emergency!" Napairap ako dahil nagsimula na naman siya sa pagiging O.A. niya.

"Kumalma ka nga diyan! Hindi lang naman ako ang doctor dito a. Doctor ka rin naman kaya bakit ka pa tuma—"

"Si Luna ang pasyente!" Natigil ako sa sinabi niya.

"What?"

"Si Luna! May tama siya ng baril, Jin! Anong gagawin natin?" Parang bata niyang maktol na anytime ay parang iiyak na.

"Gago! Anong, anong gagawin natin? Ililigtas natin siya!" Singhal ko sa kaniya at tumakbo na.

Shit! Sinong hayop ang bumaril sa kapatid ko! Hinihingal akong nakarating sa ER. I immediately scan the area at nang makita si Luna ay mabilis ko siyang pinuntahan.

Biglang nanginig ang kamay ko nang makitang duguan ang damit niya at muntik na akong malagutan ng hininga ng makitang nasa dibdib ang tama ng bala nito.

"Who the f*ck did this to her?" Galit kong singhal sa lalaking kasama niya ngayon.

Ngunit hindi man lang niya ako nilingon. Sa galit ko'y kwenelyuhan ko siya kaya napatingin na siya sa'kin.

"Sino! Sino? Ha! Sino ang may gawa sa kaniya niyan!" Imbes na sagot ang dapat na makukuha ko ay walang hirap niya lang akong ibinalibag na mas lalong ikina-igting ng panga ko.

"Jin! Jin! Mamaya na ang away! Iligtas mo muna ang kapatid mo! Shutacca!" Tarantang sabi sa'kin ni Roydein habang tinutulungan niya akong tumayo.

*10 hours later*

I heave a sigh. Kakatapos ko lang operahan si Luna and it was successful. Mabuti na lang talaga at naagapan kaagad siya kundi ay baka maniniwala na talaga ako sa sumpa ng pamilya namin.

The Rare OnesWhere stories live. Discover now